Ruffa Gutierrez pinayagan na sina Lorin at Venice na makausap si Yilmaz Bektas: "It's time na mag-reconcile sila."

“Maybe one day kapag nagkita na sila ng daddy, nila that's the only time na mawawala na lahat ng pain or trauma.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ruffa Gutierrez daughters na sina Venice at Lorin ngayon lang pinayagan ng dating beauty queen na makipagkita sa kanilang ama.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Relasyon nina Venice at Lorin sa kanilang amang si Yilmaz Bektas
  • Bakit ngayon lang pinayagan ni Ruffa Gutierrez ang two daughters na makipagkita at makausap ang ama
  • Bilin ni Ruffa sa mga anak sa pagpili ng lalaki sa buhay nila

Relasyon nina Venice at Lorin sa kanilang amang si Yilmaz Bektas

Image from Ruffa Gutierrez's Twitter account

Halos 15 taon na ang nakalipas matapos tuluyang maghiwalay sina Ruffa Gutierrez at dating asawa na si Yilmaz Bektas. Sila ay ikinasal noong 2003 at nagkaroon ng dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Pero matapos ang ilang taon matapos maikasal, ayon kay Ruffa siya ay nakatanggap ng pang-aabuso kay Yilmaz. Ito ang nagtulak sa kaniya na umuwi sa Pilipinas mula sa Turkey kasama ang dalawa niyang anak.

Nasundan ito ng pakikipaghiwalay niya sa mister. Hindi narin siya muling nagbalik pa sa Turkey o kahit hayaan ang mga anak niya na makita ng kanilang ama.

Ayon kay Ruffa, sa naging karanasan ay alam niyang hindi lang siya ang naging biktima. Kahit ang mga anak ay naipit ng sitwasyon at napigilang lumaki na may ama sa tabi nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero pag-aakala ni Ruffa, tulad niya ay nakapagmove-on na ang mga anak. Bago lang niya nalaman na labis parin silang nasasaktan sa paglaki na walang ama.

Ito ay nakita niya ng mag-iiyak ang anak na si Venice ng makausap ang kaniyang amang si Yilmaz sa unang pagkakataon. Ito ang kuwento ng aktres sa press conference ng pinakabagong negosyo na binuksan niya.

Pagkukuwento pa ni Ruffa, kinontak siya ng kapatid ni Yilmaz at sinabing napaginipan ng dating asawa ang anak nitong si Venice. Nakiusap ito na kung puwedeng makausap ang anak.

Noong sinabi daw niya ito kay Venice ay sumimangot ang anak. Pero hiningi parin nito ang number ng ama at nagdesisyon na ito na raw ang tamang oras para harapin niya ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sabi ni Venice, Mommy just give him my number I am old enough. I am an adult kami na lang mag-usap. Sila na lang nag-uusap.”

Ito umano ang naging reaksyon ni Venice tungkol sa request ng ama na makausap siya.

Si Venice ngayon ay 17 years old na. Dalawang taon palang siya ng maghiwalay ang kaniyang mga magulang na sina Ruffa at Yilmaz.

BASAHIN:

Ruffa Gutierrez pumalag sa rumor na siya’y buntis: “I am not pregnant with twins”

Baron Geisler naka-graduate na ng college: "It is never too late."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Meryll Soriano aminadong mahirap magpalaki ng mga anak na may big age gap: “Feeling mo you’re not giving enough.”

Bakit ngayon lang pinayagan ni Ruffa Gutierrez ang two daughters na makipagkita at makausap ang ama

Image from Ruffa Gutierrez's Instagram account

Nang magkausap na daw ni Venice ang ama doon nakita ni Ruffa kung gaano nasaktan ang anak na lumaking hindi ito nakasama. Ito daw ay agad na naiyak ng marinig ang boses ng ama.

Nang masaksihan ito doon naisip ni Ruffa na maaring oras na para magkita ang mga anak niya at dating asawang si Yilmaz. Maaring sa pamamagitan ng pagkikita nila ay maalis na ang negative feelings na nararamdaman ng mga anak niya.

“Maybe one day kapag nagkita na sila ng daddy nila, that's the only time na mawawala na lahat ng pain or trauma.”

Dagdag pa ng aktres, ngayon ay hindi na siya takot para sa kaligtasan ng mga anak dahil sa malalaki na ang mga ito. Siniguro rin naman daw ni Yilmaz na wala siyang balak na gawing masama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Before takot ako na baka makidnap sila or whatever, but I think now that they are adults and they can go with someone older than them maybe its gonna be ok. I have to talk about it with the kids. Malalaki na sila sa tingin ko naman kaya na nila yan.”

“And then sabi nga ni Yilmaz, 'If there is something that I wanted to do sana matagal ko ng ginawa.' It’s been 15 years so maybe it’s the time na mag-reconcile sila so whatever pain na nasa dibdib nila matatanggal na yun. Kasi after all that's still their dad.”

Pero kung si Venice daw ay ready ng makipag-usap sa kanilang ama, ang panganay niyang si Lorin ay hindi pa. Dahil sa nasaksihan nito ang paghihirap ng ina para mataguyod silang magkapatid at mabigyan ng magandang buhay.

“Si Lorin masakit parin ang kalooban. Sabi niya, Mommy, he should pay you you know because you are working so hard to send me to school.”

Ito daw ang nasabi ni Lorin na mabuksan niya ang usapin tungkol sa kaniyang ama. Si Lorin ngayon ay nasa Amerika para mag-aral ng kolehiyo.

Bilin ni Ruffa sa mga anak sa pagpili ng lalaki sa buhay nila

Image from Ruffa Gutierrez's Instagram account

Dahil sa karanasan ay may isang laging bilin si Ruffa sa mga anak niyang sina Loren at Venice. Ito ang laging sinasabi niya sa mga ito.

“Kung mainlove kayo you have to choose really wisely. And choose a God-fearing individual yung makikita mong mahal ng family and who has the right values.”

Ito ang payo ni Ruffa sa mga anak pagdating sa pagpili ng lalaking makakarelasyon nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement