TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Baked Siopao: Mas Pinalambot ang nakasanayang Toasted Siopao

4 min read
Baked Siopao: Mas Pinalambot ang nakasanayang Toasted Siopao

Hindi ka magsisi na subukan gawin ang baked siopao recipe na ito. Sapagkat tiyak na magugustuhan ito ng buong pamilya at pwede mo ring gawing negosyo

May isang uri ng tinapay na masasabing complete meal kapag ito ay iyong kinain, ito’y ang Baked Siopao subukan ng lutuin ito sa easy recipe na ibabahagi namin sa inyo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap sa paggawa ng Baked Siopao recipe
  • Paraan ng pagluluto ng Baked Siopao recipe

Ang siopao na nakasanayan na natin ay puting kulay ng tinapay dahil sa paraan ng pagluluto rito. Ang pagpapausok o steaming. Kalimitan na nabibili sa mga convenient store, sa palengke, o sa frozen section ng mga grocery. 

Sapagkat sa in demand ng siopao noon, nakaisip ang ilan sa ating mga kababayan na gumawa ng version nito na niluluto gamit ang oven. Kalaunan, sumikat ang toasted siopao at nagkaroon na ng mga stall maging sa mga mall. 

Ang paggawa ng toasted siopao ay hindi naiiba sa paggawa ng tinapay. Subalit ang pinakatinapay nito ay mas matigas sa pangkaraniwan. Kaya naman, ang ituturo ko sa inyo ngayon ay ang paggawa ng Baked Siopao recipe na mas malambot at tiyak na magugustuhan ng inyong mga anak. Sundin lamang ang tamang paraan sa paggawa ng dough at pagpapaalsa ng tinapay upang maganda ang resulta ng inyong gagawing Baked Siopao.

 

Sangkap sa paggawa ng dough ng Baked Siopao recipe: (20 maliliit na piraso)

siopao recipe

Larawan mula sa iStock

  • 3 ⅓ tasang all purpose flour (dagdagan kung kinakailangan)
  • 3 kutsaritang instant yeast
  • ¼ cup sugar
  • ¾ kutsaritang asin
  • ¾ tasang gatas
  • ½ tasang tubig
  • ¼ tasang butter o margarine
  • Eggwash (pinaghalong binating itlog na may kaunting tubig)

 

Paraan sa Paggawa ng Dough ng Baked Siopao:

  1. Sa isang malaking bowl, pagsama-samahin ang flour, yeast, asukal, at asin.
  2. Sa isang maliit na kaserola, painitin ang gatas, tubig, at butter o margarine. Palamigin ng bahagya hanggang maging maligamgam. Ihalo sa flour mixture.
  3. Haluing maigi. Lagyan ng flour ang lamesa o counter, ilagay ang dough at masahin sa loob ng 15 minuto. Hanggang maging elastic ang dough. Ibalik sa bowl, at takpan sa loob ng 10 minuto.
  4. Pagkalipas ng sampung minuto, hatiin ang dough sa 20 piraso. Ilagay ang asado filling na may slice na nilagang itlog. Siguraduhing isara mabuti ang dough bago hulmahin ng pabilog. Ilagay sa isang tray na may parchment paper at takpan at i-rest sa loob ng 30 minuto.
  5. Painitin ang oven ng 375 degrees Fahrenheit. Lagyan ng eggwash ang mga ulmalsang tinapay. Ipasok sa oven at lutuin sa loob ng 25 minuto. 
  6. Hanguin sa oven at ibrush ng melted butter habang mainit para sa karagdagang linamnam. Ihain ng mainit kasama ang mainit na kape o tsokolate.
  7. Maaring tumagal ang nagawang Baked Siopao sa loob ng 5 araw basta siguraduhing ilagay sa loob ng refrigerator upang hindi mapanis ang palaman sa loob. Initin ulit sa oven sa loob ng 5 minuto kung nais kainin muli.

BASAHIN:

Special Pichi-pichi: Pantanggal Umay sa Nakasanayang Meryenda

Pork Sisig Recipe: Pina-healthy ang classic Kapampangan dish 

Lumpiang Togue Recipe: Ang healthy spring rolls na masarap sa merienda

Sangkap sa paggawa ng Asado Filling:

siopao recipe

Larawan mula sa iStock

  • ¼ kilo ng giniling na karne ng baboy
  • 4 na butil ng bawang (minced)
  • 1 maliit na sibuyas (minced)
  • 2 pirasong sangke (star anise)
  • 1 pirasong dahon ng laurel
  • 2 kutsarang oyster sauce
  • 1 kutsaritang toyo
  • 1 kutsaritang asukal
  • paminta
  • ½ kutsarang cornstarch na tinunaw sa ¼ tasang tubig (slurry)!
  • 5 nilagang itlog (hatiin sa apat kada itlog)

 

Paraan sa pagluluto ng Asado Filling:

  1. Sa isang kawali, maglagay ng 1 kutsarang mantika, igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Isunod na ilagay ang giniling na karne ng baboy. Igisa sa loob ng 5 minuto.
  3. Ilagay ang dahon ng laurel, sangke(star anise), oyster sauce, toyo, asukal, at paminta. Igisa sa loob ng 2 minuto.
  4. Idagdag ang slurry at iluto hanggang sa lumapot. Palamigin bago ipalaman sa dough ng Baked Siopao.
siopao recipe

Yummy baked siopao sa ating pinadaling recipe. | Larawan mula sa iStock

Siguraduhing bago ang inyong yeast na nabili. Isa sa dahilan kung bakit hindi umalsa ng tama ang tinapay ay dahil sa kalidad ng yeast na nabili. Para malaman kung active pa ito, ilagay ang 1 kutsarita ng  yeast sa maligamgam na tubig na may kinting asukal. Haluin at maghintay ng 5 minuto. Kapag bumubula pa ito. Ibig sabihin, maaari pa itong gamitin. Ang natirang yeast ay ilagay sa air-tight container o jar at ilagay sa loob ng freezer.

Partner Stories
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marisol Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Baked Siopao: Mas Pinalambot ang nakasanayang Toasted Siopao
Share:
  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

    Only 60% of Moms in the Philippines Breastfeed After Giving Birth

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko