X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sharon Cuneta sa pagpunta ulit ni Frankie sa US: "All that’s just been aggravated by so much crying."

5 min read
Sharon Cuneta sa pagpunta ulit ni Frankie sa US: "All that’s just been aggravated by so much crying."

Naging emosyunal muli si Sharon Cuneta sa pagbabalik ng kaniyang anak na si Frankie o Kakie sa New York, USA.

Muling naging emosyonal ang Mega Star Sharon Cuneta nang ibahagi niya na babalik na ang kaniyang anak na si Frankie pabalik ng US para sa kaniyang pag-aaral. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Sharon Cuneta sa pag-alis muli ng anak na si Frankie
  • 4 tips para magiging independent ang iyong anak 

Sharon Cuneta sa pag-alis muli ng anak na si Frankie

Sharon Cuneta

Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Mega Star Sharon Cuneta na muling aalis ang anak na si Frankie o Kakie pabalik ng New York sa US para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. 

Ayon kay Mega Star, panay iyak daw siya dahil mawawalay siyang muli ng matagal sa kaniyang anak. 

“I have been sick since Feb.21, and for a week now my throat and congestion have been so bad I’ve basically been bedridden.

Now all that’s just been aggravated by so much crying – because my Kakie is, once again, after delays caused by unavoidable circumstances both here and in New York – flying back to the States today to continue her studies…”

Dagdag pa ni Sharon Cuneta, dapat umano ay tapos ng mag-aral ang kaniyang anak subalit nagkaroon ng COVID kaya naman hindi umano agad ito nakatapos agad. 

anak ni sharon cuneta na si Frankie

Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

“Heart of my hearts, bestie, babygurl forever, Manang, Ate…I miss you so much already…You always take a huge chunk of my heart with you whenever you leave…Without Covid and all, you’d already be graduating this year.”

Pagbabahagi pa niya sa kaniyang post, 

“So please – I know it’ll take another year and a half or so – but just get it over with so my heart can finally rest from breaking whenever you leave and jumping for joy whenever you come home…I love you so much, with all my heart, forever and ever.”

sharon cuneta at anak niya na si Frankie Pangilinan

Larawan mula sa Instagram account ni Frnakie Pangilinan

Mensahe pa ni Sharon Cuneta sa kaniyang anak na alagaan nito ang kaniyang sarili habang nasa malayo siya. 

“Please take good care of yourself and I’ll keep pretending you’re about to burst into my room any minute just to sit with me as we exchange stories and make each other laugh so hard…My ultra-loving big little girl. My heart. Lord Jesus please protect my Kakie and surround her with your angels always…”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

 

4 tips para magiging independent ang iyong anak 

1. Tanungin sila kung gusto nilang tumulong sa gawaing bahay

Isang study sa University of Virginia ang nagsasabi na ang mga batang gumagawa ng gawaing bahay sa murang edad ay mas self-competent at may mas maayos na relasyon sa kaniyang mga peer.

Nakakatulong ito para maging independent sila kapag sila’y lumaki na. Sapagkat bata pa lamang ay tinuturuan mo na sila ng mga bagay na ganito. 

2. I-encourage sila sa mga bagay na gusto nilang gawin kahit na ito pa ay medyo nakakatakot

Hindi maiiwasan na tayong mga magulang ay hindi pinapayagan ang ating mga anak na maglaro ng mga extreme sports o basta-basta na lang magtakbuhan sa kalsada. Sapagkat maaari silang madapa o masaktan. 

Nakakatakot man ito para sa ating mga magulang ay dapat huwag natin silang pigilin. Bagkus ay i-encourage pa sila. Sa ganitong paraan, matuturuan natin ang ating mga anak na huwag matakot sa anumang challenges o pagsubok na maaari niya kaharapin sa hinaharap. 

Siyempre, matututo rin sila sa kanilang mga boundaries at malalaman nila ang mga hindi pwede o pwedeng gawin dahil sa exercise na ito. 

3. Purihin sila sa kanilang mga success o tagumpay

Bigyan ng espasyo ang pagpupuri sa iyong anak lalo na kapag siya’y nakakagawa ng maganda o success. Sa ganitong paraan, matuturuan mo ang iyong anak na magtiwala sa kaniyang sarili. 

Maaari ring silang purihin din kapag may mga efforts silang pinapakita. Kagaya na lamang kapag sila’y tumutulong sa gawaing bahay katulad ng pagwawalis, pero hindi naman nila ito nalinisan ng maayos. Sabihin sa iyong anak na, “Good job anak! Nalinis mo ito kahit papaano.”

4. Hayaan silang makagawa ng mga pagkakamali

Maaaring hindi masyadong conventional ang payo na ito, pero kapag hinahayaan mong magkamali ang iyong anak, tinuturuan mo rin siya na magtagumpay sa kaniyang buhay. 

Dahil bilang mga magulang alam natin ang isang tao ay magkamali at magkakamali rin. Kahit na ang ating mga anak. Kaya naman hayaan silang magkamali, at kapag sila’y nagkamali doon papasok ang role natin bilang mga magulang. 

Turuan sila ng tama, ipaliwanag sa kanila kung bakit mali ang kanilang ginawa at kung ano ang tama. Ipaunawa rin sa kanila na hindi ibig sabihin na nagkamali sila ay hindi na sila mabuti o kaya naman hindi na sila matututo. 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Tandaan na mahalaga na maturuan natin ang ating mga anak na maging independent. Sa gayon, paglaki nila ay hindi sila mahihirapan sa buhay at sila ay matatagumpay sa larangan tatahakin nila. 

 

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Sharon Cuneta sa pagpunta ulit ni Frankie sa US: "All that’s just been aggravated by so much crying."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.