Ang pananakit ng tiyan ay isa sa mga karaniwang iniinda natin mula pagkabata. Madalas ito ay nangangahulugan na masama ang tiyan. Ngunit, para kay Carla Bradbury, isang residente ng Nottinghamshire, UK, ito ay isa sa mga pinaka-kinikilalang sintomas ng mas malalang sakit – cervical cancer.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Dahilan ng cervical cancer
- Ang kwento ng cervical cancer survivor
- Sintomas ng cervical cancer
Ano ang sanhi ng cervical cancer?
Narito ang kuwento ng cervical cancer ni Carla.
Noong taong 2012, ang 41 taong gulang na si Carla ay nakaramdam ng sakit sa kaniyang tiyan. Kamakailan lamang ay nakatanggap siya ng SodaStream, na isang makina na gumagawa ng fizzy drinks sa bahay. At tinukoy niya na ang sakit na kaniyang nararamdaman ay sanhi ng paginom ng higit sa karaniwan na dami ng fizzy drinks sa mga nakalipas na araw.
Sintomas ng cervical cancer | Image from Unsplash
Nagkaroon din siya ng spotting na kaniya namang tinukoy na dahil sa hormones. Ngunit sa lalong madaling panahon, ang sakit ay lumala kaya pumunta siya sa isang doktor. Sinuri siya nito at sinabing siya’y magpa-Pap smear. Nang ang resulta ng Pap smear ay hindi naging kanais-nais, inirekomenda siya sa isang espesyalista.
Sinabi ng gynecologist na ang sakit ay sanhi ng endometriosis. Ngunit, binigyang-katwiran ng Pap smear ang mas mataimtim na pagsusuri. Ipinakita ng MRI na mayroon siyang cervical cancer. Subalit hindi ito simple. Lumaki ito nang sinlaki ng isang plum. At kumalat ito sa adjoining tissue. Hindi na ito kayang operahan.
BASAHIN:
Matagal na regla? 10 posibleng dahilan nito
5 maling paniniwala tungkol sa pap smear
7 rason sa spotting bago mag mens
Para sa kaniyang stage 3B cancer, hindi na siya pupuwedeng operahan. Kailangan niyang sumailalim sa chemotherapy at radiotherapy. Sinabihan siya ng mga doktor na ang kaniyang posibilidad na mabuhay ng matagal ay 50-50.
Naging matagumpay ang paggamot!
Mabuti na lamang at naging matagumpay ang paggamot! Mula noon ay tuluyan siyang gumaling, at ayon sa kaniyang Facebook post, siya ang isa sa mga star patient sa ospital kung saan siya sumailalim ng paggagamot.
Ngunit mayroong isang pagsisisi si Carla. Kaniyang inamin na hindi niya pinansin ang lahat ng paalala kung paano gawin ang isang smear routine.
Kung ginawa niya ito, mayroong mataas na posibilidad ng maagang pagtuklas, at hindi niya na kailangang sumailalim sa mahigpit na pagsubok. Kaya naman, napagdesisyunan niyang ipaalam sa iba ang tungkol sa cancer.
Sumali si Carla sa Stand Up 2 Cancer great canoe challenge noong 2017. Isa itong initiative ng CancerResearch.uk, na kabilang ang apat na cancer survivors na sumali sa isang 120-mile canoeing marathon sa loob ng 5 araw. Maraming local celebrities din ang sumali sa pagkalat ng patungkol sa cancer at para mangolekta ng pondo.
Sintomas ng cervical cancer | Image from Unsplash
Sa pakikipag-usap tungkol sa kanyang karanasan sa paggamot, sabi niya,
“It was the worst time of my life. I had the chemo, the radio, the sickness, the steroids and pills – at one point I was taking 21 tablets a day and morphine.’ After treatment, Carla got the all clear in March 2013, a moment she’ll never forget.”
Pagkatapos siya gamutin, natanggap na ni Carla ang all clear, isang bagay na hinding hindi niya malilimutan,. At naging kahanga-hanga ang kaniyang paggaling. Mula sa hindi makatayo sa shower hanggang sa pagsali sa canoeing na 100 miles ang layo, saludo ako sa kaniya!
Sintomas ng cervical cancer
Ang cancer sa cervix ay isa sa pinaka-common na kanser ng babae sa buong mundo, mabuti na lamang at bumababa na ang mga insidente. Ito ay dahil sa screening initiatives sa iba’t ibang Cervical Cancer society.
Sintomas ng cervical cancer | Image from Freepik
Ayon sa SCS recommendations, ang isang babae ay dapat sumailalim sa pap smear
- Mula mas matanda sa edad na 25 hanggang 69 taong gulang
- Kapag nakaranas na ng sexual intercourse o pag siya ay sexually active
- Bawat 3 taon
Sabi nila, ang intuwisyon ng mga babae ay hindi kapani-paniwala. Ngunit sapat na ba ito upang tukuyin ang cancer, kaya’t panoorin ang video na ito.
Mabuti na lamang na sa karamihan ng mga pagkakataon, ito ay isang slow-growing cancer. Kaya naman, ang napapanahong screening ang kailangan upang matukoy at magamot na ito.
Narito ang sintomas ng cervical cancer na kailangan mong bantayan:
- Pananakit kapag nagtatalik
- Pagduruggo pagkatapos ng menopause
- Hindi maipaliwanag na pananakit ng balakang o likod
- Malalang dugo ng regla
- Pagdurugo pagkatapos makipagtalik
- Malalang vaginal discharge
Kaya mga moms, huwag kakalimutan magpa-screen!
Translated in Filipino by Nikki Camarce
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!