Kakulangan sa tulog at pagbabad sa cellphone, sanhi ng nearsightedness o myopia ayon sa isang pag-aaral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang myopia o nearsightedness?
- Sahni ng nearsightedness o myopia.
- Paano maiiwasan at malulunasan ang myopia.
Ano ang nearsightedness o myopia?
Base sa statistics, ang nearsightedness o myopia ay ang pinakamadalas na problema sa mata na nararanasan ng mga bata o young adults sa buong mundo.
Sa katunayan, halos 80% umano ng mga populasyon sa Asya ang nakakaranas nito. May prediksyon na sa darating na 2050 kalahati ng populasyon sa mundo ay maaaring maging nearsighted na.
Ayon sa Mayo Clinic, ang mga taong nakakaranas ng myopia ay malinaw na nakakakita ng mga bagay o tao na malapit sa kanila. Pero kung ito ay malayo, ang bagay o tao ay nagiging blur o malabo na sa kanilang paningin.
Photo by Rainier Ridao on Unsplash
Sintomas ng myopia o nearsightedness
Maliban sa malabo o hindi clear na nakikita ang mga objects o tao na nasa malayo, narito ang ibang sintomas ng myopia o nearsightedness.
- Kailangang pakitirin o bahagyang ipikit ang mata para lang makakita.
- Pananakit ng ulo dulot ng eyestrain o pagkapagod ng mata.
- Hirap na makakita habang nag-dadadrive ng sasakyan lalo na sa gabi.
Ang myopia ay madalas na nararanasan ng mga bata. Ang mga sintomas nga ng kondisyon na mapapansin sa kanila ay ang sumusunod:
- Kailangang pakitirin o bahagyang ipikit ang mata para lang makakita.
- Panonood na masyadong malapit sa telebisyon o pag-upo sa harapan ng klase.
- Pagkurap ng madalas.
- Pagkuskos sa mata ng madalas.
BASAHIN:
STUDY: Mas mataas ang grades ng mga bata na mayroong physical activity
Study: Kakulangan sa tulog at pagbabad sa cellphone sanhi ng nearsightedness o myopia
Ang itinuturong sanhi ng myopia ay ang pagiging masyadong mahaba ng eyeball ng ating mata. O kaya naman ay masyadong nakakurbada ang cornea o protective outer layer ng ating mata.
Dahil rito, ang liwanag na pumapasok sa mata ay hindi maka-focus ng maayos. Ang mga imaheng iyong nakikita ay naka-focus sa harapang parte ng retina at hindi mismo dito. Ang resulta blurred o malabo ang iyong mga nakikita.
Pero ayon sa isang bagong pag-aaral, may dalawang pangunahing sanhi ng nearsightedness o myopia sa ngayon. Ito ay ang kakulangan sa tulog at labis na pagbababad sa harap ng cellphone ng marami sa atin.
Ito ay natuklasan ng pag-aaral matapos sukatin ang circadian timing at melatonin production ng mga estudyanteng na nasa kanilang 20’s at nag-aaral sa Finders University sa Australia.
Ang melatonin ay ang hormone na responsable sa pagme-maintain ng sleep wake cycle at circadian rhythm ng ating katawan. Ito ay sine-secrete o inilalabas ng ating utak sa oras na dumilim na ang paligid. Mas lumalakas nga umano ang secretion nito bandang alas-dos hanggang alas-kuwatro ng madaling araw.
Sa ginawang pag-aaral, ang level ng melatonin ng mga participants ay sinukat sa pamamagitan ng kanilang urine at saliva samples.
Doon nga natuklasan ng mga researcher na ang mga young adult na may myopia o nearsightedness ay may delayed circadian rhythms. May lower output din ng melatonin sa kanilang katawan kumpara sa mga normal ang vision o malinaw pa ang mga mata.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Konklusyon at rekumendasyon ng ginawang pag-aaral
Pahayag ng optometrist at lead researcher ng ginawang pag-aaral na si Dr. Ranjay Chakraborty ang disruption sa circadian rhythms at pagtulog ng isang tao ay epekto ng paggamit ng mga artificial light. Pati na ang paggamit ng mga light-emitting electronic devices tulad ng cellphone para sa pagbabasa o entertainment.
Kaya naman konklusyon ng ginawang pag-aaral, ang kakulangan sa tulog at pagbabad sa cellphone ay hindi lang basta nakakaapekto sa mental at physical health ng isang tao.
May masamang epekto rin ito sa ating paningin. Kaya payo niya, lalo na sa mga bata ay siguraduhing tama ang sleeping habits nila.
Dapat ay limitahan rin ang kanilang exposure sa screen time para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng myopia. Ganoon din, upang mas maging matalas ang pag-iisip nila at mas maging maganda ang performance nila sa school.
“Adequate sleep is critical for learning, memory, sustained attention, academic performance at school, and general wellbeing of children during the early development. A lot of digital devices emit blue light, which can suppress the production of melatonin and cause a delay in circadian rhythms at night, resulting in delayed and poor sleep. It is important to limit the exposure to digital devices in children, particularly at night, for ensuring good sleep and healthy vision.”
Ito ang pahayag ni Dr. Chakraborty.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Paano maiiwasan at malulunasan ang myopia?
Kung nakakaramdam ng sintomas ng myopia ay mabuting patingnan na ang iyong mata. Sa oras na ikaw ay matukoy na nakakaranas na ng kondisyon ay may mga paraan naman na maaring gawin para malunasan ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin sa mata o contact lenses.
Para makaiwas naman sa myopia, ay mabuting bawasan na ang screen time mo. Matulog narin ng maayos at tama. Ang mga ito ay ituro rin sa iyong anak. At ito ay mas epektibo mong magagawa kung ikaw ay magiging mabuting halimbawa sa kaniya.
Source:
Science Daily, Mayo Clinic, All About Vision