Remember Rose Vega ng '90 Day Fiancé?' Ito na siya ngayon!

Remember Rose Vega ng '90 Day Fiancé?' Ito na siya ngayon!

Matapos ang sinalihang reality show ni Rose Vega, halos hindi mo na makikilala ang transformation niya ngayon. Silipin din ang ipinapatayong bahay niya!

Matapos ang sinalihang reality show ni Rose Vega, halos hindi mo na makikilala ang naging transformation niya ngayon! Sa kaniyang Youtube channel, ibinahagi rin nito ang kasalukuyang sitwasyon ng pinapagawa niyang bahay.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Summary ng love story nina Rose Vega at Big Ed sa 90 Day Fiancé
  • Mensahe ni Rose sa mga single moms katulad niya
  • Youtube channel ni Rose at ang ipinapatayong bahay

Rose Vega on 90 Day Fiancé

Unang nakilala si Rose Vega, 23 years old, isang single mother mula Caloocan City, nang ito ay sumali sa American reality show na TLC’s 90 Day Fiancé. Kapartner niya rito si Ed, 54 years old na taga San Diego, California.

Ayon kay Ed, tinatawag siyang “Big Ed” dahil pakiramdam niya ay tumatangkad siya lalo dahil 4’11 ang kaniyang tangkad.

rose vega

Rose Vega on 90 Day Fiancé | Image from TLC Youtube Channel

Nagkakilala ang dalawa sa internet at hindi rin tumagal ay naging mabuti ang kanilang pag-uusap. Parehong may anak sa unang naging karelasyon sina Ed at Rose. Mayroon din silang 31 years age gap.

Sa unang episode pa lang ng 90 Day Fiancé, marami na ang napansing “red flag” mula kay Ed. Nagsimula ito sa pagtatanong niya ng ex-boyfriend ni Rose, kung bakit marami itong friends sa Facebook at pag-open ng topic ni Ed na gusto niyang dumaan sa STD test si Rose.

Nang pumunta si Ed sa bansa para makita sa unang pagkakataon si Rose, napansin ng dalaga na nagsinungaling si Ed tungkol sa height nito. Dahil hindi naging komportable si Ed sa bahay ni Rose, pumunta sila sa resort at nag book ng hotel.

BASAHIN:

WARNING: Kidnapping modus gamit ang pambatang online game

Marriage license at iba pang mga dapat mong ihanda bago magpakasal

7 messages na hindi dapat i-send ng mga taong kasal na

Dati pa lang ay pangarap na ni Rose ang magkaroon ng dalawang anak. Sinabi niya ito kay Ed ngunit para kay Ed, ayaw na niya ng isa pang anak. Dito nagkalabuan ang dalawa. Nailabas pa ni Rose ang hinanakit kay Ed dahil pakiramdam niya ay lagi siya nitong pinapahiya.

“I’m disappointed because you always embarrassed me.”

Ito ang binitawang salita ng dalaga kay Ed.

Nagsimula ito ng binigyan ni Ed ng mouthwash ang dalaga dahil hindi umano maganda ang amoy ng bibig nito. Sumunod naman ay ang pilit na pagtatanong ni Ed kay Rose ng past nito sa boyfriend niya. Gusto rin ni Ed na sumailalim sa STD test si Rose para mapagkatiwalan siya nito ng todo.

Dahil sa mga naging issue, hindi na itinuloy ni Rose ang naging relasiyon kay Ed. Umuwi na agad ito ng kanilang bahay nang hindi nagpapaalam sa boyfriend.

rose vega

Rose Vega on 90 Day Fiancé | Image from Rose Vega Instagram

Remember Rose Vega ng ’90 Day Fiancé?’ Ito na siya ngayon!

Matapos lumabas ni Rose Vega sa reality show na ito, naging kilala agad siya sa pagiging “totoo” at “matapang” na babae. Marami na ang dumating na projects sa kaniya.

Noong May 4, taong kasalukuyan, opisyal na nagbukas ng sariling Youtube channel si Rose Vega. Marami ang nanood nito at nasa halos 3 milyon na ang views ng first vlog niya sa Youtube. Mayroon na rin siyang mahigit 600 thousand subscribers.

Naging mabilis ang success ng dalaga kasama pa ang kaniyang pinakamamahal na anak na si Prince, apat na taong gulang. Hilig ni Rose ang mag-post ng picture kasama ang anak. May isang Instagram post ito kung saan nagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa anak.

rose vega

Rose Vega on 90 Day Fiancé | Image from Rose Vega Instagram

Sa isang vlog ni Rose, nagbigay ito ng mensahe sa mga kapwa single mom na katulad niya. “Proud ako sa inyo. Sobrang proud na proud ako sa inyo kasi nakakaya niyong itaguyod ang sarili niyong anak na mag-isa.”

Ayon sa caption ng naturang post,

“I’m proud of many things in my life but nothing beats being a mother.” 

Ibinahagi pa ni Rose ang sitwasiyon ng kaniyang pinapatayong bahay. “Malapit na ‘yan, konting tiis na lang.” dagdag pa niya.

Todo suporta naman ang kaniyang followers sa pagiging Rose Vega version 2 nito.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner