Sharon Cuneta sa anak na si Frankie: “No headaches, no horror stories, no disrespect”

Megastar nagpaparinig nga ba sa panganay na si KC Concepcion?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sharon Cuneta may sweet na mensahe sa anak na si Frankie Pangilinan. Megastar nagpasalamat sa anak na hindi daw sakit ng ulo at marunong rumespeto.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Mensahe ni Sharon Cuneta sa anak na si Frankie Pangilinan.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Mensahe ni Sharon Cuneta sa anak na si Frankie Pangilinan

Larawan mula sa Instagram ni Frankie Pangilinan

Lumipad na pa-Amerika ang anak nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan para ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Sa Instagram ibinahagi ng Megastar ang nararamdaman niya sa pag-alis ng anak. Sa isang open letter na naka-address kay Frankie ay sinabi ng Megastar na siya ay nalulungkot sa pag-alis ng anak. Pero ito ay nagpapasalamat na magkaroon ng anak na tulad ni Frankie.

"You’re turning 23 in Dec. and dear Lord I cannot thank Him enough for 23 years of nothing but good things and times with you. No headaches, no horror stories, no disrespect, no bad or sad anything?! I must have done something right in my lifetime. Thank you, my Kakie. My girl. My “Ate.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Sharon para sa anak na si Frankie.

Pagpapatuloy pa ni Sharon proud siya sa anak na si Frankie. At ang hiling niya para dito ay maging successful sa kaniyang buhay at makakita ng perfect husband na deserve nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I respect you! I am so proud of the woman you have become and I will never stop praying for God to give you the best life -&the perfect husband for you because you deserve only true happiness.”

Ito ang sabi pa ng Megastar.

Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

Maraming netizens ang pumuri sa Megastar sa pagiging mabuting ina nito sa anak na si Frankie. Pero may iba ang nalungkot at nagpaabot ng pagkadismaya na tila may pagkukumpara daw si Sharon sa mga anak niya. Lalo pa’t hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng mga netizens na hindi naka-follow ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion sa IG account ng kaniyang stepdad na si Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie.

“Sana yung mga ganito personal mo na lang sinabi k Khakie kasi meron kang isang anak na masasaktan and the more you do this the more your relationship will be irreparable.”

“My mom and I have love hate relationship. But she never compares me with my siblings.”

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens.

Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement