Moms and dads, narinig niyo na ba ang scheduled sex para sa mag-asawa? Makakatulong nga ba ito sa inyong pagsasama?
Ano ang scheduled sex para sa mag-asawa?
Ang spontaneous sex o yung tuloy-tuloy na pagtatalik ay normal na para isang couple. Pero narinig niyo na ba ang scheduled sex para sa mag-asawa?
Ito ay kapag naglaan kayo ng oras o panahon para magtalik. Nakaplano na ito ahead of time bago ang nakatakdang pagtatalik. Kadalasan itong ginagawa ng mga mag-asawa na pagod or busy sa kanilang personal life katulad ng trabaho o iba pang pinagkakaabalahan.
Par sa kanila, mas magiging maayos ang pagtatalik kung hindi ito mamadaliin o ipaplano na kung sila ay may iba pang pinagkakaabalahan katulad ng kanilang trabaho.
Ngunit ano nga ba ang benepisyo na matatanggap sa scheduled sex para sa mag-asawa? Ano ang risks nito at downside?
Benefits ng scheduled sex
1. Madaling nababalanse ang lahat
Isa sa benepisyo ng scheduled sex ay magkakaroon kayo ng organized time para sa iba pang bagay. Kung ang inyong pagtatalik ay naka schedule sa iisang araw, kayo ay may pagkakataon pa sa ibang pang bagay para asikasuhin ito. Ang bawat mag-asawa ang may kanya-kanyang ginagawa katulad ng paglilinis ng bahay, pamimili ng grocery, pagtatrabaho mula Monday hanggang Friday.
Kapag naka schedule ang pagtatalik, nakokontrol mo ang inyong mga oras.
2. Mapapaghandaan ito
Ang schedule sex rin ay makakatulong para mapaghandaan ito both physically at emotionally. Magkakaroon rin ng excitement para sa isa’t-isa dahilan para maging successful ang scheduled sex para sa mag-asawa.
3. Makakapili ng magandang araw
Dahil si mom at dad ay may parehong pasok sa trabaho during weekdays, sila ay hindi na nagkakaroon ng enough time sa gabi upang magtalik dahil maaaring pagod na sila sa dumaang araw.
Sa ganitong pagkakataon, ang scheduled sex ay maaaring pumasok na sa eksena. Kausapin ang iyong partner tungkol dito katulad na magplano ng sex kapag free time nila sa weekends.
Downside ng scheduled sex
Bukod sa benepisyo na hatid ng scheduled sex para sa mag-asawa, mayroon rin itong downside sa pagsasama ng couple.
Maaaring makaramdam ang mag-asawa ng pagkaboring sa nakatakdang sex dahil hindi agad ito nangyari. Pwede rin na hindi sumangayon ang isa sa mangyayaring pagpaplano.
Sa kadalasang sitwasyon, maaaring makaramdam ng pagka bored ang couple pagdating ng araw kung kailan ito pinlano.
Tips sa scheduled sex ng mag-asawa
- Ang matinding connection sa isa’t-isa ay kailangan para maging successful ito.
- Magfocus sa isa’t-isa.
- Gawing exciting ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pag-set ng mood.
- Ituring ang scheduled sex na panibagong type ng date.
- Paghandaan ang nakaplanong pagtatalik.
- Magplano ng maayos at pasok sa schedule ng bawat isa
Source:
BASAHIN:
Puwede bang makipag-sex habang buntis?
STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon
Safe ba at maaaring mabuntis kapag nakipag-sex after menstruation?
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.