Sheena Halili nagpasalamat sa baby shower na inorganize ng kaibigang si Jennylyn Mercado para sa second baby niya

Sheena Halili nakakaranas daw ngayon ng antenatal anxiety dahil sa nalalapit niyang panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sheena Halili masaya sa kinalabasan ng kaniyang heartwarming baby shower. Aktres nagpasalamat sa kaibigang si Jennylyn Mercado na nag-organisa nito para sa kaniya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Sheena Halili baby shower.
  • Mensahe ng pagpapasalamat ni Sheena sa kaibigan si Jennylyn Mercado.

Sheena Halili baby shower

Larawan mula sa Instagram

Masayang ibinahagi ng aktres na si Sheena Halili ang mga naging larawan ng baby shower ng kaniyang second baby. Si Sheena makikitang very happy sa mga larawan niya kasama ang mister na si Jeron Manzanero at panganay nilang anak na si Martina. Ayon kay Sheena, labis siyang nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng special event na ito para sa kanilang pamilya. Partikular na ang kaibigan niyang si Jennylyn Mercado na siya daw nag-organize nito para sa kaniya.

Mensahe ng pagpapasalamat ni Sheena sa kaibigan si Jennylyn Mercado

Pagbabahagi ni Sheena ay nagkaroon siya ng antenatal anxiety dahil sa papalapit niyang panganganak. Kaya naman ang kaibigan niyang si Jennylyn ay nag-organize ng baby shower para malibang siya at maibsan ang nararamdaman niyang pag-aalala.

“Kaibigan, sila yung mas excited pa sayo pag may bagong blessing ka! 💞.”

Ito ang bahagi ng post ni Sheena tungkol sa naging effort ng kaibigan niyang si Jen. Pinagpatuloy niya ito sa pamamagitan ng pagkukuwento sa pinagdadaanan niya ngayon.

Larawan mula sa Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dahil papalapit na ang due date ko at nagkaroon po ako ng antenatal anxiety at updated naman itong kumare ko sa mga nangyayari sa life ng Manzanero Family. Nag desisyon po siya na bigyan ako ng baby shower. Tumawag sakin at sinabihan ako na “Wag mo na isipin baby shower mo! Ako na bahala!” Katangi-tangi po na assignment ko ay mag imbita, pumili ng gifts at pumunta ng maganda! 🤭”

Ito ang kuwento ni Sheena.

Dagdag pa niya, ito ang kauna-unahang baby shower na naranasan niya para sa kaniyang baby. Dahil noong pinagbubuntis niya ang panganay niyang si Martina ay kasagsagan ng pandemic. Kaya naman very thankful at emotional siya ngayon.

“Salamat mare! 😘🩵 Sa hindi po nakakaalam ngayon lang ako nagka “baby shower” na may bisita at handa! Last time po kasi ay pandemic. May chance na ito narin ang last 🤭.”

Ito ang sabi pa ni Sheena Halili tungkol sa kaniyang heartwarming baby shower.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement