Story about undying love — ‘yan ang kuwento ng mga magulang ni Aly Mendoza. Na kahit pumanaw na ay nagawa pa ring maghanda ng surpresa para sa kanyang partner.
Story about undying love
Sa kanyang post, ikinuwento niya kung paano sinurpresa ng kanyang pumanaw na ama ang kanyang ina noong 25th anniversary nila kahit na namatay na ito noong August 2019.
Laking gulat daw niya noong nakatanggap siya ng email mula sa kanyang pumanaw na ama.
“Who wouldn’t be scared to get and open an email from someone who passed away 10 months ago, plus it was 3:00AM and I was finishing requirements and I was the only one awake in our whole house.”
Narito naman ang laman ng e-mail na kanyang natanggap:
Saka niya na-realize na ito pala ay isang scheduled email na naglalaman ng instructions mula sa kanyang ama para masurpresa ang kanyang ina sa kanilang silver anniversary.
“The e-mail contained instructions for me for their anniversary celebration this year. Apparently before my dad passed away, he planned everything. He even contacted and paid for a florist to deliver flowers to my mom for the coming years on every special occasion.”
Ang instruction sa kanya ng ama, mayroon ng florist na na-contact upang mag-deliver ng mga bulaklak. Kailangan na lamang niyang mag-pick up ng pagkain na gusto ng kanyang ina. Mukhang hindi talaga inaaasahan ang pagpanaw ng kanyang ama dahil kahit mayroon na itong kondisyon noong sinulat niya ang e-mail, umaasa pa rin itong aabot siya sa silver anniversary nila.
Gayunpaman, makikita na pinagplanuhan nang maigi ng kanyang ama itong selebrasyon na ito. Nakakalungkot mang isipin ay isa pa rin itong napakagandang paraan upang magpakita ng pagmamahal. Kaya nga ito isang story about undying love. Dahil kahit na sumakabilang buhay na ang ama ni Aly ay naisipan niya pa rin itong magawan nang paraan.
“Of course my mom cried because she misses the love of her life but I could see how happy everything made her because she knew that everything was planned by my dad.”
Ang kanyang ama ay namatay noong nakaraang taon dahil sa chronic kidney disease at heart disease. Sa katunayan ay nakaplano na ang trip nila pa-Jerusalem para mag-renew ng vows ngayong taon, ngunit hindi na nga ito natuloy.
Kuwento pa ni Aly, mahilig daw talaga sa surprises ang kanyang ama. May mga pagkakataon pa nga na bigla na lang silang susurpresahin nito.
“I knew how my dad was and he really surprised me and my mom at the most random times with the most random things I just didn’t expect that even at death, he would still do something like this.”
Ngunit hindi raw niya inaasahang kahit sa kabilang buhay ay magagawa niya pa rin ito.
“Apparently before my dad passed away 10 months ago, he planned everything, he even contacted and paid for a florist to deliver flowers to my mom for the coming years on every special occasion, my mom’s birthday (August 19), Valentine’s Day, and their anniversary (June 10).
Day of the surprise
Bilang paghahanda sa surprise na pinlano ng kanyang ama, nag-set up daw siya mula 11 ng gabi hanggang 5 ng umaga. Iyong mga bulaklak daw ay mismong tatay niya ang namili. White at pink roses dahil alam niyang ito ang paborito ng kanyang asawa.
Kuwento pa ni Aly, sinigurado niyang hindi makakahalata ang kanyang ina kaya naman nagsimula siyang mag-set up noong tulog na ito hanggang umaga bago magising ang kanyang ina.
Bagama’t wala siyang tulog noon, nakita naman daw niya ang saya ng kanyang ina at kaagad nitong naintindihan na galing ito sa kanyang asawa.
“Not even death could stop my dad from loving my mom and showing her how much she meant to him.”
Hindi raw inaasahan ni Aly na magva-viral ang post niya tungkol dito. Ginusto niya lang talaga itong i-share dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Bilib daw talaga siya sa kanyang ama dahil bata pa lamang siya ay kitang-kita na niya ang malalim na pagmamahalan ng mga magulang niya.
Source:
Philippine Star
PEP
Basahin:
8 Pieces of relationship advice from celebrity moms
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!