Solenn Heussaff sa mister na si Nico Bolzico sa kanilang wedding anniversary: “After 13 years, you still make me laugh”

Alamin ang naging reaksyon ni Nico sa mensaheng ito ni Solenn sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Solenn Heussaff at husband na si Nico Bolzico nagdiwang ng kanilang 8th wedding anniversary. Si Solenn may sweet na mensahe sa mister na 13 taon niya naring karelasyon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Solenn Heussaff message to husband Nico Bolzico.
  • Wedding anniversary nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Solenn Heussaff and husband Nico Bolzico anniversary

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Nitong May 21 ay nagdiwang ng kanilang 8th wedding anniversary ang mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Ang mag-asawa may sweet na mensahe sa isa’t-isa na ipinadaan nila sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Si Solenn nagbigay tribute sa mister na si Nico at pinasalamatan ito sa mga efforts nito sa kanilang pamilya. Lalong lalo na sa pagbibigay ng pamilyang pinapangarap niya.

“4 years of dating, 1 year engaged, 8 years married. After 13 years, you still make me laugh, put effort into our everyday life, and have given me the family of my dreams and the life we had once talked about. Happy anniversary, my love @nicobolzico . Here is to 80++ more years of figuring life out together.”

Ito ang anniversary message ni Solenn Heussaff sa husband niyang si Nico Bolzico.

Si Nico may reply sa post na ito ni Solenn na nagpatawa na naman sa mga netizens.

“Not sure 80+++ but 75 for sure.”

Ito ang pabirong sagot ni Nico sa post ni Solenn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Solenn Heussaff

Wedding anniversary nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico

Sa kaniyang Instagram, ay may post rin ni Nico tungkol sa kanilang wedding anniversary. Ibinida niya naman ang ilan sa mga larawan sa kanilang kasal kung saang makikita na talagang pareho silang nag-enjoy sa special event na ito sa buhay nilang dalawa bilang ganap ng mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Exactly 8 years ago we decided that #ForeverMakesSense!”

Ito ang caption ng post ni Nico.

Ngayon, si Nico at Solenn ay may dalawang anak na sina Thylane at Maëlys.  Si Thylane ay ipinanganak noong 2020, habang si Maëlys naman ay isinilang noong 2022.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement