X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Baby, ipinanganak na mayroong lumalaking bukol sa ulo

3 min read

Ang mga magulang ni MK Cruz mula sa Manila ay naghahanap ng surgeon na makakagamot sa kanilang anak. Kailangan nila ng surgeon na makakapagtanggal sa lumalaking bukol sa ulo ng kanilang 11 buwang gulang. Alamin ang kwento ni MK Cruz at ang mga sintomas ng hydrocephalus sa baby.

Pinaghihinalaan na ang bukol raw ay isang tumor

Ang 11 buwang gulang na si MK Cruz ay ipinanganak na may naipong tubig sa kanyang utak. Sa kanyang paglaki, patuloy din lumaki ang bukol sa ulo. Sa ngayon, naaapektuhan na ng laki bukol ang paningin ng bata.

Naniniwala ang mga magulang ni MK na ang bukol ay sintomas ng hydrocephalus sa baby. Ito ang disorder kung saan ang spinal fluids ay naiipon sa utak. Delikado ito dahil sa hindi pa buong bungo ng bata na nalalagyan ng pressure ng paglaki ng bukol.

Ngunit, may mga nagsasabi rin na baka hindi hydrocephalus ang kundisyon ng bata. Ang bukol kasi ni MK ay nasa isang bahagi lamang ng kanyang ulo. Patuloy din itong lumalaki kaya may mga naghihinala na ang bukol ay isa talagang tumor.

Ayon sa mga duktor, maaari pang mailigtas ang paningin ng bata kapag matanggal ang bukol sa ulo. Ganunpaman, delikado ito at walang surgeon sa bansa na makakaya ang operasyon. Inaasahan na ng mga magulang ni MK na aabutin ng ilang libong dolyares ang kakailanganin para sa bata. Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga magulang kung may duktor na maaaring pumunta sakanila para sa operasyon.

Ano ang hydrocephalus?

Ang hydrocephalus ay ang kundisyon kung saan nagkakaroon ng tubig sa bungo. Ang tubig na ito ang dahilan ng pamamaga ng utak. Maaari itong maging sanhi ng pinsala sa utak na magdudulot ng pisikal, developmental at intelektwal na kapansanan.

Kadalasan itong nangyayari sa mga bata at matatandang lagpas 60 taong gulang. Ayon sa National Institute of Neurologidal Disorders and Stroke (NINDS), 1 hanggang 2 sa bawat 1,000 pinapanganak ay may hydrocephalus. Dahil sa mga bilang na ito, nagiging kasing karaniwan na ito ng Down's syndrome.

Maaari itong makuha ng sanggol bago pa ipanganak dahil sa:

  • Birth defect na hindi nagsara ang spinal column
  • Genetic abnormality
  • Impeksiyon sa pagbubuntis tulad ng rubella

Maaari rin itong makuha ng mga sanggol, toddlers at mga bata dahil sa:

  • Impeksiyon sa central nervous system lalo na sa mga sanggol
  • Pagdurugo sa utak pagkapanganak
  • Injury na nakuha bago, habang at matapos ipanganak
  • Head trauma
  • Tumor sa central nervous system

Ano ang sintomas ng hydrocephalus sa baby?

Maaaring magdulot ng brain damage ang hydrocephalus kaya importanteng kilalanin ang mga sintomas nito. Ang mga sanggol ay maaaring may hrdrocephalus kung:

  • Bumubukol ang fontanel, ang malambot na bahagi ng bungo
  • Mabilis ang paglaki ng ulo
  • Ang mga mata ay nakapirming nakatingin pababa
  • Nakakaranas ng seizures
  • Nagpapakita ng sobrang pagkabalisa
  • Nagsusuka
  • Sobra sobra ang pagtulog
  • Hirap pakainin
  • Mababa ang tone at lakas ng muscles

 

Patuloy na umaasa ang mga magulang ni MK na makakahanap sila ng duktor na makakagamot sa kanilang anak. Patuloy silang lumalaban para maligtas ang kanilang 11 buwang gulang.

 

Source: DailyMail, Healthline

Basahin: Hydranencephaly: Sakit na nag-iwan ng malaking uka sa ulo ng isang baby

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Baby, ipinanganak na mayroong lumalaking bukol sa ulo
Share:
  • 9-month old baby na may bukol sa ari, may cancer pala

    9-month old baby na may bukol sa ari, may cancer pala

  • 12 na sintomas ng pulmonya sa baby na dapat bantayan

    12 na sintomas ng pulmonya sa baby na dapat bantayan

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 9-month old baby na may bukol sa ari, may cancer pala

    9-month old baby na may bukol sa ari, may cancer pala

  • 12 na sintomas ng pulmonya sa baby na dapat bantayan

    12 na sintomas ng pulmonya sa baby na dapat bantayan

  • Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

    Maitim na kilikili? 12 iba't ibang natural na paraan pampaputi ng kilikili

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.