Sex education in the Philippines, ano nga ba ang tamang paraan ng pagtuturo nito sa mga kabataan?
Teacher, pinanood ng porn ang mga estudyante sa classroom | Image screenshot from GMA News video
Ito ang mainit na pinag-uusapan ngayon matapos ang na-report na pagpapanood ng pornographic video ng isang guro sa kaniyang grade 10 students sa Ajuy, Iloilo. Ang insidente umano ay nangyari sa Pili National High School na pinatunayan naman ng mga estudyanteng nakapanood nito.
Ayon sa report, ito daw ay ginawa ng guro bilang parte ng kanilang sex education curriculum. Ngunit, may mga concerned citizens ang nag-reklamo sa paraan ng pagtuturo na ito ng sex education. Isa na nga rito si Mayor Jett Rojas ng Ajuy, Iloilo.
Bilang aksyon sa nasabing insidente ay nakiusap na si Mayor Rojas sa DepEd na imbestigahan ang nangyari. Upang kanilang malaman o matukoy kung may nalabag ba ang guro o tama ba ang paraang ginawa nito sa pagtuturo.
Sex education in the Philippines
Ang pagtuturo ng sex education in the Philippines ay isa sa nakikitang paraan ng Department of Education o DepEd para mabawasan ang kaso ng teenage pregnancies sa bansa o maagang pagbubuntis. Pati narin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dulot ng pakikipagtalik sa mga kabataan.
Teacher, pinanood ng porn ang mga estudyante sa classroom | Image from Unsplash
Kaya naman sa tulong ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) o kilala rin sa tawag na DepEd Order No. 31, series 2018 (DO 31), ay nilalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at skills ang mga kabataan tungkol sa sex education. Ito ay upang ma-advance ang gender inequality at empowerment sa kanilang isipan. Upang mahubog ang kanilang tamang values at attitude sa sex. At upang maiwasan ang mga poor health outcomes ng pakikipagtalik.
“The need to promptly arrest the surge in these cases is increasingly becoming urgent; the young generation is really at risk, that’s why it is imperative to enable them to develop into responsible adolescents capable of making rational decisions based on adequate information and better understanding of reproductive health.”
Ito ang pahayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones tungkol sa pagpapatupad ng bagong DepEd order.
Dagdag naman ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, ito ay magagawa sa pamamagitan ng pag-iintegrate ng CSE sa mga subjects at extra-curricular activities ng junior at senior highschool student.
Pag-iintegrate ng sex education sa mga subjects sa eskwelahan
Teacher, pinanood ng porn ang mga estudyante sa classroom | Image from Unsplash
Tulad nalang sa mga subjects na Science, Social Studies at Economics. Sa Science maiintegrate ang sex education sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga maselang bahagi ng katawan at paano ito maalagaan. Habang sa social studies naman ay tatalakayin ang mga problema sa lipunan na may kaugnayan dito, At sa economics ay pag-uusapan ang mga epekto sa ekonomiya ng mga problemang dulot nito.
Para maisakatuparan ito ay kailangan ng tulong ng involvement ng mga parents-teachers-community associations, school officials, civil society organizations, at iba pang interest groups na magsisiguro na ang cultural acceptability, efficiency, at appropriateness ng key concepts at messages ng CSE ay maituturo ng maayos sa mga estudyante.
Sa kaso ng guro na nagpanood ng porn video ay hindi pa malinaw kung bakit ito ang naisipan niyang paraan ng pagtuturo. At kung ano ang significance nito sa sex education. Kaya naman sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang DepEd tungkol sa nangyaring insidente. Habang patuloy na isinasagawa parin ang imbestigasyon sa nangyari.
Kayo mommy, anong masasabi mo sa pagpapanood ng porn bilang parte ng pag-aaral sa inyong mga anak? Sang-ayon ba kayo rito?
Source:
GMA News, DepEd Gov, PNA, Manila Bulletin News
Photo: Uplift
BASAHIN:
The role of parents in sex education
Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister
Wala ng sexy time? 5 tips upang hindi kayo mahuling nagtatalik ng inyong anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!