X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Cheryl Tyndall sinagot ang mga alegasyon ng anak na si Sarah Wurtzbach

6 min read

Sarah Wurtzbach ibinahagi sa social media kung gaano niya ka-hate ang ina. Mommy Cheryl Alonzo Tyndall sumagot na sa mga alegasyon ni Sarah.

Sagot ni Cheryl Alonzo Tyndall sa alegasyon ng anak na si Sarah Wurtzbach

Sa pamamagitan ng kaniyang vlog sinagot ng ina ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Cheryl Alonzo Tyndall kasama ang asawang si Nigel Tyndall ang mga alegasyon sa kaniya ng bunsong anak na si Sarah Wurtzbach. Aniya, hindi niya akalain na labis pala ang galit sa kaniya ng anak. Ngunit magkaganoon man naniniwala siya na mahal siya ng anak at mahal niya rin ito. Kung maaari sana’y dumadaan lamang umano ito sa postpartum depression. Nanganak umano kasi si Sarah nito lamang Oktubre 2018 sa pangalawa niyang anak sa asawang si Charlie Manze.

“I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. (Sarah) I know she loves me, I still believe that. Hmm I always think maybe it’s postpartum. And I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal.”

Ito ang sagot ni Tyndall sa mga alegasyon sa kaniya ng anak na si Sarah.

Alegasyon ni Sarah sa kaniyang ina at sa kapatid na si Pia

Matatandaan nitong Oktubre sa pamamagitan ng Instagram stories ay ibinahagi ni Sarah ang pangit na pagtrato umano ni Pia at ng kanilang ina sa kaniya. Tinawag pa nga nitong hudas at abusado ang kanilang ina. Sinabi niya ring sinabihan umano siya ng ina na ginusto niyang ma-rape noong siya ay bata pa at isa raw siyang lokang-loka.

“Don’t confuse money and status for power. I’m silent because I protect you and our fucking narcissistic mom. Receipts included. Don’t make me fully go insane and start showing people evidence. I’m noy the one in the wrong and yet I’m always the one being silenced.” “People keep wondering how I lost the weight. Kasi yung abusado nating nanay binugahan ako ng ginusto kong ma-rape kasi simula bata palang may sira na utak ko. Mas mabuti pang nasa “strangers” family ang mga bata para di daw sila maapektuhan dahil loka loka mami nila. So abused = crazy? And I’m never allowed to talk about it? So suffer in silence everyone else is okay and moving forward?”

Ilan lamang ito sa maiinit na pahayag ni Sarah laban sa ina at kapatid na si Pia.

Cheryl Tyndall sinagot ang mga alegasyon ng anak na si Sarah Wurtzbach

Ang mga alegasyon na ito ni Sarah sinagot ng ina niyang si Mommy Cheryl na sinabing hanggang ngayon ay hindi pa umaamin ang anak sa kung sino ang gumawa nito sa kaniya. Huli na ng malaman niya ang nangyari rito. Sapagkat bilang isang single mom naging malaking hamon sa kaniya na buhayin at bantayan ang dalawa niyang anak na babae.

Ayon kay Mommy Cheryl, huli na ng nalaman niya ang nangyari kay Sarah

Cheryl Tyndall sinagot ang mga alegasyon ng anak na si Sarah Wurtzbach

Image screenshot from Cheryl Tyndall’s YouTube video

Kuwento ni Mommy Cheryl, hindi niya alam kung kailan eksaktong nangyari ang sinasabi ni Sarah. Pero natatandaan niya noong 10 years old ito’y nabarkada ito at tumatakas sa kanilang bahay tuwing gabi. Nalaman niya na lamang sa pamamagitan ng isang kapitbahay ang ginagawa ng anak. Ang kapitbahay umano na iyon ay binalaan siya na bantayan si Sarah dahil sa ito umano’y dina-drugs ng mga taong nakakasama niya.

“Ate, bantayan mo iyang si Sarah kasi dina-drugs iyan doon sa dulo. Baka kung ano na nangyayari sa anak mo, bantayan mo.”

Nang marinig niya ito sa kanilang kapitbahay ay agad na kinompronta ni Cheryl si Sarah. Pero hindi umano umamin ang anak at itinatanggi niya lamang ito. Hanggang sa umabot sila sa barangay, dumaan ang ilang hearing ngunit hindi pa rin nagsalita si Sarah.

At nanggaling pa ito sa ibang tao

Hanggang sa lumipat na daw sila sa UK. Doon ay nagtratrabaho si Cheryl bilang caregiver at si Pia bilang isang waitress sa hotel. Habang si Sarah ay nag-aaral. Doon ay biglang naungkat muli ang isyu tungkol kay Sarah na nalaman niya ng padalhan siya ng sulat mula sa school na pinapasukan nito.

Ang laman daw ng sulat mula sa principal ng paaralan ay kung totoo ang sinasabi ni Sarah na siya ay naabuso.

“Ano ba daw iyong sinasabi ni Sarah na kumakalat na mayroong abuse na nangyayari sa kanya? Nangyari o nangyayari. E, ‘di ako po, litong-lito. ‘Ano ito, anong sulat ito? Sarah, what is this?” “So, ang ginawa ko po, nag-absent ako one day para pumunta po doon sa school para kausapin iyong principal kung ano ang nangyayari.” “Sabi po ng principal, “Sarah has a problem, she’s talking to other classmate and to some mothers about what happened to her in Philippines.” “I said, “What?’ I was really really shocked. Na-shock po talaga ako noong kinakausap akong ganoon. So, sa pag-uusap naming ganoon, ‘I don’t know anything about it, we are already here in the U.K. for three years and she never told me anything about it.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Mommy Cheryl. Noon ay muli niyang tinanong si Sarah ngunit hindi parin daw ito nag-kuwento at umamin sa kaniya.

Hindi umano nagkukuwento o umamin ang anak niya sa kaniya

“Sarah, ano nangyari sayo? Bakit sa kanila mo sinasabi, bakit hindi sa akin? Bakit mo inilihim na halos tatlong taon na tayo dito. Hindi mo sinasabi sa akin? Sa ibang tao mo sinasabi? Ano nangyari sayo? Sino gumawa sa ‘yo?” “Nagsabi ako ng mga pangalan na na-encounter namin sa buhay namin doon. Hindi daw, hindi daw, hindi daw.” “Sabi ko, “Sino? Sino? Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin? Nandito tayo sa U.K., paano kita mapapagtanggol? Anong gagawin natin ngayon?” “Halos itabi ko siya sa pagtulog ko. Hindi ko alam kung paano gagawin ko na may problema pala siya. Alam niyo, ang sakit-sakit sa akin noon.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Mommy Cheryl sa kaniyang vlog.

Hanggang sa lumipas daw ang taon at nagpatuloy ang buhay nila. Naka-graduate si Sarah, nagkaroon ng iba’t-ibang naka-relasyon na sinuportahan nila. Hindi daw nila ito pinabayaan. Sa tulong ng pangalawa niyang asawa ay sinubukan nilang maging isang pamilya kay Sarah. Kaya naman hindi nila maintindihan kung saan nanggaling ang labis na galit nito.

Pahayag ni Sarah

Bago pa man lumabas ang vlog na ito ni Mommy Cheryl nitong Oktubre 30 ay may bagong pasabog si Sarah laban sa kaniyang ina. Sa isa sa mga Instagram Stories Q&A, narito ang sagot ni Sarah ng matanong siya kung gaano niya ka-hate ang ina.

Sarah Wurtzbach

Image from PEP.ph

Sa follow-up question pa sa parehong tanong ay sinabi rin ni Sarah na imbis na humingi ng tawad ay nilayuan pa umano siya ng Mama niya.

Sarah Wurtzbach

Image from PEP.ph

Ibinahagi rin nito ang screenshot ng isang email ng ina sa kaniya na nagpapatunay na totoo ang kaniyang sinasabi.

Sarah Wurtzbach

Image from PEP.ph

Samantala, ay nanatili namang tahimik si Pia sa mga nangyayari. Bagama’t ayon kay Sarah ay nagkaayos na sila ng kapatid.

Pia and Sarah Wurtzbach

Image screenshot from Sarah Wurtzbach’s Instagram account

Si Pia at Sarah Wurtzbach ay anak ni Mommy Cheryl sa una nitong asawa na isang German na nagngangalang Uwe Wurtzbach na nasawi na noong 2014.

Partner Stories
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
narzo PH gives local fans a September Surprise!
narzo PH gives local fans a September Surprise!
P&G Commits to 2,021 Acts of Good in 2021 and Inspires Millions through Lead with Love Campaign 
P&G Commits to 2,021 Acts of Good in 2021 and Inspires Millions through Lead with Love Campaign 
Conti’s brings delight to ‘Modern-Day Heroes’ in clinics and hospitals
Conti’s brings delight to ‘Modern-Day Heroes’ in clinics and hospitals

Source:

PEP.ph

 

 BASAHIN:

Sarah Wurtzbach sa kapatid na si Pia Wurtzbach, “Mag-sorry ka!”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Cheryl Tyndall sinagot ang mga alegasyon ng anak na si Sarah Wurtzbach
Share:
  • Sarah Wurtzbach sa kapatid na si Pia Wurtzbach, "Mag-sorry ka!"

    Sarah Wurtzbach sa kapatid na si Pia Wurtzbach, "Mag-sorry ka!"

  • Ms. Iloilo Rabiya Mateo kinoronahan bilang Ms. Universe Philippines 2020

    Ms. Iloilo Rabiya Mateo kinoronahan bilang Ms. Universe Philippines 2020

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Sarah Wurtzbach sa kapatid na si Pia Wurtzbach, "Mag-sorry ka!"

    Sarah Wurtzbach sa kapatid na si Pia Wurtzbach, "Mag-sorry ka!"

  • Ms. Iloilo Rabiya Mateo kinoronahan bilang Ms. Universe Philippines 2020

    Ms. Iloilo Rabiya Mateo kinoronahan bilang Ms. Universe Philippines 2020

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.