Baby, isinilid sa freezer nang mahigit 30 na taon

Baby, isinilid sa freezer nang mahigit 30 na taon

Narito ang kwento ng isang ina na itinago ang bangkay ng kaniyang sanggol sa loob ng isang freezer ng higit sa 30 taon. At alamin ang mga tips para matulungan ang sarili sa pagcocope-up sa pagkawala ng iyong baby.

Isang stillborn baby ang diumano’y itinago ng isang ina sa loob freezer ng mahigit 3 dekada. Natuklasan ito ng kaniyang 37-anyos na anak ang kaniyang sikreto matapos niyang pumanaw, at naisipan ng kaniyang anak na silipin kung ano talaga ang laman ng misteryosong kahon.

stillborn baby

Image from The Washington Post

Sikreto ng isang ina

Gulat na gulat si Adam Smith ng malaman kung ano ang laman ng cardboard box na itinago ng pumanaw na ina sa loob ng kanilang freezer ng mahigit na 30 taon.

Ayon kay Adam, mula pagkabata ay naging malaking tanong na sa kaniya kung ano ang laman nito. Lalo pa’t ayaw daw pag-usapan ng ina ang tungkol dito noong ito ay nabubuhay pa. Nag-iisa lang daw ang paliwanag ng ina tungkol dito na lagi siyang pinapatigil sa tuwing siya ay magtatanong pa.

“I’m 37, and it has been in my freezer for 37 years and I was always told it was a wedding cake top”, pahayag ni Adam sa isang report.

Nang pumanaw ang ina nito lamang Hulyo 25 ay hindi na nga napigilan ni Adam na alamin kung ano nga ba ang laman ng mysterious box na ito sa kanilang freezer. At hindi niya akalaing imbis na masasagot ang tanong niya ay mas madadagdagan pa pala ito ng mga tanong na tanging ang ina niya lang ang makakasagot.

Stillborn baby na itinago sa freezer

Sa kwento ni Adam ay nililinis niya ang apartment na tinitirhan ng ina sa St. Louis ng tumambad sa kaniya ang pamilyar na box nito. Mula pagkabata ay hindi daw nakaligtaang dalhin ng ina sa kada freezer ng kanilang nililipatang bahay ang box na ito. Kaya naman dahil sa pumanaw na ito sa sakit na lung cancer kamakailan lang, inisip ni Adam na ito na ang tamang pagkakataon na malaman kung ano nga ba talaga ang laman ng misteryosong lalagyan.

Nang mailabas sa freezer ay gumamit si Adam ng kutsilyo para mabuksan ang frozen ng cardboard box. Una niya daw nakita ang kulay pink na kumot na kung saan habang kaniyang binubuksan ay nakakaramdam siya ng mga paa. At nang tuluyang mabuksan ay tumambad sa kaniya ang isang mummified na baby na hindi niya lubos na inaakala.

“It still had skin, hair and everything. It was mummified. “The baby looked clean. There was no blood on it, looked like a newborn baby”, pagkwekwento ni Adam.

“Finding this, I’m more like confused, angry. I just want to find closure. I want to know more answers”, dagdag pa niya.

Imbestigasyon sa stillborn baby na nasa loob ng freezer

Dahil sa magkahalong emosyon ay agad na tinawag ni Adam ang mga pulis para mai-report ang kaniyang natuklasan.

Itinuturing ng mga pulis na “suspicious death” ang pagkamatay ng baby na itinago sa loob ng freezer. Kaya naman kumuha ng DNA sample mula sa bangkay ng baby at ini-autopsy narin ito.

Mas dumami ang tanong ni Adam, dahil ikinatatakot niya na maaring may ginawa ang ina sa itinagong baby dahil kahit daw sa pagkamatay nito ay pinili niya itong i-sikreto.

Ngunit mula sa isang kamag-anak kamakailan lang ay may napag-alaman si Adam. Nanganak daw noon ang kaniyang ina ng kambal na kung saan ang isa rito ay stillborn baby at ang isa naman ay ipinaampon.

Dito naalala ni Adam na minsan na ngang naikwento ng ina na namatayan daw ito ng anak ng minsan siya ay magsilang.

Sa ngayon ay hinihintay niya ang resulta ng autopsy report para mas malinawagan sa totoong nangyari sa pinaniniwalaang stillborn baby na itinago ng ina. Na sa tantiya umano ni Adam kung ipinanganak bago siya, ay nasa higit 40years ng itinatago ng ina sa freezer nila.

Mula sa naging karanasan ng ina ni Adam ay mukhang hindi natanggap nito ang maagang pagkawala ng kaniyang sanggol. Kaya naman para hindi tuluyang malayo rito ay itinago niya ito sa ganoong paraan. Ngunit, paano nga ba dahang-dahang matatanggap ng isang ina ang pagkawala ng kaniyang baby? Narito ang ilang tips na maaring gawin para malampasan ng isang ina ang malungkot na yugto na ito ng kaniyang buhay.

5 Tips para makacope-up sa pagkawala ng iyong baby

1. Hayaan ang iyong sarili na ilabas ang nararamdamang pagluluksa sa paraang makakaginhawa ngunit ligtas para sa iyo. Maaring ito ay sa pamamagitan ng pag-iyak o paggawa ng ilang meaningful task.

2. Huwag madaliin ang iyong sarili sa pagcocope-up sa naranasang pagkawala ng iyong baby. Normal lang na tumagal ito lalo pa’t ito ay dumadaan sa isang masalimuot na proseso. Subukang mamuhay ng tulad ng dati. At sa pagdahon ng panahon, unti-unti ay maghihilom din ang sugat na dulot ng pagkawala ng iyong baby.

3. Isaisip na ang iyong kalungkutan ay natural na expression lang dahil sa parenting bond na mayroon kayo noong siya ay pinagbubuntis mo pa lang. Ang pag-aalala at pagkukwento sa mga karanasan kasama ang iyong baby ay makakatulong para mas mapagaan ang iyong nararamdaman.

4. Hayaan ang iyong sarili na gawin ang mga bagay na magpaparamdam sayo na malapit ka parin sa iyong baby. Ito man ay sa pamamagitan ng pagbisita sa kaniya sa sementeryo, pagtingin sa kaniyang larawan, pag-ayos ng kaniyang mga damit, o paggawa ng scrapbook ng mga naiwan niyang alaala.

5. Gawin ang mga bagay na tingin mo ay makakatulong sayo tulad ng sumusunod:

  • Hingin ang guidance ng ibang magulang na dumaan sa pareho mong sitwasyon.
  • Sumama sa isang support group ng mga magulang na makakaintindi sa pinagdaraanan mo.
  • Makipag-usap sa isang counselor o therapist na i-acknowledge ang iyong feelings at magbibigay ng iba pang coping skills.
  • Mag-engage sa mga mindfulness practices tulad ng meditation, yoga at tai chi na makakatulong sa iyong pagod na isip at katawan.
  • Maging compassionate at alagaan parin ang iyong sarili. Kumain ng mga masustansiyang pagkain at panatilihing malusog ang katawan. Dahil kailangan mo ng lakas para malampasan ang mahirap na yugto ng ito ng iyong buhay.
  • Magsulat ng liham sa mga taong gusto mong kausapin. Hindi para ibigay sa kanila ngunit para mailabas ang iyong nararamdaman.
  • Magbasa ng mga libro na makakatulong sa iyong pagmomove-on.
  • Maging active sa sports o mag-engage sa mga creative endeavors. Ito ay para mailabas aang emotion o tension na dulot ng iyong pagluluksa.
  • Magdasal sa Panginoon.
  • Tingnan ang ang positive side ng buhay.At isiping ang malampasan ang mahirap na yugto na ito ng iyong buhay ay siguradong ikakatuwa ng iyong baby.

Tandaan ang pagluluksa ay normal lang. At hindi lang ikaw ang nag-iisang tao sa mundo na nakakaramdam nito. Malalagpasan mo rin yan. Kailangan mo lang maniwala sa sarili mo na kaya mo.

 

Source: CNN, The Washington Post, Psychology Today

Photo: Freepik

Basahin: Isang liham mula sa isang ina na namatayan ng dalawang babies

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner