Si Rosuta Calacala ay isa sa higit tatlong libong bagong abogado sa bansa ngayon. Sa edad na 62-anyos, si Rosuta naipasa ang bar sa una niyang take.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kilalanin si Rosuta Calacala.
- Mensahe ni Lola Rosuta sa mga tulad niyang nangangarap parin kahit may edad na
Kilalanin si Rosuta Calacala
Usap-usapan ngayon sa social media si Rosuta Calacala. Siya ay isa sa mga nakapasa sa bar exam ngayong taon. Si Lola Rosuta, 62-anyos na pero nagawang maipasa ang bar exam sa una niyang take.
Pinasok ni Lola Rosuta ang law school sa edad na 58 years old. Siya ay mula sa Jones, Isabela. Isa mang lisensyado at certified public accountant na, hindi tumigil si Lola Rosuta na tuparin ang pangarap niya. Kuwento pa niya sa isang panayam, sa apat na taon niyan pag-aaral ay wala siyang failing grade.
Pagbabahagi pa ni Lola Rosuta, ang dalawa niyang anak na parehong mga certified public accountant ang sumuporta sa kaniya. Ito ang nagpaaral at nag-finance sa kaniyang law school. Kaya naman ng malamang nakapasa siya sa bar exam ay napaluha talaga si Lola Rosuta.
Mensahe ni Lola Rosuta sa mga tulad niyang nangangarap maging abugado
Sa ngayon si Lola Rosuta ay inspirasyon sa marami, hindi lang sa mga senior citizens na tulad niya. Kung hindi pati narin sa mga Pilipinong nag-aaspire na maging abogado.
“Take the risk. Just take the bar, you do not know your future.”
Ito ang maikling mensahe ni Lola Rosuta sa mga lawyer aspirants na tulad niya.
Ang pagkakapasa niya sa bar exam ay gagamitin daw ni Lola Rosuta para makatulong sa mga tao sa komunidad nila.
Dahil sa kaniyang edad, may kaunti ring panghihinayang ang isa sa pinaka-matandang bar passer ngayong taon. Pero magkaganoon pa man ay napakasaya pa rin niya na matupad ang kaniyang pangarap.
“Sabi ko noon eh, paano kung nag-take ako ng law before? E di sana noon attorney na ako. Bakit ngayon lang? dapat noon pa.”
Ito ang sabi pa ni Lola Rosuta.