Marami sa atin ang tiyak na kilala na ang Nice Print Photo Inc. sa dami ng mga events ng mga kilalang celebrity ang nai-cover nila.
Alam niyo ba na ang anak ng may-ari ng nasabing kompanya ay entrepreneur na sa edad na 16? Kilalanin si Sancho Tinio sa artikulong ito at kung paano niya nakahiligan din ang business ng kaniyang mga magulang.
Paano magpalaki ng entrepreneurial child?
Malaking tulong sa mga magulang ni Sancho Tinio na sina Charisse at Jibby Tinio ang pagiging gifted child ng kanilang anak. Isa si Sancho Tinio sa tatlong anak ng founders ng Nice Print Photo Inc.
Ang Nice Print Photo Inc. ay popular na photography and videography company. Matatandaang sila ang karaniwang nagco-cover ng mga espesyal na event ng mga celebrity.
Kabilang na nga sa mga na-cover na event ng Nice Print Photo Inc. ay ang kasal ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Pati na rin ang 18th birthday ng kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Mavvy at Cassy.
Sa interview ng theAsianparent sa mag-asawang Charisse at Jibby, naikuwento ng mga ito kung paano nga ba nagkaroon ng interes ang kanilang anak na si Sancho Tinio sa kanilang business sa batang edad nito.
“It wasn’t really a conscious thought naman to raise entrepreneurial kids. The main goal really is to raise kids who are well rounded and mabubuting citizens.
I mean, anything else is a bonus. After that, you just wanted them to grow up God fearing and diligent in school,” saad ni Mommy Charisse.
Kwento pa nito, madalas daw sumama si Sancho sa mga meeting ng kaniyang daddy.
“We bring them, we expose them. Hindi ‘yung parang maiiwan lang sila sa house. We try as much as possible to let them understand what we do.
At an early stage of their lives they know the kind of business that we have. You know, they very much exposed to it.”
Tila blessing in disguise din umano noong nagsimula ang pandemic kung kailan ay 13 taon gulang pa lamang si Sancho. Dahil sa bahay nila ginagawa ang mga trabaho ay mas lalong na-exposed ang kanilang anak sa mga detalye ng kanilang business.
“So, his dad and I were doing all our works, and meetings and zoom meetings at home. So, there’s no other choice but for him to really see the detailing of the business. Then he got really interested,” kwento ni Mommy Charisse.
Dito raw ay nagsimula na ring gumawa ng mga small task si Sancho tulad ng pagtulong nito sa kaniyang mommy sa marketing side ng kanilang business. Bukod pa rito ay tumutulong na rin ito sa mga task ng kaniyang daddy Jibby.
“What’s nice din kasi no, kami kasing mag-asawa we have different task sa office. So, what’s nice itong si Sancho was able to do two tasks at the same time.
Si mommy, palagi ‘yan sa mga marketing, finance, sale. Ako naman sa operation. I was also able to teach din Sancho ‘yong side naman na technical.”
Sancho Tinio nahumaling din sa photography
Sa nasabing interview ay nakausap din ng theAsianparent si Sancho. At nabanggit nga ng batang entrepreneur kung paanong para sa kaniya at hindi extra task ang kaniyang ginagawa.
Nai-enjoy niya umano ang kanilang business at nagiging masaya siya sa tuwing ginagawa niya ang mga task na dapat gawin. Kwento pa nga nito, paborito niyang task ang pagpunta sa mga onsite events.
“I like doing photography. So, it’s something I’m really focusing on now. And training with our team. I really got to experience it first hand,” saad ni Sancho.
Napasasaya umano si Sancho ng isiping napapasaya niya ang kaniyang mga magulang at proud ang mga ito sa kanya. Bukod pa rito ay nagiging masaya rin daw si Sancho tuwing happy ang kanilang mga client sa output na ginagawa nila.
Ibinahagi rin nito kung paano maging boss ang kaniyang mommy at daddy sa kanya. Pati na rin ang advice ng mga magulang na hindi niya malilimutan.
“They are not super strict. They are very lenient and they really try to help out. For example, I need help or when I have questions.”
“Relationships are very important. Within the business but also with the other people you are able to work with. Because without them parang your relationship with other people will help you in the future.”
Sa ngayon ay nag-aaral si Sancho sa Ateneo. Nasa Grade 11 senior high school na ito. At pinag-iisipan na rin daw niya kung alin sa accounting, business management, o film ang nais niyang kuning kurso sa kolehiyo.
Payo ni Sancho sa mga kapwa niya bata na nais ding maging entrepreneur sa batang edad, “If they are still studying. There always has to be a balance. So, you really have to balance your school life and technically your work life.”
Samantala, nag-iwan din ng advice sa mga couple na nais sumubok ng business sina mommy Charisse at daddy Jibby.
“Business is really a risk. Walang sigurado sa mundo. But at the end of it all, if it doesn’t work out, you’ll learn something and then there’s always time to rebuild it and try again. If you try and you don’t succeed in the first try, it’s not the end of it all. You can keep trying until you hit it.”