6 major health benefits na makukuha mula sa pagkain ng saging na saba

Saging na saba ang isa sa mga prutas na masarap at punong puno ng sustansiya. Isa na atang excellent choice na maituturing ang pagkain nito, dahil bukod sa pagiging convenient snack, pinakamurang sariwang prutas din ito na mabibili mo. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghahanap ng meryenda na abot kaya at nakapagpapabuti pa? Narito ang mga impormasyon na dapat nating malaman tungkol sa saging na saba, kasama ang napakaraming benepisyo nito sa ating kalusugan.

Ano ang saging na saba? 

Saging ang pinakatinatanim na prutas hindi lamang sa Pilipinas kundi sa mundo, dahil ‘yan sa mataas na demand ng saging sa merkado, lalo na ang saging na saba.

Ang saba ay isang malaking bungkos na lumalaki sa matataas na puno ng saging. Inaani ang saba habang ito ay kulay berde pa lamang hanggang sa ito ay mahinog. Maliit ngunit matataba ang mga saba kumpara sa karaniwang saging na ating laging kinakain.

Ang saging na saba o saba banana in english, na kilala rin bilang sweet plaintain, ay madali lamang matagpuan dito sa Pilipinas dahil sa pagiging kilala nito.

Pito hanggang 13 centimeters ang hugis nito ngunit nagbabago ito depende sa paghinog. Matamis at malinamnam ang mga saba, mayroong hints of citrus at peach ito kapag ito ay hinog na.

Maraming klase ng saging, mayroong lakatan, latundan, senyorita at ang saging na saba. Maaaring iba-iba ang uri ng saging, ngunit taglay naman ng bawat isa ang nutrients na kailangan ng katawan.

Ang saba ay mayroong pinakamalalim na ugat na kayang sipsipin ang maraming sustansya mula sa lupa. Kaya matataba at malalaki ang kanilang puno. Naglalaman ito ng mga sustansya na siyang  maituturing na may pinakamaraming nutrisyon sa iba pang uri ng saging.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nutritional value na makukuha mula sa saging na saba 

Larawan mula sa Freepik

Ang kayamanan ng sustansiyang mayroon ang saba ang siyang naglulunsad dito upang maging “superfood”, na nararapat na maging bahagi ng pagkain natin sa araw-araw. Ilan sa mga sustansiyang bitbit nito ay ang,

  • Naglalaman ng Vitamins A, B at C
  • Potassium, magnesium at natural sugars
  • Iron at Dietary Fiber
  • Phosphorus at Calories
  • Nagtataglay ng tryptophan, isang amino acid na maaaring isama sa Vitamin B6, na tutulong palakasin ang produkisyon ng serotonin ng katawan
  • Mayroong antacid properties
  • Dietary antioxidants
  • Prebiotics at probiotics

6 health benefits ng pagkain ng saging na saba (Saba Banana)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Bukod sa mga sustansiyang mayroon ang saging na saba. Alamin natin ang mga health benefits ng saging na ito. Ito ay ang mga sumusunod: 

  1. Nakokontrol ang sistema ng sirkulasyon ng katawan.

Dahil mayaman sa potassium ang saging na saba, tinutulungan nito ang circulatory system sa paghahatid ng sapat na oxygen o hangin patungo sa ating utak.

Tinutulungan din nito ang puso para sa normal at regular na tibok nito at ang balanseng presyon ng dugo. Maaaring magpababa ng panganib ng sakit sa puso din ang pagkain nito.

  1. Isang mahalagang pinagmumulan ng mga bitamina at sustansya.

Ang pagkonsumo sa dalawang saba sa isang araw ay nagbibigay ng sapat na calories na katumbas ng 1 ½ oras na pag-eehersisyo at nakakapagpanumbalik ng lakas o mga nawalang enerhiya dahil sa taglay na bitamina at mineral, at hindi na kakailanganin ng kape para magising ang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Nakatutulong sa constipation.

Sa taglay na fiber ng saging na saba, makatutulong ito sa mga taong constipated upang ma-restore at ma-decrease ang constipation na hindi magdudulot ng diarrhea. Malaki rin ang tulong nito sa mga taong may digestive problems.

  1. Nari-relieve ang hangover.

Ang mg bitamina at nutrients na nilalaman nito ay nakakatulong na ma-recharge ang katawan at mabawasan ang hangover.

Larawan mula sa Shutterstock

  1. Para sa mga taong naninigarilyo, makatutulong ito upang maiwasan at matigil na ang paninigarilyo.

May lakas ang saging upang matulungan ka sa pag-iwas sa paninigarilyo. Ang vitamin B at mineral content nito ang magre-reduce sa epekto ng nicotine sa iyong katawan upang mahinto ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakatutulong din ang saba para sa mga buntis upang mabawasan ang pananakit ng mga puson at makontrol ang temperatura ng katawan.

  1. Tulong sa paggamot ng ulcer.

Bilang ang saba ay mayroon taglay na antioxidants, malaki ang abilidad nito sa pagbabawas ng stomach acidity, iritasyon sa digestive system at nagtataguyod ng intestinal health. Mayroon din itong natural na antacid na tumutulong mapawi ang sakit sa sikmura.

Ilan lamang iyan sa numerous benefits na maibibigay ng saba sa ating katawan. 

Bukod pa rito, nakapag-preserve din ito ng memorya, nagbibigay ng relief sa mga sintomas ng anemia, makatutulong din sa weight loss, makapaglalakas ng mga buto, makapagpapalusog ng mga mata, maiiwasan ang anumang kidney disease at marami pang iba.

Kaya ating alamin ang ilan sa mga quick at easy recipes at home ng saba na mas lalong makaeengganyo sa atin upang kumain nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3 easy recipes gamit ang saba

Larawan mula sa Shutterstock

Ang saba ay maaaring kainin nang direkta kapag hinog na o maaaring isama sa mga fruit salad, juice, at shake. Ginagawa rin itong toppings para sa breakfast cereals para sa snack na mas mabilisang pagbibigay ng enerhiya.

Hindi lamang ang pagbalat ng saging na ito o ang normal na pagkonsumo nito ang paraan ng pagkain. Maaari ring subukan ang hassle-free na pagluluto nito na nangangailangan lamang ng kakaunting ingredients na hindi mabigat sa bulsa, at tiyak na ma-eenjoy ang meryenda.

1. Minatamis na saging na saba. 

Sangkap:

  • 10 pcs. Saging na saba
  • 2 cups brown sugar
  • 2 tbsp. vanilla extract

Pakuluan ang saba sa kaserola na may 3 tasang tubig. Hayaan itong kumulo hanggang 15 minuto. Kung ang pinakuluang saging na sabay ay kumukulo na. Saka ilagay ang brown sugar at hayaan ulit itong kumulo hanggang sa ito ay lumapot. Huling ilagay ang vanilla extract para sa dagdag na lasa.

2. Pritong saging na saba.

Sangkap:

  • 10 pcs. Saging na saba
  • White sugar

Hiwain ang saging na saba sa gitna at ilagay sa plato. Painitin ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito ito sa mantika hanggang sa maluto ang magkabilang side nito ng hiniwang saging na saba, saka hanguin at budburan ng putting asukal sa ibabaw.

3. Maruya

  • 10 pcs. Saging na saba
  • 2 pcs. Na itlog
  • 2 cups ng all purpose flour
  • Asukal
  • Mantika
  • Butter

Unang hiwain sa gitna ang saba. Sa isang bowl, pagsama-samahin at haluin ang itlog, all purpose flour at tubig. Haluin ito hanggang sa maging smooth ang finished ng batter.

Sa separate bowl, maglagay ng katamtamang dami lamang ng hiniwang saba at lagyan ito ng ginawang batter. Iprito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto, saka hanguin at budburang ng asukal o maaari ring lagyan ng butter.

Lagi pa rin tandaan at dapat malaman, ang sobrang pagkonsumo ng saba ay maaaring magresulta ng migraine, allergy, gastrointestinal distress at ng high potassium levels. 

 
 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

jasminpolmoojt