Sa pagdating ng ika-25 week ng pagbubuntis, malapit mo ng marating ang pagtatapos ng iyong secong trimester. Ang bilis lamang ng paglipas ng panahon ano?
Patuloy lamang ang paglaki ni baby kahit pa na hindi pa siya handang lumabas ay sandaling panahon na lamang at masisilayan niya na ang mundo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga kailangan mong malaman sa ika-25 weeks ng pagbubuntis
- Development ng baby sa ika-25 weeks
- Mga maaaring maranasan ng isang ina kapag sumapit na ang 25 weeks ng kaniyang pagbubuntis
- Checklist o mga dapat na isaisip sa ika – 25 week ng pagbubuntis
Sa ika-25 na week ng magbubuntis, marami na ang nagbago para kay baby at pati na kay mommy. May mga made-develop na iba’t ibang sintomas na maaaring hindi komportable sa pakiramdam ngunit normal lamang ang mga ito sa puntong ito.
Ang baby ay patuloy lamang sa paglaki, paggalaw at paghahanda para sa paglabas nito. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 25 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing-laki na ng isang talong. Siya ay may habang 34.5 cm at timbang na 660 g. Kasama ng iba pang mga pagbabago sa katawan ng iyo baby, ang pagdagdag ng kanyang timbang ay naghahanda para sa oras ng paglabas niya sa pinapupunan.
Ang development ng iyong anak
Narito ang mga development ng 25 weeks na buntis.
- Sa ika-25 week, nagsisimula ng magkaroon ng baby fat si baby na siyang magiging dahilan ng pagkinis ng kaniyang balat at para magmukhang mataba.
- Kung may buhok na ang iyong anak ay magsisimula ng magkaroon ito ng kulay at texture.
- Nagkakaroon na ng routine ang paggalaw ng iyong anak. Nagsisimula ng ma-develop ang kaniyang reflexes at mag-eenjoy na siyang tumalon at maglaro sa loob ng iyong sinapupunan. May mga oras na maglalaro siya nang sandali at pagkatapos ay magpapahinga na.
- Nakakarinig na rin siya at alam na niya ang iyong boses. May mga pagkakataon din na tumutugon siya sa boses mo.
- Sa ika-25 week din nagsisimula ang paggana ng ilong ni baby. Dito ay maaari na siyang magsanay ng kaniyang paghinga. Maaari na rin siyang makalanghap ng ilang amoy sa loob ng sinapupunan sa linggong ito at kung hindi naman ay sa third trimester na.
- Ang kaniyang balat ay nagiging kulay pink dahil sa mga maliliit na blood vessels na nabubuo na tinatawag na capillaries. Dito ay nagsisimula ng dumaloy ang dugo ni baby.
- Bagaman hindi pa naibubukas ang mga mata ng baby, nagsisimula ng mabuo ang mga cells na makatutulong upang makasagap sila ng liwanag.
- Sa linggong ito rin, ang mga blood vessels sa baga ng iyong baby ay magsisimula ng madevelop na naglalapit sa tuluyang pagkabuo para sa kapanganakan nito. Bagama’t kulang pa sa tinatawag na surfactant, ang likido na tutulong para mag-expand a tulong ng oxygen sa pagkasilang nila, ang baga ng sanggol ay hindi pa nadedevelop ng husto para sila’y makahinga ng maayos.
- Ngayong linggong ito ang kaniyang pinakaunang pagdumi, ngunit hindi ito lalabas hanggang hindi pa siya naiipanganak.
Mga pagbabago at sintomas sa buntis ng 25 weeks
Sa pagpatak ng ika-25 week, ang iyong tiyan ay parang isang bola na ng soccer na malamang ay iyong inaabangan sa simula ng pagbubuntis. Kung ikaw ay nasisiyahan sa cute at mabilog na tiyan, maaaring makadama naman ng pananakit ng iyong likod na hindi nakasisiya.
Dahil sa pamamalagi ng iyong baby sa gitnang bahagi ng iyong katawan, may mga oras na hindi komportable at mahirap mag-adjust.
Ang second trimester ng mga nagbubuntis ang sinasabing madalas na komportable para sa kanila kumpara sa unang mga buwan ng pagbubuntis ngunit dito naman bumababa ang energy level dahil sa paglapit ng third trimester.
Ang Restless Leg Syndrome(RSL) ay ang knodisyon kung saan mapipilitan ang isang buntis na igalaw ng madalas ang binti para maibsan ang nararamdamang kakaibang sensasyon sa mga binti. Ito ay nangyayari kapag nagpapahinga o kaya nama’y natutulog at sinasabing maaaring dahil sa mga hormones.
Ang gamot sa RSL sa oras ng pagbubuntis ay exercise, paliligo ng maligamgam na tubig bago matulog, pag-inom ng mg supplements para sa iron, folates, magnesium, at vitamin B2.
Isa pang sintomas na mararanasan ay ang pagkakaroon ng hemorrhoid. Karamihan sa mga babaeng nagbubuntis ay nakararanas ng namamaga, at makating ugat sa may puwitan dahil sa lumalaking matres. Hindi man mapanganib, ito naman ay nagiging sanhi ng labis na sakit na minsa’y nauuwi sa pagdurugo.
Kasabay ng pagbabago sa iyong baby ay nagbabago din ang ina. Magbabago ang iyong timbang upang masuportahan ang nagde-develop na baby na kung saan kapag nagsimula ka sa iyong normal na timbang ay madadagdagan ito sa paglipas ng kada linggo habang nasa second at third trimester.
BASAHIN:
Buntis Guide: Lahat ng Kailangan mong malaman sa Second Trimester ng Pagbubuntis
10 na pagkain na dapat kinakain ng buntis para healthy si baby
Buntis Guide: 11 na dapat gawin para masigurong healthy ang pagbubuntis
Sintomas ng buntis ng 25 weeks. | Larawan mula sa iStock
Ang mga iba pang sintomas pagpatak ng iyong ika-25 week ng pagbubuntis ay ang:
- Pangingitim ng dulo ng dibdib o utong
- Pagkakaroon ng mga pekas o pantal sa balat
- Mabilis na pagtubo ng mga buhok o pagkapal nito. Ito ay sa kadahilanang pinipigilan ng pregnancy hormone ang natural na paglalagay ng mga buhok. Sa oras na makapanganak na, muli na ulit maglalagas ang mga buhok.
- Makakaramdam ka rin ng pananakit ng katawan partikular na sa may bandang balakang, likod at hita.
- Minsan ikaw ay makararamdam ng pangangati sa bandang puwitan dahil sa pagdami ng dugo sa parte ng katawan na ito bunga ng paglaki ng iyong matris.
- Pamamaga ng bukung-bukong
- Paminsan-minsan na heartburn
- Madalas na hirap na makatulog
- Paghihilik habang natutulog. Ito ay pangkaraniwang nangyayari sa mga buntis dahil sa magtaas ng daloy ng dugo papunta sa mucus membrane ng iyong ilong.
- Makakaramdam ka ng pagiging constipated kaya’t dapat na uminom ng madaming tubig.
Sa pagbubuntis, ang mga hormone sa iyong katawan ay nagsisilbi upang pakalmahin ang valve na papunta sa iyong tiyan kaya naman nagreresulta ito sa heartburn kapag hindi ito nagsasara ng mabuti.
Kung ang iyong mga paboritong pagkain ay maaanghang o maalat, iwasan muna ang mga ito dahil ito ang madalas na nakakapag-trigger ng heartburn.
Ang mga sintomas o pagbabagong ito kasabay ng paglaki ni baby ay maaaring maging dahilan upang mahirapan sa pagtulog. Ang pagkakaroon ng tamang bilang ng tulog ay mahalaga.
Para makatulog ng mahimbing sa gabi, subukang matulog ng nakatagilid sa iyong kaliwang bahagi ng nakabaluktot ang mga tuhod at saka humanap ng komportableng posisyon ng nakataas ang ulo.
Pangangalaga sa buntis
Sintomas ng buntis ng 25 weeks. | Larawan mula sa iStock
- Ang mga sintomas o pagbabagong ito kasabay ng paglaki ni baby ay maaaring maging dahilan upang mahirapan sa pagtulog. Ang pagkakaroon ng tamang bilang ng tulog ay mahalaga. Para makatulog ng mahimbing sa gabi, subukang matulog ng nakatagilid sa iyong kaliwang bahagi ng nakabaluktot ang mga tuhod at saka humanap ng komportableng posisyon ng nakataas ang ulo.
- Ugaliin ang healthy diet na kung saan naglalaman ng maraming gulay, prutas, at lean meat.
- Alagaan at linisin ng maayos ang mga ngipin sa araw-araw. Ito ay para maiwasan ang anumang sakit sa bunganga o masira ang mga ngipin habang may ipinagbubuntis. Ang pag-aalaga sa mga ngipin ay makatutulong upang makaiwas sa sakit na periodontitis na siyang nagiging dahilan ng premature birth.
- Panatilihin ang pag-inom ng maraming tubig dahil na rin sa ito’y nakatutulong sa pamamanas, constipation, at hemorrhoid.
- Gumamit ng moisturizer para sa mga naglalabasang stretchmarks sa iyong tiyan at suso. Maaaring mangati ng dahil sa mga ito kaya naman mag-moisturize sa araw-araw para maiwasan ito.
- Gumamit ng moisturizer para sa mga naglalabasang stretchmarks sa iyong tiyan at suso. Maaaring mangati ng dahil sa mga ito kaya naman mag-moisturize sa araw-araw para maiwasan ito.
- Alagaan ang mental health habang may ipinagbubuntis. Kung nakararamdam ng depression habang buntis, kausapin ang pamilya o lumapit sa mga doctor kung kinakailangan.
- Ang mga senyales ay:
- Hirap na maging excited o masaya sa mga bagay na dating na-eenjoy
- Depress sa malaking bilang ng oras sa isang araw
- Hindi na makapag-focus sa mga bagay at nangyayari
- Pumapasok sa isip ang pagpapakamatay
Checklist
- Pumunta sa doktor para magpa-checkup at malaman kung mayroon kang gestational diabetes o kulang sa protina ang iyong katawan.
- Pag-isipan na ang gustong paraan ng panganganak. Maaga pa man at may ilang linggo o buwan pa ang natitira ngunit wala namang masama sa maagang pagpaplano.
- Magplano at simulan na ang pagbili sa mga gamit na gagamitin ni baby habang hindi pa gaanong malaki ang iyong tiyan at kumportable pa ang paggalaw.
- Kung unang beses na maging isang ina, may oras pa para magbasa ng tungkol sa mga bagong silang na sanggol. Alamin ang mga paraan kung papaano sila dapat na alagaan at kung ano ang mga dapat na asahan.
- I-manage ang stress. Dahil hindi na malayo ang oras ng panganganak, normal lamang na makaramdam ng kaba at takot. Ito ang oras para pangalagaan ang sarili at i-manage ang stress.
- I-download ang birth plan checklist.
Kailan dapat tawagan o pumunta sa doktor
Kung nararamdaman ang anumang sintomas na nakasaad, marapat lamang na tumawag sa doctor o pumunta sa ospital.
- Labis na pananakit ng tiyan o balakang
- Nahihirapan o kinakapos ng hininga
- Pagdurugo ng ari
- May kasamang sakit ang pag-ihi
- May likidong tumatagas mula sa ari
- Senyales ng premature labot tulad ng regular na pagsikip at pananakit sa iyong tiyan at likod
- Pressure sa balakang o ari ng babae
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Karagdagang ulat ni Charlen Isip
Source:
Healthline, FloHealth, WhatToExpect
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!