Walang magulang ang hindi matutuwa kung matalas ang isip ng kanilang baby. Ngunit, hindi alam ng lahat na may signs na matalino ang baby. Gamit ang mga ito, maaaring i-nurture, para maabot ng anak ang kanyang buong potensyal!
Mababasa sa artikulong ito:
- Signs na matalino ang baby na dapat malaman at pangalagaan
- Pahayag ng mga eksperto at mga pag-aaral patungkol rito
Ang kailangan ay malaman ang mga signs na ito, para mailabas at makita ang pag-shine ng iyong anak.
Signs na matalino ang baby na dapat malaman at pangalagaan
1. Maagang naaabot ang mga milestones kumpara sa mga ka-edad niya
Maaaring alam mo na kung ano ang mga baby developmental milestones. Magandang paraan ito para malaman kung ang iyong anak ay nasa tamang track pagdating sa physical, cognitive at emotional growth.
Subalit, kung di hamak na masmaagang naaabot ng iyong anak ang kanyang milestones kumpara sa mga ka-edad niya, senyales ito ng matalinong baby.
Halimbawa, kung ang iyong tatlong buwang gulang ay kaya nang umupo nang mag-isa. O ang iyong 10 buwang gulang ay nakakapagsalita na ng malinaw at buong mga pangungusap.
Protip: Basahan at kausapin ang iyong baby para lalong madevelop ang kanilang communication skills. Bigyan sila ng maraming panghihikayat at papuri kapag napapakita nila ang kaua nilang gawin!
2. Kayang kaya mag focus
Ang mga baby at bata ay kilala sa kanilang mababang attention spans — nasa 15 minuto lamang at iba na ang nais nilang gawin. Subalit, isa sa mga senyales ng matalinong baby ay kaya nilang mag focus sa isang gawain nang matagal sa murang edad pa lamang, bago mag 6 na buwang gulang.
Halimbawa, makita ang iyong 5 buwang gulang na naka-focus sa paglalaro ng wooden blocks nang hindi nadi-distract. O nakaupo lamang siya habang binabasahan ng libro, at nagagawa pang ituro ang mga paboritong larawan o nililipat ang pahina.
Protip: Patuloy na hikayatin ang batang maglaro ng blocks at puzzles. Subukan siyang bigyan ng isang malaki at makulay na puzzle para ma-stimulate at mahikayat ang pagfocus. At huwag kalimutan, patuloy siyang basahan!
3. Nag-eenjoy magsolve ng problems
Kugn ang iyong anak ay nagpapakita ng signs ng matalinong baby, huwag umasang makita sila na madaling sumuko! Tama — kasama ng matinding focus, ang mga baby na ito ay nabiyayaan ng pambihirang problem-solving skills. Halimbawa, naitabi ang mga snacks sa cabinet, madali itong maiintindihan ng iyong anak at makakahanap ng paraan para maabot ito.
Lahat ng bata ay nagpapakita ng problem-solving skills kasabay ng kanilang developmental milestones. Ngunit, ang talagang advanced na bata ay maipapakita ang mga ito nang masmaaga sa mga ka-edad nila.
Protip: Para mahikayat ang problem-solving skills ng iyong anak, bigyan sila ng mga madadaling “challenges”. Halimbawa, maaaring gumawa ng mini-maze gawa sa mga unan at maglagay ng laruan sa gitna. Purihin ang iyong baby pagnagawa niyang mahanap ang daan papunta sa laruan.
BASAHIN:
REAL STORIES: “Madaldal at matalino ng anak ko pero sobrang bossy niya! Anong gagawin ko?”
STUDY: Mas matalino ang mga bata kapag mayroong sapat na Vitamin D ang ina habang nagbubuntis
Gusto mo bang lumaking matalino at mabait si baby? Gawin mo ito araw-araw
4. Na-eenjoy (o mas gusto) maging mag-isa
Ang mga bata ay sociable na mga tao na ayaw naiiwan mag-isa. Subalit, isang senyales ng matalinong baby ay madalas mas gusto nilang mapag-isa.
Mapapansin silang masayang naglalaro nang walang kasama. O mas gusto na makisama sa masmatatandang bata imbes na sa ka-edad, para sa mas-advanced na emotional at intellectual stimulation. Hello tiny genius!
Protip: Tandaan na huwag pilitin ang anak na makipaglaro sa mga masmatanda kung ayaw nila. Ngunit kasabay nito, hikayatin sila maglaro sa mga ka-edad nila para hindi mapabayaan ang kanilang social skill development.
5. Lubos na mausisa
Oo, ang mga bata ay mga mauusisang tao. Ngunit, isa sa mga senyales ng matalinong baby ay ang tanong nila ay pambihira din. Ang mga tanong na ito ay kakaiba na napapatigil ka at kailangang pumunta sa Google para malaman ang isasagot.
Protip: Ang napakaraming tanong ay maaaring maging nakaka-inis. Ngunit, pilitin parin maibigay ang tamang mga kasagutan. Kasabay nito, bigyan at ituro sa iyong anak kung paano nila mahahanap ang mga sagot sa mga katanungan. I-introduce sila sa junior encyclopedia o ikuha ng library membership. Sabayan din siya sa paghahanap ng mga kasagutan. Walang age limit ang pagtuto ng mga bagong kaalaman!
6. High birth weight
Tila kakaiba ngunit totoo — ayon sa pag-aaral, may kinalaman ang birth weight ng bata sa pagiging matalino niya.
Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mataas na birth weight ay nauugnay sa mataas na IQ sa buong buhay. Mababasa ang buong Pediatrics study dito. Samantala, patuloy na pangalagaan ang isip ng baby gamit ang breastmilk hanggang 6 na buwang gulang, at brain foods tulad ng avocado at isda kapag nagsimula na silang kumain ng solids.
Protip: Sa mga nagbubuntis, ang pinakamabisang paraan para masigurado ang magandang birth weight ng baby ay ang pagkain ng balanced diet habang buntis.
7. Pagiging alerto
Isa sa mga unang senyales ng matalinong baby ay ang mataas na level ng pagiging alerto. Ang mga babies na ito ay may matinding kamalayan sa kapaligiran ang mga mahal sa buhay, madaling nakikilala at nakikisama sa mga miyembro ng pamilya. Nakikipag eye contact sila nang maaga at ngumingiti. O nagbibigay ng ibang senyales ng pagkakakilala tulad ng cooing o paggalaw ng mga kamay nila.
Protip: Ang mataas na level ng pagiging alerto ay maaaring maging dahilan ng hirap sa pagpapatulog dahil sa environmental stimuli. Ayusin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalmado, madilim, at secure na sleeping environment. Subukang gumamit ng white noise at bedtime routine (kain, ligo, libro, tulog) para mapakalma ang super-alert na bata.
Ayan na, moms and dads. Ikaw ba ay may tiny genius din? Ibahagi sa amin ang mga kakaibang nagagawa ng iyong little Einstein!
Tips kung paano matulungan tumalino at ma-enhance ang talino ng iyong anak
Isa mga paraan na maaaring gawin nating mga parents para tulungan mas lalong ma-enhance ang talino ng iyong baby kapag siyang lumalaki na ay turuan siya sa pagsusulat o handwriting.
Ayon sa isang pag-aaral nakakatulong umano ang pagsusulat sa mga bata para tumalino sila. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Nakakapagpa-improve ito ng focus
- Ini-improve din nito ang eye condition
- Nakakatulong ito sa inyong upang ma-express pa ang kaniyang sarili, naiisip, o narararamdaman
- Nakakapag-stimulate ito ng utak ng isang bata na nakakatulong sa pag-iisip niya. Nagpo-promote din ito sa pagtatak niya ng bagong impormasyon sa kaniyang isip.
- Nakakapagpa-boost din ito ng kaniyang creativity at sa kaniyang pag-iisip. Natagpuan din sa pag-aaral na mas mahusay nagagawa ng isang bata ang isang essay kapag isinulat niya ito gamit ang kamay.
- Nakakatulong din ito upang ma-improve ang kaniyang memory. Ayon sa mga researcher ang physical activity katulad ng pagsusulat gamit ang mga kamay ay nakakatulong para mas maging matibay ang memorya ng isang bata.
Paano mo matuturuan o mai-encourage ang anak mong magsulat?
- Gawing masayang experience o activity ang pagsusulat para sa iyong anak. Katulad ng paglalaro ng word puzzles or spelling.
- Hikayatin din siya sa pagsusulat sa isang diary. Sabihan siya na isulat ang kaniyang mga experiences sa diary araw-araw. Bigyan siya ng mga colorful pens or stamp para ma-enjoy niya ang pagsusulat.
- Sabihan ang iyong anak na magsulat ng mga short stories. Isa ito sa mga paraan upang ma-improve ang kaniyang writing skills. Pwede mo rin sabihan ang iyong anak na gumipit siya ng mga picture sa magazine para ilagay sa kaniyang short story.
Source:
Mensa, LiveStrong, theAsianparent Singapore