Alam mo ba kung masakit ang ulo ng iyong anak? Siya ba ay madalas umiiyak nang hindi malinaw ang dahilan? Ang sakit ng ulo ng bata ay maaaring maramdaman nang hindi natin nalalaman. Kaya paano masasabi na masakit ang ulo ng iyong baby?
Ito ang ilang paraan para malaman kung masakit ang ulo ng iyong baby at kung paano ito gamutin.
Sumasakit ba ang ulo ng mga baby?
Ang sagot ay oo. Tulad ng matatanda, ang mga baby at bata ay nakakaranas din ng pananakit ng ulo. Subalit, hindi ito katulad na katulad ng sa matatanda. Iba rin ang kanilang nagiging reaksyon dito.
Hindi pa kayang sabihin ng mga baby na sumasakit ang kanilang ulo. | Source: Flikr
Ano ang mga sintomas at senyales ng sakit ng ulo ng bata?
Nag-iiba ang sintomas depende sa edad ng bata at kung ano ang nagdudulot ng pananakit ng ulo.
Ang sobrang batang baby ay hindi kayang ipakita kung sumasakit ang ulo nila. Maging sa mga murang edad na nakakapagsalita na o nakakapagbigay ng senyales gamit ang kamay, maaaring hindi nila alam na ang kanilang ulo ang sumasakit.
Ito ang iba’t ibang sintomas at uri ng pananakit ng ulo na maaaring maranasan ng mga baby:
1. Migraine:
- Pagsusuka
- Pananakit ng tiyan
- Pagiging sensitibo sa liwanag o tunog
- Matinding pananakit na lumalala kapag samahan ng kahit anong pisikal na aktibidad
- Maaaring tuloy-tuloy na umiyak ang baby at hawakan o ituro ang kanyang ulo para ipakita ang kawalan ng ginhawa
2. Stress-Related na Pananakit ng Ulo:
- Tuloy-tuloy na pananakita (Maaaring mangyari sa pag-iyak nang matagal, humahawak sa ulo dahil sa sakit)
- Pananakit ng mga gilid ng ulo
3. A Cluster Headache:
- Pananakit ng ulo na maaaring maranasan mula isa hanggang walong beses sa isang araw. Maaaring tumagal mula 15 minuto hanggang 3 oras.
- Sipon
- Pagluluha
- Pagbabara ng ilong
- Pagkabalisa
Makakabuting malaman kung anong uri ng pananakit ng ulo ang nararanasan ng baby. | Source: Flikr
Ano ang mga sanhi ng pananakit ng ulo?
Tulad ng sa matatanda, maraming rason kung bakit sumasakit ang ulo ng baby. Kabilang dito ang:
- Karaniwang mga sakit o impeksiyon – tulad ng sipon, trangkaso, o impeksiyon sa tenga
- Stress o anxiety – tulad ng pagkakaroon ng mga bagong tao sa paligid o nalalayo sa nanay
- Gutom
- Teething
- Dehydration
- Injury sa ulo – kung sila ay nahulog o nauntog
- Genetic condition – ang pananakit ng ulo ay namamana sa ibang tao
Sa ilang rare na kaso, ang pagsakit ng ulo ay maaaring dulot ng malubhang karamdaman tulad ng meningitis, tumor sa utak, o pagdurugo sa utak na maaaring magdulot ng pressure sa ilang bahagi nito. Maaari itong magdulot o magpalala ng pananakit ng ulo.
Anong maaaring gawin sa bahay?
Para sa mga mild na pananakit ng ulo, ang pagpapahinga o pagtulog ay makakatulong sa pagpapagaan ng pakiramdam.
Kung tila malubha ang sakit na nararamdaman, ang minsang paggamit ng pain-relief na gamot ay maaaring makatulong.
Ang Paracetamol at pain killers ay maaaring ibigay sa mga baby sa tamang dosage para mahirapan silang mabawasan ang sakit. | Source: Pxhere
May mga gamot tulad ng paracetamol o suppositories na maaaring ibigay sa mga baby. Siguraduhin lamang na makuha ito sa inyong pediatrician (at ang tamang dose ayon sa bigat ng baby) at para sa mga emergency lamang.
Isa ring paraan ang pag-sponge sa noo at ang pinaka mahalaga, panatilihin silang hydrated.
Kailan dapat mag-alala?
Mahirap masabi kung masakit ang ulo ng baby. Ang naiisip na simpleng pag-iyak o pagiging iritable lamang ay maaaaring senyales ng kawalan ng ginhawa.
Siguraduhin na bantayan ang mga sintomas at magpunta agad sa duktor sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Hindi makatulog ang baby sa lala ng sakit sa ulo.
- Naaapektuhan na ng sakit ang mood at ugali ng baby.
- Walang pagbabago matapos magbigay ng pain relief nang higit na sa dalawang araw.
- Kapansin-pansin ang paglala ng pananakit ng ulo.
- Kung sumakit ang ulo matapos ang pagka-untog o pagkahulog.
- May kasamang di mapigil na pagsusuka ang pananakit ng ulo.
Source: Mayo Clinic
Basahin din: How do you know if your baby is suffering from a headache?