Rason kung bakit hindi magandang laging suhulan ang anak para mapasunod siya ayon sa mga experts

Alam niyo ba ang pagbibigay ng suhol sa bata bata para mapasunod siya ay maaaring magkaroon ng masamang epekto? Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa paglalaro ng bata, hindi lang dapat pampalipas oras ang purpose nito. Hindi lang din dapat dagdag knowledge ang benefits na bibit ng mga laruan. Mahalaga rin ang responsibilidad na kaakibat nito.

Minsan kapag gusto natin sila mapasunod ay sinusuhulan natin sila, alamin kung bakit hindi maganda ang pagbibigay ng suhol sa bata para mapasunod natin siya. 

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Study: Dahilan kung bakit hindi magandang suhulan ang anak para mapasunod siya
  • 5 tips para maging effective ang pag-uutos sa inyong kids na hindi laging binibigyan ng suhol

Study: Dahilan kung bakit hindi magandang suhulan ang anak para mapasunod siya

Photo by cottonbro

Esensyal na parte ng pagkabata ang paglalaro. Pampalipas oras at nagbibigay aliw kasi ito sa kanila lalo’t mayroon silang maiksing attention span. Bukod pa dito, maraming laruan ay may dalang mga benepisyo.

Ang ilan ay nakatutulong sa mental, pisikal at maging emosyunal. Isa sa mahalagang makita rin sa paglalaro ay ang pagdadala ng responsibilidad na nakakabit dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan mo na rin bang naranasan na hirap kang utusan ang anak kahit sa pagliligpit ng laruan? Halimbawa ay sinubukan mo siyang sabihan ng, “Anak pwede bang iligpit mo naman ang mga laruan mo?” Sa kabila nito ay matigas niya pa ring tinanggihan ang pagliligpit.

Sinubukan mo na bang bigyan ang bata ng suhol para sa mga bagay na gusto mong ipagawa sa kaniya? Napansin mo bang ginawa niya ang iyong inuutos matapos mong mag-offer nito?

Isa ang pagbibigay ng suhol o premyo sa maling paraan sa pag-utos sa bata. Maaaring magbigay ito ng positibong resulta sa ilang pagkakataon, ngunit mahirap ito kung masasanay na. Nauuwi kasi na trained na ang bata na bago pa man niya gawin ang isang bagay ay dapat parating may papremyo muna.

Sa ganitong paraan, hindi responsibilidad ang naituturo sa kanya. Palagi na lang siya aasa na kailangang may reward ang dapat tungkulin na ginagampanan naman na niya dapat. Kumbaga ay hindi niya gagawin kung walang kapalit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

Matatakuting bata ang anak? Subukan ang 5 tips na ito para sa kanya

4 basic anger expressions para matulungan na i-manage ang galit ng bata

5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro

5 tips para maging effective ang pag-uutos sa bata na hindi laging binibigyan ng suhol

Tunay nga namang napakahirap utusan ng mga bata. Kung minsan ay nagmamatigas o kaya naman ay nang-iisnob na lang. Sa kabila nito, responsibilidad ng parents na turuan sila ng tamang responsibilidad kaakibat ng kanilang gawain. Inilista namin ang ilan sa mga tips para mas maging effective ang pag-uutos sa inyong sa bata kahit walang suhol. 

1. Magbigay ng paliwanag kung bakit sila inuutusan

Magandang nagbibigay ng dahilan kung bakit mo pinapagawa ang isang bagay. Paraan ito para hindi nila maramdaman na sila ay pinahihirapan mo lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa maaaring sabihin na, “Anak, pwede mo bang iligpit ang mga laruan mong ito para hindi masira. Para rin hindi madulas ang mga kapatid mo kung sakaling matapakan.”

2. Mag-isip kung paano ito gagawing laro

Mahilig sa laro ang bata, kaya nga magandang gawin itong paraan upang sila ay gumawa ng gawaing bahay. Maaaring mag-isip ng iba’t ibang laro na nakakabit sa pagliligpit ng kanilang mga laruan. Mas naaaliw at nagiging masigla kasi sila sa ganitong uri ng approach.

Halimbawa ay sabihan mo silang paunahan kayo magligpit ng mga laruan. Sa iyo ay ang mga hugis bilog at sa kanya naman ay ang mga hugis parisukat.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Mag-offer ng isa pang activity

Para maengganyo siyang magligpit pwede kang mag-offer ng isa pang activity. Imbes na premyo tulad ng bagong laruan o ice cream, mas magandang activity na lang na maaaring mag-benefit sa kanya. Dito ay pareho kayong nanalo dahil naturuan mo na siyang maging responsable natututo pa siya ng panibagong bagay.

Halimbawa, pwedeng sabihin sa kanyang kung ililigpit niya ang mga laruan niya ay magpapraktis kayong sumulat at magbasa.

4. Be a role model for your kids

Madalas ginagaya ng mga bata ang mga matatanda, lalo na ang mga parents. Nakatutulong na nakikita nila na parating ginagawa ng kanilang mommy at daddy na magligpit at maging organize. Sa ganitong paraan, hindi na nagiging mabigat na responsibilidad na lang ang pagliligpit.

Halimbawa ay ipakita sa kanila na ikaw ay nagliligpit ng sarili mong damit. Maaaring sabihin na, “Anak, magliligpit si Nanay ng mga damit ko kasi dapat marunong tayo magligpit ng sariling gamit.”

5. Bigyan sila ng papuri sa mga ginagawa

Tulad ng mga matatanda, natutuwa rin ang bata sa tuwing makatatanggap ng papuri. Mas nae-engganyo silang gawin ang isang bagay dahil alam nilang may mapapasaya sila lalo na kung ang kanilang parents. Magandang epekto sa kanila kung nabibigyan ng mommy at daddy ng validation ang task na natapos nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa ay purihin sila sa tuwing ginagawa nila ang inyong inutos. Maaaring sabihin na, “Salamat anak, nagustuhan ko kung paano mo iniligpit at inayos ang iyong mga laruan.”

Sinulat ni

Ange Villanueva