Bakasyon grande ang pamilya ni Solenn Heussaff sa Spain ngayon upang makilala ng anak na si Thylane ang mga magulang ng mister na si Nico Bolzico.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang bakasyon grande ng pamilya ni Solenn Heussaff sa Spain.
- Mga activities na ginagawa ng ak
Bakasyon grande ang pamilya ni Nico Bolzico at Solenn Heussaff sa Spain
Nasa Spain ngayon ang Bolz family nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff kasama ang anak na si Thylane Katana. Sa kanilang bakasyon ay naroon rin ang mga magulang ni Nico na first time nakilala at nakita ang apong si Thylane.
Makikita nga sa video na kuha ni Nico na kaniyang ibinahagi sa Instagram kung paano naging maayos ang naging pagkikita ng anak na si Thylane at Argentinian grandparents nito.
Sa kaniyang caption ay sinabi ni Nico na ito ang first time na nagkita si Thylane at kaniyang mga Abuelos o lolo at lola sa Tagalog. Ang first time nilang pagkikita ay dinescribe ni Nico na “love at first sight”.
“Meeting her Abuelos for the first time and it was love at first sight for both parties :)… Let the adventures begin!”
Ito ang caption ng post ni Nico tungkol sa pagkikita ni Thylane at kaniyang lola at lolo.
Thylane first time nakakain sa restaurant dahil sa COVID-19 pandemic
Sa Instagram story Nico ay marami pang moments na makikitang magkasundo at nag-eenjoy si Thylane sa company ng kaniyang mga grandparents.
Talaga ngang sinusulit ng mag-asawa na magkaroon ng quality time si Thylane kasama ang kaniyang mga Lola Wilma at Lolo Telmo.
Makikita ito sa mga moments na kasama ni Thylane ang kaniyang lolo habang namamasyal sa vineyard ng resort na kanilang tinutuluyan. Ang paggising niya sa mga ito sa umaga at ang mga play time nila.
Image screenshot from Nico Bolzico’s Instagram account
Samantala, sa Instagram fan account ni Thylane ay makikitang kumakain ito sa isang restaurant kasama ang kaniyang mga magulang na sina Solenn at Nico.
Kasama rin niya ang kaniyang lolo at lola. Ito daw ang first time na nakakain sa labas at isang restaurant si Thylane dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa iba pang mga post ay makikitang very happy si Thylane na namamasyal sa Spain. Sa latest post ni Solenn ay makikitang hawak kamay sila ng anak na si Thylane sa pamamasyal sa magandang syudad ng nasabing bansa. May isang video nga itong masayang nagtatatakbo sa isang pathwalk sa Spain.
“Off to discover Spain with this little bub.”
Ito ang caption ni Solenn sa kaniyang Instagram post tungkol sa pamamasyal nila sa Spain.
BASAHIN:
Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico
Nico Bolzico, ipinakita ang iba’t ibang ways para kargahin ang baby
Thylane marunong magsalita ng Spanish at French
Maririnig sa mga videos ni Thylane na ito ay nakakasabay sa salitang Spanish ng kaniyang ama at French ng kaniyang ina. Ang mga linggwaheng ito ayon kay Solenn ay naituturo nila sa anak sa pamamagitan ng pagpapanood dito ng mga TV shows na ito ang gamit na linggwahe. At syempre, maliban sa Ingles ay ito rin ang ginagamit nilang linggwahe sa pakikipag-usap sa anak.
“She hears English every day with everyone so she will learn it fast. She hears Tagalog every day at home and with family, so it will come naturally just like English. French only with me and my dad. Spanish only with Nico.”
“So I am not sure if she will identify all languages OR think all four are one. Anyways, read in many books, the more languages you expose a baby to, the better.”
Ito ang sabi ni Solenn tungkol sa anak na si Thylane na may alam na apat na linggwahe sa ngayon. Ito ay ang English, Filipino, Spanish at French.
Samantala, very happy naman ang mga celebrity friends nila Solenn at Nico. Dahil sa wakas ay nakilala na ni Thylane ang kaniyang mga grandparents. Hiling nila sana ay ma-enjoy ni Thylane at ng buong pamilya ang bakasyon at pamamasyal nila sa Spain.
Photo: