Ryza Cenon kinabahan sa first amusement park ride ni Baby Night: "Grabe 'yong takot niya."

Aktres ibinahagi ang kaniyang naramdaman habang yakap ang anak at pinapakalma ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ryza Cenon nag-share sa first time experience ni Baby Night sa amusement park. Ito ang kaniyang naging realization sa naging karanasan ng anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Ryza Cenon sa first time experience ni Baby Night sa amusement park.
  • Iba’t-ibang reaksyon ng mga netizens.

Ryza Cenon sa first time experience ni Baby Night sa amusement park

Larawan mula sa Instagram account ni Ryza Cenon

Hands-on mama, ganito kung maisasalarawan si Ryza Cenon sa pagiging ina niya sa anak na si Night. Dahil sa mga social media post ni Ryza ay laging ipinapakita ng aktres ang mga milestones ni Night na kasama siya.

Kamakailan nga lang ay ibinahagi ng aktres ang naging first time experience ni Night sa amusement park. Gamit ang Instagram ay ibinahagi niya ang maikling video kung saan yakap-yakap niya ang anak habang nakasakay sa first ride nito. Pag-amin ng aktres ay kinabahan siya para sa anak niya.

“First time ni Night pumunta sa amusement park. Ito 'yong unang ride na sinakyan namin. Sa totoo lang kinakabahan ako para sa anak ko.”

Pero sa video ay makikitang natatakot rin si Night sa first ride niya. Kaya si Ryza yinakap ang anak at hinawakan ng mahigpit para lang pakalmahin ito.

“Yong napanood ko 'yong video grabe 'yong takot niya pero alam niya na safe siya kasi katabi niya si Mommy. At syempre pinaramdam ko kay Night na 'wag matakot nasa tabi lang nya si Mommy.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Ryza, ang sarap sa pakiramdam na kumakalma ang anak niya habang yakap-yakap niya. Pati na ang bawat pagsigaw nito ng mommy na nakakawala ng pagod niya at masarap sa pakiramdam.

“Buong ride namin naka-hug lang siya sa'kin, tapos kapag natatakot siya sumisigaw siya ng mommy. Hihihi the best yung feeling kapag tinatawag ka ng anak tapos ganito. Haaay nakakawala ng pagod mga mommies!!! Kahit na saan talaga ang mga anak natin kapag natakot sila or nasaktan ang unang maiisip nilang tawagin ay “Mommy”. Sarap sa pakiramdam 'di ba mga mommies? #izaymoment #relate

Ito ang sabi pa ng aktres.

Habol pa niya, ang pagkatakot ni Night sa naturang ride ay sa simula lang. Habang tumatagal ay kumalma na ito at nakatulog na.

“Nagulat lang po sya sa simula then ok na po sya after. Nakakatulog na nga po sya sa ride.”

Ito ang dagdag pang pagbabahagi ni Ryza sa naging first time experience ni baby Night sa amusement park.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Night ay isang taong gulang na sa ngayon at nakatakdang mag-celebrate ng kaniyang 2nd birthday sa parating na Oktubre.

Larawan mula sa Instagram account ni Ryza Cenon

BASAHIN:

Kyla muling nakunan sa ikaapat na beses: “I can’t even put my feelings into words.”

Idinawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na: “Umiwas tayo sa mga speculations.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Aquino sisimulan na ang mahabang gamutan sa America: “Time is now my enemy.”

Iba’t-ibang reaksyon ng mga netizens

May mga netizens ang nagpuntong napaka-bata pa ni Night para sumakay sa ganoong rides. Pero pagpapaliwanag ni Ryza nasunod naman nila ang guidelines na itinakda para sa mga pagsakay sa rides ng mga batang kasing edad ni Night. Higit sa lahat ay naipaliwanag rin daw naman nila dito ang mga nangyayari sa paligid niya.

“May guidelines naman. Basta 'wag iiwan mag isa. And explain sa bata kung anong nangyayari.”

Ang ibang mommies to the rescue naman para ipagtanggol si Ryza. Sabi nila wala naman daw ina na ipapahamak ang anak niya at makakatulong ang experience na tulad nito sa development nila.

“Her child, her rules. Hindi susubukin ng isang magulang ang mga bagay na makakasama sa kanyang anak.”

“Never ako pumuna sa way ng ibang mga magulang kung paano mag alaga kung ano way para mapasaya anak nila. Kasi ako ayaw ko din na may pupuna sa akin. Dahil naniniwala ako na walang gagawin ang magulang na ikakasama ng mga anak nya, kanya kanya tayo ng diskarte.”

Ang ilang mommies naman naka-relate sa sarap feeling ni Ryza sa tuwing tinatawag siya ni Night sa mga oras na natatakot ito at mayroong kailangan.

“So agree. Kahit sa lahat ng bagay, paggising sa umaga sisigaw ng "Mommy" pag may kailangan sila "Mommy" ang sarap marinig ng tiny little voice nila na sinasabi yung word na Mommy. Kilig.”

“True. 'Yong feeling na Ikaw ang safe place nila.”

“True. Sobrang sarap sa pakiramdam.”

“There is no better and safe place in the arms of nanay! Ganyan na ganyan din ako sa mga anak ko. Maganda talaga na maliit pa lang sila naranasan na nila mag adventures.”

“Ang takot ng anak o ano mang maramdaman nya nawawala kapag yakap ng ina.”

Ito ang ilang reaksyon pa ng mga netizens.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuha mula sa Instagram account ni Ryza Cenon

Kamakailan lang ay naging viral rin ang isang post ni Ryza tungkol sa reality ng pagiging ina. Ito ay matapos magpost ang aktres ng itsura niya matapos asikasuhin ang anak niyang si Night.

“After mo mag pakain, magpaligo, saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka nalang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit. ☺️”

Ito ang sabi ng aktres kalakip ang pagod ngunit pretty paring face niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement