Buntis Guide: 20 weeks na pagbubuntis, mga dapat mong malaman

undefined

Congratulations, mum! You're halfway through your pregnancy. Find out what your baby may be able to do with his eyes and what fun activity you should definitely be doing now.

Alamin sa artikulong ito ang mga sintomas ng buntis kapag sumapit na ang 20 weeks na pagbubuntis at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan ay kasing laki na ng isang saging. Siya ay may habang 16.5cm at timbang na 299.9g.

20 weeks na pagbubuntis

Ang development ng iyong anak

Narito ang mga development ng 20 weeks na pagbubuntis:

  • Ang balat ng iyong anak ay sa loob ng iyong sinapupunan ay kumakapal at nagkakaroon na ng mga layer.
  • Maaaring nakakamulat na ang mata ng iyong anak sa panahong ito.
  • Nakakalunok na rin siya ng mga amniotic fluid na makakabuti sa kaniyang digestive system.
  • Mayroong maitim at malagkit na substance sa kaniyang tae na tinatawag na meconium. Mawawala rin ito kapag naipanganak mo na siya.
  • Gumagana na rin ang kaniyang mga taste buds. Kung makita mo sa anomaly scan na sinusupsop niya ang kaniyang daliri, malamang ay nagustuhan niya ang huli mong kinain.
  • Kapag babae ang iyong anak, buo na ang kaniyang matris at ang kaniyang vaginal canal ay nagsisimula na ring ma-develop. Kung lalaki naman ang iyong anak, ang kaniyang testicles ay nagsisimula nang lumabas subalit wala pa siyang scrotum.
  • Sa panahong ito rin, maaari ka nang makaramdam nang paggalaw o  pagsipa ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan.

Mga sintomas ng buntis ng 20 weeks

  • Nagsisimula ka nang bumigat ng kalahating kilo kada linggo.
  • Ang iyong tulog ay maaaring maging putol-putol dahil sa mahirap na posisyon sa pagtulog.
  • Ang morning sickness mula sa first trimester ay unti-unti nang nawawala ngayon.
  • Nagsisimula na ring bumalik ang iyong libido.
  • Maaari kang magkaroon ng vaginal discharge at magpapatuloy ito hanggang katapusan ng iyong pagbubuntis.
  • Mapapansin mo rin na mas mabilis humaba ang iyong mga kuko at humaba ang iyong mga buhok. Sanhi ito ng marami mong hormones sa katawan dulot ng iyong pagbubuntis.
  • Lalakas din ang iyong pagkain sa panahong ito. Siguruduhing healthy ang mga pagkaing iyong kinakain upang parehas kayong maging healthy ni baby.
20 weeks na pagbubuntis

Larawan mula sa iStock

  • Maaari pa ring magpatuloy ang pagkakaroon ng heartburn at indigestion sa panahong ito. Dulot ito ng maaanghang na pagkain, maasim at mataaas ang acid levels. Iwasan ang mga pagkain ito.
  • Makakaranas ka rin ng mga occasional headaches o paminsan-minsang pananakit ng ulo. Maaari sanhi ito ng init ng panahon kaya naman iwasan ang mga bagay na makakapagpa-trigger sa pananakit ng ulo.
  • Magsisimula ka na ring makaranas ng leg cramps o pananakit ng binti. Dulot naman ito ng pagdagdag sa iyong timbang. Iwasan ito sa pamamagitan ng pagtaas ng iyong binti.

Pangangalaga sa buntis

  • Bantayan ang iyong timbang upang maiwasan ang pagiging underweight o overweight.
  • Mag-ehersisyo upang maiwasan ang mga pananakit ng katawan.
  • Kumain ng mga masusustansiyang pagkain.
  • Umiwas sa mga bagay na magpapa-stress sa iyo.
  • Huwag din lumagi sa mga mauusok na lugar o sa mga taong naninigarilyo upang hindi ka makalanghap ng usok. Maaari kasi itong magdulot birth defects sa iyong baby.
  • Tanungin ang iyong doktor patungkol sa iron, dahil lumalaki na ang iyong baby ay kinakailangan niya ng new red blood cells. Maaari ka kasing maging anemic o magkaroon ng low iron levels.
20 weeks na pagbubuntis

Larawan mula sa iStock

Mga dapat kainin ng buntis

Kapag tayo’y nagbubuntis mahalaga na mabigyan din natin ng halaga ang mga kinakain natin. Sapagkat ang kinakain natin ay napupunta rin sa ating baby. Ito ang ilan sa mga pagkaing kinakain dapat ng buntis sa paunang ulat ni Alyssa Wijangco:

 

1. Itlog

Ang itlog ay isa sa mga ultimate health food dahil nagtataglay ito ng nutrients na kailangan ng ating katawan sa araw-araw. Ang isang malaking itlog ay nagtataglay ng 80 calories, mataas na lebel ng protein, fat at minerals.

Ito rin ay isang pangunahing source ng choline, ang choline ay isa sa mga nutrients na kailangan ng isang buntis. Mahalaga ang choline sa brain development ni baby at nakakatulong ito upang maiwasan ang iba pang komplikasyon sa kaniyang utak at spine.

Ayon sa mga eksperto, ang mga buntis ay kailangang magkaroon ng 450 mg intake ng choline araw araw. Ang isang itlog ay nagtataglay ng mahigit kumulang na 147 milligrams ng choline.

2. Avocado

Ang avocado ay nagtataglay ng mataas na lebel ng fiber, B vitamins, vitamin K, potassium,copper, vitamin E at vitamin C. Dahil sa maraming vitamins na taglay ng prutas na ito, angkop ang pagkain ng avocado para sa buntis.

4. Mga pagkaing gawa sa gatas

Habang ikaw ay buntis, mahalaga sa iyo ang pagkain ng mga pagkain na sagana sa protein at calcium upang maibigay ang mga nutrients na kailangan ni baby.

Ang mga dairy products tulad ng gatas, cheese at yogurt ay nagtataglay ng dalawang klase ng high-quality protein: casein at whey. Ito ay pangunahing source ng calcium, phosphorus, B vitamins, magnesium at zinc.

Ilan lamang ito sa mga pagkaing dapat kinakain ng buntis, basahin ang iba pang impormasyon sa artikulong ito. I-click dito.

Checklist

  • Kumonsulta sa doktor kung kailangan mo ng anomaly scan.
  • Kumain ng masusustansiyang pagkain.
  • Inumin ang iyong mga prenatal vitamins.
  • Humingi ng pahintulot sa doktor kung may plano kang magbakasyon sa ibang lugar.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!