May isang uri ng tinapay na masasabing complete meal kapag ito ay iyong kinain, ito’y ang Baked Siopao subukan ng lutuin ito sa easy recipe na ibabahagi namin sa inyo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sangkap sa paggawa ng Baked Siopao recipe
- Paraan ng pagluluto ng Baked Siopao recipe
Ang siopao na nakasanayan na natin ay puting kulay ng tinapay dahil sa paraan ng pagluluto rito. Ang pagpapausok o steaming. Kalimitan na nabibili sa mga convenient store, sa palengke, o sa frozen section ng mga grocery.
Sapagkat sa in demand ng siopao noon, nakaisip ang ilan sa ating mga kababayan na gumawa ng version nito na niluluto gamit ang oven. Kalaunan, sumikat ang toasted siopao at nagkaroon na ng mga stall maging sa mga mall.
Ang paggawa ng toasted siopao ay hindi naiiba sa paggawa ng tinapay. Subalit ang pinakatinapay nito ay mas matigas sa pangkaraniwan. Kaya naman, ang ituturo ko sa inyo ngayon ay ang paggawa ng Baked Siopao recipe na mas malambot at tiyak na magugustuhan ng inyong mga anak. Sundin lamang ang tamang paraan sa paggawa ng dough at pagpapaalsa ng tinapay upang maganda ang resulta ng inyong gagawing Baked Siopao.
Sangkap sa paggawa ng dough ng Baked Siopao recipe: (20 maliliit na piraso)
Larawan mula sa iStock
- 3 ⅓ tasang all purpose flour (dagdagan kung kinakailangan)
- 3 kutsaritang instant yeast
- ¼ cup sugar
- ¾ kutsaritang asin
- ¾ tasang gatas
- ½ tasang tubig
- ¼ tasang butter o margarine
- Eggwash (pinaghalong binating itlog na may kaunting tubig)
Paraan sa Paggawa ng Dough ng Baked Siopao:
- Sa isang malaking bowl, pagsama-samahin ang flour, yeast, asukal, at asin.
- Sa isang maliit na kaserola, painitin ang gatas, tubig, at butter o margarine. Palamigin ng bahagya hanggang maging maligamgam. Ihalo sa flour mixture.
- Haluing maigi. Lagyan ng flour ang lamesa o counter, ilagay ang dough at masahin sa loob ng 15 minuto. Hanggang maging elastic ang dough. Ibalik sa bowl, at takpan sa loob ng 10 minuto.
- Pagkalipas ng sampung minuto, hatiin ang dough sa 20 piraso. Ilagay ang asado filling na may slice na nilagang itlog. Siguraduhing isara mabuti ang dough bago hulmahin ng pabilog. Ilagay sa isang tray na may parchment paper at takpan at i-rest sa loob ng 30 minuto.
- Painitin ang oven ng 375 degrees Fahrenheit. Lagyan ng eggwash ang mga ulmalsang tinapay. Ipasok sa oven at lutuin sa loob ng 25 minuto.
- Hanguin sa oven at ibrush ng melted butter habang mainit para sa karagdagang linamnam. Ihain ng mainit kasama ang mainit na kape o tsokolate.
- Maaring tumagal ang nagawang Baked Siopao sa loob ng 5 araw basta siguraduhing ilagay sa loob ng refrigerator upang hindi mapanis ang palaman sa loob. Initin ulit sa oven sa loob ng 5 minuto kung nais kainin muli.
BASAHIN:
Special Pichi-pichi: Pantanggal Umay sa Nakasanayang Meryenda
Pork Sisig Recipe: Pina-healthy ang classic Kapampangan dish
Lumpiang Togue Recipe: Ang healthy spring rolls na masarap sa merienda
Sangkap sa paggawa ng Asado Filling:
Larawan mula sa iStock
- ¼ kilo ng giniling na karne ng baboy
- 4 na butil ng bawang (minced)
- 1 maliit na sibuyas (minced)
- 2 pirasong sangke (star anise)
- 1 pirasong dahon ng laurel
- 2 kutsarang oyster sauce
- 1 kutsaritang toyo
- 1 kutsaritang asukal
- paminta
- ½ kutsarang cornstarch na tinunaw sa ¼ tasang tubig (slurry)!
- 5 nilagang itlog (hatiin sa apat kada itlog)
Paraan sa pagluluto ng Asado Filling:
- Sa isang kawali, maglagay ng 1 kutsarang mantika, igisa ang bawang at sibuyas.
- Isunod na ilagay ang giniling na karne ng baboy. Igisa sa loob ng 5 minuto.
- Ilagay ang dahon ng laurel, sangke(star anise), oyster sauce, toyo, asukal, at paminta. Igisa sa loob ng 2 minuto.
- Idagdag ang slurry at iluto hanggang sa lumapot. Palamigin bago ipalaman sa dough ng Baked Siopao.
Yummy baked siopao sa ating pinadaling recipe. | Larawan mula sa iStock
Siguraduhing bago ang inyong yeast na nabili. Isa sa dahilan kung bakit hindi umalsa ng tama ang tinapay ay dahil sa kalidad ng yeast na nabili. Para malaman kung active pa ito, ilagay ang 1 kutsarita ng yeast sa maligamgam na tubig na may kinting asukal. Haluin at maghintay ng 5 minuto. Kapag bumubula pa ito. Ibig sabihin, maaari pa itong gamitin. Ang natirang yeast ay ilagay sa air-tight container o jar at ilagay sa loob ng freezer.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!