Isang 25-year-old na lalaki ang sinampahan ng kaso dahil sa pananakit sa isang sanggol. Ayon sa mga awtoridad, isinilid raw ng lalaki sa isang dryer ang isang 13-buwan sanggol na inabuso na naging dahilan upang mapinsala ang bata dahil sa nangyari.
Sanggol na inabuso, isinilid sa isang dryer
Ayon sa suspek, hindi raw niya nais na saktan ang bata. Nakita raw niya na nais nitong pumasok sa loob ng dryer, kaya’t tinulungan niya ito.
Hindi rin daw niya nais na paandarin ang dryer, at nagulat siya nang biglang umandar ang dryer. Dahil dito, nagkaroon ng matinding pinsala ang bata, at isang milagro na hindi siya namatay.
Sa hearing na isinagawa tungkol sa nangyari, tinanong siya ng prosecutor kung bakit raw niya naisipang “tulungan” ang bata na pumasok sa dryer. Ayon sa suspek, nagkamali raw siya ng naging desisyon. Dagdag pa ng judge, swerte raw ang suspek at hindi murder ang naging kaso laban sa kaniya.
Ayon naman sa ina ng bata, hindi raw kaya ng kaniyang anak na umakyat sa dryer, kaya’t imposible raw ang sinasabi ng suspek. Sa loob-loob raw niya ay tingin niyang tila biro lang ang nangyari par sa suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis ang suspek, at naghihintay sa desisyon ng korte.
Mahalaga ang kaligtasan ng mga bata
Importanteng gawing priority ng mga magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Bagama’t sa kwento ay sadyang isinilid ng lalaki ang bata sa loob ng dryer, posible rin na maaksidente ang mga bata kung sila ay masyadong malikot, o kaya napabayaan.
Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang upang masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga anak:
- Maglagay ng grills sa mga bintana. Siguraduhin maliit ang mga puwang upang hindi makalusot ang bata. Siguraduhin din na nabubuksan ito at puwedeng maging escape route sakaling may emergency. Maaaring maglagay ng kandado para maisara ito.
- Siguraduhing walang mga gamit na malapit sa bintana o balkonahe na maaaring akyating ng bata.
- Huwag kalimutang paalalahanan ang mga bata kung bakit delikado na maglaro sa may bintana o balkonahe.
- Huwag iwanan ang maliliit na bata nang mag-isa. Siguraduhing parating may bantay ang mga ito.
- Huwag hayaang maglaro ang mga bata malapit sa mga appliances, tulad ng washing machine.
- Ilayo ang mga kemikal tulad ng insecticide at panlinis ng bahay sa iyong anak.
- Palaging bantayan ang iyong anak kapag sila ay naglalaro.
Source: BBC
Basahin: 12 mailap na senyales ng pang-aabuso sa bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!