X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

8-buwang gulang na sanggol, nalunod sa bahang dala ng bagyong Ompong

2 min read
8-buwang gulang na sanggol, nalunod sa bahang dala ng bagyong Ompong

Isang walong buwang gulang na sanggol ang nalunod sa baha matapos raw siyang mahulog sa butas sa sahig ng kanilang tahanan sa Pioduran, Albay.

Hindi na bago sa Pilipinas ang nasasalanta ng bagyo at baha. Kung tutuusin, sanay na sanay na nga ang mga Pilipino sa mga ganitong pangyayari. Ngunit paano na ang mga bata at sanggol na hindi kayang alagaan ang kanilang mga sarili? Ito na nga ang nangyari sa Pioduran, Albay kung saan isang sanggol nalunod sa baha, matapos siyang mahulog sa butas sa sahig ng kanilang tahanan. Alamin ang pangyayari sa aming Ompong update.

Ompong update: Sanggol nalunod sa baha!

sanggol nalunod

Dito raw natagpuan na palutang-lutang ang 8-buwang gulang na sanggol. | Source: YouTube

Nangyari ang kalunos-lunos na insidente sa kasagsagan ng bagyong Ompong. Bumabaha raw sa kanilang lugar, at mahimbing na natutulog ang pamilya ng sanggol nang mangyari ang insidente.

Ayon sa kaniyang ina, nagulat siya nang gumising siya at nawawala ang kaniyang sanggol na si baby Chrissa Porteria. Nanlumo siya nang matagpuan ang kaniyang anak na palutang-lutang sa binahang bakuran ng kanilang bahay.

Nangyari ang trahedya habang nagsisilikas at naghahandang lumikas ang mga tao sa paparating na bagyo.

Ilang araw nang bumabaha sa Albay kaya’t binaha ang lugar bago pa man sila masalanta ng buong hagupit ng bagyo.

Sa pinakabagong Ompong update, ang kasalukuyang death toll matapos ng bagyo ay nasa 65, sa huling ulat ng PNP.

Unahin ang kaligtasan ng iyong anak

Sobrang nakakalungkot ang nangyari sa sanggol. Aksidente man ang nangyari, mas mabuti sana kung nakapag-ingat ang kaniyang mga magulang.

Kaya’t heto ang ilang mahahalagang tips upang masiguradong palaging ligtas ang iyong anak:

  • Kapag natutulog ang iyong anak, siguraduhin na hindi sila mahuhulog, o gugulong sa kama. Mas mainam kung patulugin sila sa isang crib.
  • Kung maglalaro sila sa inyong tahanan, siguraduhing ilayo sa kanila ang mga bagay na puwedeng makasakit sa kanila.
  • Ugaliing inspeksiyonin ang inyong tahanan at ipaayos ang mga dapat ipaayos na posibleng maging sanhi ng aksidente.
  • Kapag binabaha ang inyong lugar, mas mainam na lumikas agad-agad kapag nagpadala na ng babala ang gobyerno.
  • Bantayang mabuti ang iyong anak, lalo na kung sila ay natutulog. Mabuti ring umiwas na tabihan sila kapag natutulog, dahil posible itong maging sanhi ng SIDS.

 

Source: GMA News

Basahin: Bride kinasal sa gitna ng bagyo at baha

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 8-buwang gulang na sanggol, nalunod sa bahang dala ng bagyong Ompong
Share:
  • 14-buwang gulang na sanggol, nalunod sa timba

    14-buwang gulang na sanggol, nalunod sa timba

  • #FloodPH Alert: Flooded areas in Metro Manila, June 13

    #FloodPH Alert: Flooded areas in Metro Manila, June 13

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 14-buwang gulang na sanggol, nalunod sa timba

    14-buwang gulang na sanggol, nalunod sa timba

  • #FloodPH Alert: Flooded areas in Metro Manila, June 13

    #FloodPH Alert: Flooded areas in Metro Manila, June 13

  • Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

    Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.