7 sintomas ng cervical cancer na kailangang malaman
Unlike breast cancer, the signs of cervical cancer aren't quite as obvious. That's why it's important for women to know the signs of cervical cancer.
Ikaw ba ang mayroong kakaibang discharge sa iyong pwerta o vagina? Baka sintomas na iyan ng cervical cancer. Alamin kung ano ang cervical cancer, at kung ano ang mga sintomas, diagnosis, lunas at kung paano ito maiiwasan Mommies.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang cervical cancer?
Ang cervical cancer ay isang uri ng cancer na dulot ng HPV, o human papillomavirus, na nakakahawa. Ang nakakatakot sa cervical cancer ay hindi tulad ng breast cancer, hindi kasing obvious ang sintomas ng cervical cancer.
Kapag na-expose sa HPV na cancerous ang katawan ng isang babae at mayroong mahinang immune system may malaking posibilidad na siyang magkaroon ng cervical cancer.
May ilang kaso rin kung saan ang cancer ay nasuri na sa huling bahagi ng sakit, kung kailan nakamamatay na ito. Ang nakikitang kadalasang dahilan ng cancer na ito ay ang STI.
Tumutubo ang cancer na ito sa cells ng cervix at lower part ng uterus na konektado sa vagina ng babae. Maaari namang maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer sanhi ng HPV kung ikaw ay magpapabakuna laban sa HPV infection.
Ayon sa World Health Organization (WHO), 99% na mga kaso ng cervical cancer ay konektado sa pagkakaroon HPV, isa itong karaniwang virus na napapasa sa pamamagitan ng sexual contact o pakikipagtalik.
Kahit na halos lahat ng HPV infection ay nawawala rin naman at hindi nakakaranas ng sintomas, ang pagkaroon ng persistent infection ay maaaring magdulot ng cervical cancer sa kababaihan.
Ang cervical cancer ay pang 4 na pinakaraniwang cancer sa kababaihan. Noong 2018, tinatayang nasa 570,000 babae ang na-diagnose ng cervical cancer sa buong mundo, at 311,000 ang mga namatay na babae dahil rito.
Uri ng cervical cancer
Narito ang dalawa at pangunahing uri ng cervical cancer:
1. Squamous cell carcinoma: Nagde-develop ang Squamous cell carcinoma sa flat cells na outer part part ng cervix na nagpoprotekta sa vagina ng babae.
2. Adenocarcinoma: Nade-develop naman ito sa column-shaped ng glandular cells na konektado sa cervical canal
Sanhi ng cervical cancer
Ang mga healthy cells ay mabilis na dumadati ngunit mabilis ring namamatay. Nagsisimula ang cervical cancer kapag ang healthy cells ay unti-unting nagbago sa kanilang DNA.
Walang malinaw na dahilan kung ano ang sanhi ng cervical cancer pero ang lifestyle o environment ng babae ay maaaring nakakaapekto rin sa cancer na ito.
Mga may mataas na tiyansang magkaroon ng cervical cancer
Ang mga babaeng may mataas na tiyansa na magkaroon ng cervical cancer ay ang mga sumusunod:
-
Maraming sexual partners
Ang pagkakaroon ng maraming sexual partners ay nakakapagpataas ng tiyansa sa pagkakaroon ng cervical cancer. Kapag marami kasi ang iyong katalik o sexual partner ay mataas ang tiyansa na ma-ipasa sa ‘yo ang HPV na sanhi ng pagkakaroon ng cervical cancer katulad nang nabanggit kanina.
Kaya naman dapat ay huwag makikipagtalik sa marami, mas maganda pa rin na iisa lamang ang iyong sexual partner upang makaiwas sa HPV na nagdudulot ng cervical cancer, at iba pang sexually transmitted infection.
-
Pakikipagtalik sa murang edad
Mataas din ang tiyansa na magkaroon ng HPV na maaaring magdulot ng cervical cancer ay kung nakipagtalik sa murang edad.
-
Pagkakaroon ng iba pang sexually transmitted infection (STI)
Ang pagkakaroon ng chlamydia, gonorrhea, syphilis and HIV/AIDS ay nakakapagpataas ng tiyansa na magkaroon ng HPV na nagdudulot ng cervical cancer sa kababaihan.
-
Mahinang resistensiya o mahinang immune system.
Isa pa sa mga matataas na tiyansa sa pagkakaroon o pag-develop ng cervical cancer ay kung ang iyong immune system ay mahina at kung mayroon ka ring iba pang health condition, at pagkakaroon ng HPV.
Mainam na kumain ng mga masusustansiyang pagkain upang lumakas ang resistensiya. Magkaroon din ng healthy lifestyle.
-
Mga naninigarilyo
Ang paninigarilyo ay associated sa squamous cell na cervical cancer. Kaya naman kung ikaw ay naninigarilyo ay itigil na ito. Para na rin sa iyong pangkabuuang kalusugan.
-
Pagkakaroon ng exposure sa miscarriage prevention drug
Kung ikaw ay isang nanay na uminom ng gamot na diethylstilbestrol (DES) habang ikaw ay buntis noong 1950’s, maaari ring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng mataas na tiyansa ng pagkakaroon ng cervical cancer. Partikular ang clear cell adenocarcinoma.
Mga sintomas at senyales ng cervical cancer
Ito ang dahilan kaya mahalagang malaman ang mga sintomas at senyales ng cervical cancer na kailangang bantayan. Naito ang ilan sa mga ito:
1. Kakaibang discharge
Unang-unang mapapansin mong sintomas at senyales ng cervical cancer ay ang kakaibang discharge na lalabas sa iyo. Ang biglang pagkakaroon ng kakaibang discharge mula sa ari ng babae na hindi nawawala ay maaaring sintomas ng cervical cancer.
Ang discharge na ito ay maaaring maputla, pink, brown, madugo, o mabaho. Kaya naman sa ganitong pagkakataon ay agad na pagpakonsulta sa iyong doktor upang malinawan sa sanhi nito.
2. Kulugo
Ang paglitaw ng maliliit na kulugo sa loob o labas may maaaring senyales ng cancer sa cervix. Ito ay dahil ang warts ay sintomas din ng HPV, na maaaring magdulot ng cervical cancer.
Kaya naman maganda rin na laging tignan o salatin ang iyong reproductive organ para kung may mapansin kang ganito ay makakapagpatingin ka agad sa iyong doktor.
3. Pagdurugo
Sa pagdevelop ng cancer, maaari itong maging sanhi ng pagtuyo at pagcrack ng uterine walls. Nagdudulot ito ng kawalan ng ginhawa at pagdurugo. Ibig din nitong sabihin ay ang di karaniwang pagdurugo ay sintomas ng cancer.
4. Anemia
Ang anemia, na maaaring dulot ng abnormal na pagdurugo sa cervix, ay maaaring senyales ng cervical cancer. Ang fatigue, kapaguran, o mabilis na pagtibok ng puso matapos ang kaunting pisikal na aktibidad ay sintomas din ng anemia.
5. Madalas na pagkakaroon ng UTI
Ang urinary problems, tulad ng UTI ay maaari ring maging sintomas. Sa pamamaga ng cervix, ang bato at pantog ay naiipit, na humaharang sa daloy ng ihi. Ito ang maaaring magdulot ng urinary problems.
Kaya naman mas mainam na kapag ikaw ay madalas na nagkakaroon ng UTI ay magpasuri na rin kung sa pagkakaroon ng cervical cancer upang agad itong mabigyan ng lunas.
6. Pananakit sa mga hita, balakang, o likod
Sa pag-develop ng cancer, maaari nitong maipit ang mga lamang loob na nagdudulot ng pananakit sa mga hita, balakang, o likod. Maaari rin itong maka-ipit ng ugat na magdudulot ng pananakit sa mga hita at ankles.
7. Biglang pagbaba ng timbang
Marami sa mga cancer ang nagpapawala ng gana sa pagkain, at hindi naliliban dito ang cervical cancer. Ang paglaki ng cervix ay maaaring maka-ipit sa tiyan na nagdudulot ng kawalan ng gana sa pagkain at mabilis na pagbaba ng timbang.
Mahalagang tandaan na kahit ang mga ito ay maaaring mga sintomas ng cancer sa cervix, tanging duktor lamang ang maaaring gumawa ng diagnosis. Kaya makakabuting kumonsulta sa duktor kung pakiramdam ay may mali sa katawan.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer?
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer, basahin ang mga sumusunod:
1. Kausapin ang iyong doktor patungkol sa HPV vaccine.
Ang pagkakaroon ng bakuna laban sa HPV infection ay makakapagpabawas ng iyong mataas na tiyansa sa pagkakaroon ng cervical cancer at ipa bang HPV related na sakit. Itanong sa iyong doktor kung kailan ka pwedeng maturukan nito o kung pwede ba ito sa iyo.
2. Laging magpa-Pap test o papsmear test
Ang paglagiang pagpapa-pap test ay maaaring makatulong sa iyo para sa makita o ma-detect ang mga precancerous na kundisyon ng iyong cervix. Sa ganitong paraan ma-monitor o magagamot agad ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer.
3. Mag-practice ng safe sex
Ang pagpa-practice ng safe sex ay makakapagpapa ng tiyansa sa pagkakaroon ng cervical cancer. Sa pamamagitan nito maiiwasan ang pagkakaroon ng HPV infection na nakukuha kadalasan sa pakikipagtalik.
Ang paggamit ng condom kada ikaw ay makikipagtalik at pagbawas ng iyong sexual partners ay makakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer.
Tandaan na mas mainam magpasuri lagi ng iyong reproductive health upang maiwasan o magamot ang agad ang mga sakit na maaaring mayroon ka. Huwag mahihiyang magtanong sa iyong doktor patungkol rito.
Sundin ang payo ng iyong doktor at magkaroon ng magandang lifestyle, dagdag pa rito kagaya nga nang nabanggit kanina ay umiwas din sa paninigarilyo at pagkakaroon ng maraming sexual partner upang maiwasan ang pagkakaroon ng HPV infection na maaaring makapagdulot ng cervical cancer.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Babala ng cervical cancer survivor, huwag balewalain ang kakaibang sintomas na ito!
- Mom's breastfeeding pain dismissed but was warning of cervical cancer
- Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”