Nang nagkaroon ako ng depresyon noong buntis ako sa aking panganay, paminsan-minsan ay sumasagi sa isip kung ano ang solusyon dito. Pitong taon na ang nakakalipas simula ng pagdaanan ko ito. Hindi ko naman siya lagi naiisip ngayon pero naaalala ko pa ang mga malalang sintomas na naranasan ko na sobrang nakakahiya.
Katulad na lamang noong pasakay ako ng tren. Hindi ako nakasakay agad dahil takot na takot ako. Inabot ng ilang oras ang pagkatakot ko na baka pagsakay ko ng train. bigla na lamang may teroristang aatake sa amin.
“Naalala ko pa ang nakakahiyang nangyari sa’kin noong may prenatal depression ako.”
Pagkatapos nito, nagsulat ako ng series tungkol sa prenatal depression. Dito ko tinalakay ang rason kung bakit mahirap bumalik sa pag-inom ng antidepressants bago ako mag 2nd trimester. Sa pagkakataong iyon, hindi ko namalayan na may dalawa akong risk factor sa depresyon habang ako’y buntis. Una, ang nakaraang clinical depression ko at ang pagtigil kong uminom ng antidepressants para mag-conceive. Nang magbuntis ako sa pangalawang pagkakataon, nagdesisyon akong regular na uminom ng 10 milligrams ng Prozac habang ako’y nagbubuntis.
Ayon kay Dr. Pooja Lakshmin, isang clinical assistant professor ng psychiatry sa George Washington University School of Medicine na, “It’s a risk-risk question, because either side you fall on comes with some risk.”
Dagdag pa nito na,
“Untreated depression and anxiety has profound effects on Mom, the baby and the whole family.”
Mayroong risk sa preterm birth at low birth weight ang mga hindi nagagamot na prenatal depression. Kabilang na dito ang paggamit ng S.S.R.I. habang buntis.
BASAHIN:
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
Ano ang postpartum preeclampsia? Mga mahalagang impormasyon tungkol dito
6 na hindi dapat sinasabi sa mga ina na nakakaranas ng postpartum depression
Hindi ko pa rin maiwasang mahiya kapag naaalala ko ang depression na naranasan ko dati kahit na healthy kong ipinanganak ang dalawa kong anak. Ngunit sa pagdiriwang ng World Maternal Mental Health Day, alam kong makakatulong ang aking confession. Isa sa limang babae ang nakakaranas ng perinatal mood at anxiety disorder. Kabilang na rito ang prenatal/postpartum anxiety, psychosis at depression.
Ano ang solusyon sa depresyon ng buntis?
Sa tulong ni Dr. Lakshmin at Dr. Samantha Meltzer-Brody, founder at director ng Univeristy of North Carolina Perinatal Psychiatry Program, tinanong ko sila kung ano ang solusyon sa depresyon ng buntis. Narito ang kanilang tips.
1. Alamin ang risk factor ng prenatal depression
Ayon kay Dr Meltzer-Brody, hindi lang dapat tandaan na risk factor ang history ng mental illness sa prenatal depression. Ang ibang risk factor ay maaaring makuha sa sexual abuse, kakulangan ng suporta at pagiging mahirap.
“There’s evidence that hormone sensitivity in women during the reproductive life cycle makes some women vulnerable”
Mayroon pang isang hormonal component na ang mga babae’y mayroong history ng premenstrual dysphoric disorder. Malalang anxiety o depression bago ang period.
2. Planuhin mag-conceive kung ikaw ay may history
Ayon kay Dr. Lakshmin, kung handa ka nang mabuntis, kausapin ang iyong psychiatrist para sa pagpaplano. Kinakailangan mo ng suporta habang ika’y buntis. Isa sa kailangang tandaan ay kung gaano kalala ang magiging sakit mo. Kung ika’y naging suicidal sa gitna ng medication, kinakailangan mong hindi itigil ang paggamot.
3. Kung plano mong itigil ang iyong medication para mag-conceive
Ayon kay Dr. Lakshmin, kung plano mong itigil ang iyong medication para mag-conceive, gawin ito ng dalawa hanggang tatlong buwan bago subukan. Sa paraang ito, makikita mo kung anong resulta kapag wala kang gamot na iniinom. Kailangan mong planuhin ang medication sa tulong ng iyong psychiatrist.
Bukod pa rito, kailangan mo ng maraming suporta katulad ng pagbisita ng regular sa iyong therapist, pag-yoga o pagkausap ng madalas sa kamag-anak o kaibigan.
4. Humingi ng tulong
Kung patuloy pa rin ang pagpapakita ng iyong sintomas sa anxiety at depression, ‘wag kakalimutang humingi ng tulong. Hindi agad-agad na maalis ang anxiety o depression sa pabubuntis lalo na kung ito ay hindi nagagamot. Ito’y isang risk factor ng postpartum depression.
Dagdag pa ni Dr. Meltzer-Brody na kung ikaw ay nakakaranas ng unstable na mood sa kahit ano mang trimester, kinakailangan mong humingi ng tulong sa eksperto. Pasok rito ang mild hanggang moderate na anxiety at depression ng buntis.
“I’m Embarrassed by My Prenatal Depression. Here’s Why I Talk About It Anyway.” by Jessica Grose © 2020 The New York Times Company
This story was originally published on 30 April 2019 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano