5 Filipino celebrity married couple na going strong parin ang pagsasama nitong 2023

Ano ang mga sikreto nila? Alamin dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang 5 strong married Filipino celebrity couple na nanatiling matatag at masaya ang pagsasama sa pagdaan ng panahon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • 5 strong married Filipino celebrity couple.
  • Sikreto ng kanilang pagsasama.

5 strong married Filipino celebrity couple

  1. Dingdong Dantes at Marian Rivera

Larawan mula sa Facebook account ni Dingdong Dantes

Nangunguna syempre sa listahan ng mga strong married Filipino celebrity couple ng 2023 ay walang iba kung hindi ang mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nitong darating na December 30 nga ay magdidiwang sila ng 9th anniversary nila bilang mag-asawa.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Marian ang sikreto ng kanilang pagsasama ni Dingdong. Maliban sa pagsuporta sa bawat isa, hindi daw nila hinahayaan na patagalin pa ang problema. At kung may nasa sentro ng pagsasama nila, walang iba ito kung hindi ang Panginoon.

“Sa amin ni Dong, hindi kami natutulog na hindi maayos ang lahat. We have heart-to-heart talks. And He should be the center of your relationship. Because whatever plans you make, Siya pa rin ang masusunod. He is still our Master.”

Ito ang sabi pa ni Marian.

  1. Pauleen Luna at Vic Sotto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Going strong rin ang pagsasama ni Pauleen Luna at Vic Sotto. Sa katunayan nitong buwan ng Nobyembre ay nag-celebrate sila ng kanilang 12th year anniversary bilang magkarelasyon. Si Pauleen ipinagbubuntis rin ang second baby nila ni Vic.

Pagdating sa sikreto ng kanilang strong and happy marriage sa kabila ng kanilang 34-year age gap, ayon kay Pauleen nangunguna rito ang respeto sa isa’t-isa at pagkakaroon nila ng open communication.

  1. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Larawan mula sa Instagram ni Judy Ann Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin natitinag sa pagdaan ng panahon ang pagsasama nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nitong taon ay nagdiwang sila ng kanilang 14th wedding anniversary.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Judy Ann na ang pagkakaroon ng maayos na tulog ang isa sa mga dahilan ng matatag nilang pagsasama. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagsisiguro ng may kaniya-kaniya silang kumot gabi-gabi.

“Kasi ‘pag magka-share kami ng kumot, naaagawan ko siya ng kumot. Tapos, aagawin niya sa ‘kin, magigising ako. So, sira na ‘yung tulog namin. Pag gising namin, bad trip na kami pareho.”

Ito ang pagbabahagi ni Judy Ann sa isang panayam na dinagdag pa ng napakahalaga rin ng pagkakaroon ng open communication sa isang pagsasama.

  1. Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Solenn Heussaff

Hinahangaan rin ng marami ang kwelang pagsasama nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Nitong Mayo ay nagdiwang sila ng kanilang 7th anniversary bilang mag-asawa. Bagamat kapwa nila nakakalimutan ang kanilang anniversary nitong mga nagdaang taon ay makikitang walang nagbago sa pagmamahalan ng dalawa. Bagamat si Nico aminadong presidente siya ng “bullied husbands club” at tinatawag niya si Solenn bilang “wifezilla”.

Pagbabahagi nga ni Nico sa sikreto ng pagsasama nila ni Solenn, ito ay ang pagsisiguro na lagi niya itong napapatawa.

“When she is out of your league, make sure you make her laugh as much as possible; that way she will keep her eyes close most of the time! So far it is working for me!”

Ito ang sabi pa ni Nico.

  1. Anne Curtis and Erwan Heussaff

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Anne Curtis

Sila Anne at Erwan naman ay masaya sa anim na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Lalo pa’t mas pinapakulay ng kanilang anak na si Dahlia ang mga buhay nila.

Nang matanong si Anne sa sikreto ng happy marriage nila ni Erwan, pagbabahagi niya malaking bagay ang pagbibigay nila ng space sa isa’t-isa. Binibigyan nila ang isa’t-isa ng freedom na gawin ang mga bagay na hilig nila. At higit sa lahat ang mag-excel sa linya o expertise na mayroon sila sa career man ito o personal nilang buhay.

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement