Finally, ipinakita nga ng tuluyan ni Ryza Cenon sa publiko ang istura ng kaniyang baby. Marami kasi ang nag-aabang na ipakita ni Ryza Cenon ang mukha ng kaniyang anak. Finally nga ay ibinahagi niya na ito sa publiko.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagtungkol sa baby ni Ryza Cenon
- Pagiging first-time mom ni Ryza Cenon
- Larawan ni baby Night
April 9, nang inanunsyo ni Ryza Cenon ang kaniyang pagdadalang-tao sa kaniyang nobyong si Miguel Cruz na isang cinematographer. Nanganak si Ryza noong November 1 kay baby Night. Una niyang ibinahagi ang isang larawan na hawak-hawak niya ang kamay ng kaniyang baby Night. Ayon nga kay Ryza, napakahirap ang pinagdaanan niya sa kaniyang pagbubuntis at panganaganak pero lahat umano ay worth it.
Ryza’s Pregnancy Journey
Sa aming isinagawang #TAPtalks kasama si Ryza Cenon noong nakaraan, ibinahagi niya sa amin sa theAsianparent Philippines ang kaniyang pregnancy journey. Ayon kay Ryza nakaranas din umano siya ng mga morning sickness katulad ng pinagdaanan ng ibang mga nanay. Naging emosyunal rin umano siya at nagbago rin ang kaniyang katawan. Dagdag pa riyan, hirap din matulog ang aktres dahil sa pananakit ng kaniyang tiyan tuwing gabi,
Lagi rin ang pagdadasal ni Ryza para sa kaniyang kalusugan at kalusugan ni baby Night. Mahirap talaga umano ang mabuntis sa panahon ngayon dahil sa panganib na dala ng COVID-19.
“Well, yes, I cannot avoid being afraid because of the pandemic. Of course, in the hospital, me and the baby will be exposed. Next is that he might have complications, but I always pray everyday that the baby will be all healthy and normal, and that there will be no complications.”
Blessing din para sa aktres ang kaniyang pagbubuntis dahil ayon sa kaniya handa na talaga siyang maging mommy. Kaya naman excited umano siya nang malaman niyang siya’y nagdadalang-tao. Spoiled umano siya noong siya’y buntis sa kaniyang pagkukuwentuhan sa amin sa #TAPtalks. Hindi rin niya inasahan na magiging nanay siya noon in the future dahil ang kaniyang uterus ay inverted. Kaya talagang blessing talaga ang pagdating ni baby Night sa kaniyang buhay.
“At first, I was expecting not to be a mom in the future because my uterus is inverted. So I kind of accepted it. Then this happened, I got pregnant. So I was shocked that I can be a mom too. That’s why, it’s very fulfilling that the one thing that I have been dreaming before was just given to me now. So I’m really very grateful for this.”
BASAHIN:
Ryza Cenon sa usapang pagpapakasal kay Miguel: “Masyado pang maaga”
#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom
Ryza Cenon: “As a first-time mom minsan nakaka-frustrate ‘yung wala ka pang maibigay na gatas.”
Ryza Cenon and Miguel Cruz’s baby Night
Hindi naging madali para kay Ryza ang panganganak, sobra ang kaniyang naramdamang pagod sa pag-ire sa kaniyang baby kaya naman gusto na sana siyang ipa-CS ng kaniyang partner na si Miguel. Matagal kasi umano bago lumabas si baby Night dahil matigas pa ang kaniyang cervix. Gumamit umano ng vacuum ang mga doktor para mapabilis ang paglabas ni baby Night.
“Kaya talagang pagod na pagod ako… Sa pagod ko, nakakatulog na ako in between sa pag-ire!”
Kuwento ng aktres, matagal bago nakalabas si baby Night dahil matigas pa ang cervix niya kahit na mababa na ang ulo ng sanggol. Antok at pagod, ito ang ang pangunahing nararamdaman ni Ryza. Umiiyak na rin ito habang nilalabas si baby Night. Nabanggit pa niya na gusto na sana siyang i-cesarian section ng kaniyang partner na si Miguel nang makita itong nahihirapan.
“Yung time na nagsasabi ako na ‘Ayoko na.’, gusto na ni [Miguel na] sabihin na i-CS na siya [Ryza Cenon].”
Kaya naman sa hirap na pinagdaanan ni Ryza sa panganganak ay worth it naman ito dahil kapiling na niya ang kanilang baby Night. Narito ang ilang cute at adorable photos ni baby Night.
The meaning behind the Night
Sa report ni Mach Mariano noong nakaraan nabanngit ni Ryza ang kahulugan sa pangalan ng kaniyang anak, narito ang report:
Bakit nga ba “Night” ang ipinangalan ni Ryza Cenon sa kanilang first baby ng partner nitong si Miguel?
“I think ‘yun kasi ang pinaka favorite namin ni Dada na time. I think, kapag sa work din, medyo pagod na pagod kami pagdating ng gabi na. At least kapag naisip namin ‘yung “Night,” magbibigay siya ng light kasi anak na namin ‘yung naisip namin.”
Sa usapang kasalan naman sa partner niyang si Miguel, wala pa sa kanilang plano ito. Ayon sa aktres, gagawin nilang pagkakataon para makilala ang isa’t isa ang oras na ito sa tulong ni baby Night.
Abangan ang paparating na action-drama series na “Bella Bandida” na pagbibidahan ni Ryza Cenon sa TV5!
Source: