5 sex positions na puwedeng subukan kapag bored kayo ni mister

lead image

Kung madalas ay nasa bahay lang kayo ni mister, at wala masyadong ginagawa, puwedeng subukan ang mga sex positions na ito.

Mayroon talagang mga panahon na bored lang kayo ng asawa mo sa bahay. Hindi naman nito ibig sabihin na bored kayo sa isa't-isa, pero may panahon talaga na wala kayong planong lakad ko activity. Kung nangyari na ito sa inyo, siguradong makakatulong ang 5 sex positions na ito para maging mas exciting ang araw ninyo ni mister.

Ang kinaganda ng mga positions na ito ay hindi kayo gaanong mapapagod. Simple lang ang mga ito, pero siguradong makakadagdag ng excitement sa inyong sex life.

Sex positions kapag bored kayo ni mister

1. Lazy Man

Sa position na ito, nakaupo ang iyong asawa at nakasandal sa pader o kaya headboard at naka stretch ang kaniyang paa. Ikaw naman ay papatong sa taas ng iyong asawa, at sasakyan mo siya.

Sa ganitong sex position, makokontrol mo ang bilis at rhythm, kaya't siguradong magugustuhan ninyong mag-asawa ang Lazy Man.

2. Hot Doggy

Ang Hot Doggy naman ay isang position kung saan nakadapa ka sa kama, habang nakapatong sa iyo ang asawa. Katulad ito ng doggy style, ngunit mas nakakarelax dahil nakadapa ka lamang sa kama, at hindi nakaluhod.

3. Sea Shell

Sa Sea Shell na position, nakapuwesto kayong mag-asawa ng katulad ng missionary position. Ang ipinagkaiba lang ay itataas mo ang iyong mga legs at ipapatong sa balikat ng iyong asawa. Sa ganitong position mas malalim ang naaabot ni mister, kaya't siguradong masasarapan ka sa inyong pagtatalik.

4. Stand and Deliver

Ang position na ito ay isa ulit variation sa doggy style. Sa Stand and Deliver, nakatayo ang iyong asawa, habang ikaw ay nakatuwad. 

Puwede ninyo itong gawin sa tukador, sa kitchen counter, o kaya sa mesa. Maganda ang sex position na ito dahil hindi kinakailangan na nasa kuwarto kayo para gawin ito.

5. Hot Seat

Sa Hot Seat na position, nakaupo ang iyong asawa sa dulo ng kama. Ikaw naman ay papatong at uupuan siya. Maganda ang position na ito dahil iba't-ibang bahagi ang nasstimulate. Kaya siguradong magugustuhan ninyo itong mag-asawa dahil kakaiba ang sensation sa position na ito.

 

Source: Women's Health

Basahin: 7 tips para tumagal sa sex ang iyong asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!