Saab Magalona ibinahaging natanggap sa regular school ang anak niyang si Pancho. Kuwento ni Saab natakot man siya noong una, alam niyang ito ang makakabuti sa anak niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pag-aaral ng anak ni Saab Magalona na si Pancho sa regular school.
- Naramdaman ni Saab sa pag-aaral ni Pancho.
Pag-aaral ng anak ni Saab Magalona na si Pancho sa regular school
Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Saab Magalona na natanggap sa regular school ang anak niyang si Pancho. Si Pancho ay may sakit na cerebral palsy kaya naman siya ay hindi nakakakilos o nakakabalanse ng kaniyang katawan tulad ng ibang bata.
Ngayon ang limang taong si Pancho ay natanggap sa regular school. Ito ay daw ay payo rin ng kaniyang doktor na naniniwalang malaki ang maitutulong nito sa kaniya.
Naramdaman ni Saab sa pag-aaral ni Pancho
Si Saab umaming noong una ay natakot siya na pag-aralin sa regular school si Pancho. Dahil sa tulad niyang may birthing trauma ay ayaw niyang malayo sana sa tabi ng anak at masiguro lang na safe ito sa loob ng kanilang bahay. Pero si Saab, mas inuna ang kapakanan ng anak. Alam niyang sa pamamagitan ng pag-aaral ni Pancho sa regular school ay mai-enjoy nito ang pagiging isang bata. Naniniwala rin siya na magiging mabuti ito sa kaniya at mister niyang si Jim.
“I learned that parents with birthing trauma have a hard time sending their kids to school and sometimes we can even get competitive with the teachers. It’s been a struggle but I know in my heart this is what’s good for Pancho. This is good for me and Jim, too.”
Ito ang pahayag ni Saab sa kaniyang Instagram account.
View this post on Instagram
Si Saab ay nakaranas ng miscarriage noong 2017 sa kaniyang twins. Siya ay kinailangang sumailalim sa emergency CS. Isa sa mga anak niyang kambal na si Luna ay hindi naka-survive. Habang si Pancho ay milagrong nakaligtas at nabuhay bagamat ito ay naapektuhan ng pangyayari at nagtaglay ng kondisyon na cerebral palsy.