Labis naman talagang nakaka-stress ang pagiging parent, what more kung tinataguyod mo ang anak nang mag-isa. Para sa mga experts, narito ang ilang ways to beat the solo parent burnout.
Mababasa sa artikulong ito:
- Stress na sa kids? 5 Ways to beat solo parent burnout
Stress na sa kids? 5 Ways to beat solo parent burnout
Kakaibang work nga naman ang pagiging magulang, wala itong sahod at labis na stress ang maaaring ibigay sa iyo. Mas malala pa ito kung ikaw ay isang single parent o solo parent, dahil kailangan mo silang alagaan while also working.
Parami raw nang parami ang bilang ng mga magulang na nagiging single moms, dads, or even grandparents na nag-aalaga ng bata nang mag-isa. Ayon sa survey ng experts, kakaibang stress daw ang kinahaharap ng ,ga single parents na sa tingin nila ay malaking factor upang makaramdam sila ng labis na exhaustion.
Marami kasi ang kailangang kaharapin ng single parent lalo at mas mabigat ang pressure para sa kanila. Normal na makaramdama sila ng parenting anxieties from time to time dahil iniisip nila kung napapalaki ba nila nang tama ang mga ito. Kasabay pa diyan ang pagsasabay-sabay na roles na kailangan nilang gampanan kung saan both sila ang tatay at nanay sa sariling anak.
Ilan sa mga type ng stress na nararanasan ng isang solo parent ay ang mga sumusunod:
Kakulangan ng social support
Kapag single parent ka, mas maraming time ang kailangan mong ilaan sa pag-aalaga sa iyong anak. Kaya nagkakaroon ng feelings of isolation ang mga solo parent. Kinakain kasi ng mga pag-aalaga ang mga free time mo na dapat ay nailalaan mo ito sa pakikipagkaibigan o pakikipagsalamuha sa iba pang parents, friends, or adults.
Malaking factor ito upang makaramdam ang solo parent ng loneliness at depression.
Pagma-manage ng custody arrangements
Kadalasan namang itsura ng single parenting ay ang paghahati sa dating karelasyon ng responsibilities para sa bata. Mas mahirap na i-manage ang time at paghahati sa mga dapat gawin dahil kailangan parating mag-compromise o kaya naman minsan ay magkuwestiyon sa role na ginagampanan ninyo sa isa’t isa.
Pag-iisip parati sa usapin tungkol sa finances
Karaniwang eksena sa single parenting ang problema sa finances. Parati kasing nangyayari na kung nakaninong poder ang bata ay doon naman ang mas malaking burden sa finance. Nakita rin sa ilang pag-aaral na ang mga solo parent ang kadalasang mas mataas ang risk na kumaharap sa financial hardships.
Para sa experts, maaari raw makapagpataas ito ng feelings of isolation, depression at anxiety.
Sa kabila ng epektong ito, pinag-aralan din ng experts ang ilang mga ways na maaaring i-try ng solo parent upang ma-manage nila nang maayos ang stress na dala ng pagkakaroon ng burnout. Narito ang mga sumusunod na paraan:
- Bigyan ng “me time” ang sarili. Kahit sino naman need ang “me time” kung saan ipa-pamper ang sarili after a stressful day or happenings. Maaaring ipabantay muna ang bata sa pinagkakatiwalaang kaibigan o kapamilya at hayaang i-date ang sarili. Pwedeng i-enjoy muna ang mga bagay na dati ay ginagawa mo tulad ng hobbies na nakakapagpasaya sa iyo.
- Iwasang makaramdam ng guilt sa tuwing nag-eenjoy nang wala ang anak. Isa talaga sa struggle ng parents ang humanap ng time na magsaya nang hindi nagi-guilty sa tuwing naiiwanan ang anak. Kailangan kasing balance pa rin ang fulfillment both sa pagiging parent at as a person din.
- Huwag magkaroon ng negative self-talk. Nakakawala ng confidence ang sunod-sunod na mag-uundermine ng isang solo parent sa kanyang sarili. Kadalasan daw kasing ang solo parents ang mas nagpo-focus sa attention ng negative information pagdating sa parenting.
Kaya nga dapat sinusubukang i-convert sa positive talk ang bawat negative na bagay upang malessen din ang stress na iniisip.
- Magbuild ng support system. Magandang way na mayroong support system, lalo na ang single parents. Maaaring humanap ng paraan upang makabilang sa grupo ng tao na mayroong same struggle with you. Sa ganitong way, mayroong makakatulong o makakapag share ng kanilang experience kung paano nila nalagpasan ito.
- Pumili ng healthy lifestyle. Magandang nagsisimula na i-manage ang stress sa pagkakaroon ng healthy na lifestyle. Kinakailangan na bigyang effort ang sarili na makatulog nang maayos, makakakain, at maging active. Ang pagkakaroon ng healthy na lifestyle ay pag-aalaga rin sa iyong sarili.