Summer na, mainit na ang panahon at walang pasok ang mga bata. Karamihan sa mga bata ay nananatili sa bahay, nanonood ng TV at naglalaro ng mga video games. Bakit hindi sila bigyan ng masasayang summer activities na magpapalago sa kanilang mga kaalaman at talento? Ito ang ilang listahan ng Summer Activities 2019.
Promil Four’s i-Shine Talent Camp
Bukas para sa mga batang may edad 6 hanggang 11 na taong gulang, ang Promil Four ay naghahandog ng summer activities na tutulong na matuklasan ng mga bata ang kanilang angking talento. Mayroon silang art, music, dance, theater at ballet. Bawat larangan ay magkaka-iba ang lugar at presyo na nagmumula sa Php 5,000 hanggang Php 8,500 para sa summer camp na tumatagal mula 8 hanggang 9 na araw.
Para sa karagdagang impormasyon: Promil
Review, Enhance, Advance at Galileo
Para sa mga bata na gustong ituloy-tuloy ang pagtuto sa math at english, nandito ang Galileo para magbigay ng kanilang summer activities. Ito ay bukas para sa mga bata mula 3 hanggang 12 na taong gulang sa Galileo Salcedo Center sa Makati. Nagkaka-halaga ng Php 2,000 bawat bata para sa isang buwan.
Para sa karagdagang impormasyon: Galileo
Bath Bomb Making
Para sa mga bata na nais matuto ng kakaiba na may edad 5 hanggang 16 na taong gulang, nandito ang summer activity na Bath Bomb Making ng Frances Bath and Body. Maaaring magpunta ang mga bata sa April 24 o May 4 sa Art Bar sa Alabang Town Center para sumali. Ang kanilang regular walk-in fee ay nagkakahalagang Php 1,400.
Para sa karagdagang impormasyon: Manila For Kids
One Two Step Season 4
Ang mga nais matuto ng Bollywood at Hip hop ay siguradong matutuwa sa summer activity na hatid ng One Two Step. Sa pagtuturo ni Ankit Tanna ng Dubai, ang mga batang may edad 4 hanggang 18 na taong gulang ay maaaring sumali at sumayaw. Sa halagang Php 3,800, maaaring matuto ng mga bagong steps sa iba’t ibang kanta ang mga bata na mahilig sumayaw.
Para sa karagdagang impormasyon: One Two Step
The Learning Library Summer Workshops
Iniimbita ng The Learning Library ang mga bata na sumali sa kanilang summer activities para sa mga mahilig sa panitikan. Bukas para sa mga batang may edad 3 hanggang 16, iba’t ibang workshop ang maaaaring salihan na handog sa kanilang 12 na branches.
Para sa karagdagang impormasyon: Learning Libraries
Beach Hut Football Club Girls Academy Summer Camp 2019
Ang mga kababaihan na nais maglaro ng football ay may summer activity rin na siguradong ikatutuwa nila. Hatid ng Beach Hut Football Club ang kanilang Girls Academy Summer Camp 2019. Tumatanggap sila ng mga bata mula 7 hanggang 17 na taong gulang. Maaari silang lumahok sa Circulo Verde Football Field para sa halagang Php 8,400.
Para sa karagdagang impormasyon: Beach Hut
McDonald’s Kiddie Crew Workshop
Ang McDonald’s din ay may summer activities na bukas para sa mga batang may edad 4 hanggang 12 na taong gulang na nais sumali sa kanilang Kiddie Crew. Ito ay taon taon na hinahandog ng McDonald’s mula pa noong 1991 para sa mga batang nais tumaas ang kumpiyansa sa sarili, lumawak ang kaisipan, at malaman ang halaga ng pagtra-trabaho ng maigi, disiplina, pagtutulungan, pagbabahagi at responsibilidad. Sa halagang Php 595 hanggang Php 695, maaari nang malaman ng mga bata kung anu-ano ang mga nangyayari sa likod ng counter.
Para sa karagdagang impormasyon: Mc Donald’s
Brain Rx Soar High
Ang Soar High ay summer activity na hatid ng Brain Rx para sa mga nais pabutihin ang kanilang focus memory reading. Handog ito para sa mga may edad 7 taong gulang pataas, iba’t ibang page-ehersisiyo sa pag-iisip ang mararanasan.
Para sa karagdagang impormasyon: Brain RX
SuperCamp
Ang mga batang may edad 9 hanggang 18 na taon ay maaaring sumali sa SuperCamp. Ito ay summer camp na hatid ng Stanford University of the Philippines para sa mga nais pagbutihin ang pagaaral, taasan ang kumpiyansa at pagbutihin ang kasanayan sa pamumuno. Mula June 2 hanggang June 8, ang mga bata ay mamamalagi sa De La Salle University – Laguna para sa 7 araw na stay-in program.
Para sa karagdagang impormasyon: SuperCamp
G Force Kids Workshop
Ang mga batang may edad 5 hanggang 11 na taon ay maaaring sumali sa summer dance workshop ng G-Force. Ito ay yearly ng ginagawa ng G-Force upang lalong mahasa ng mga bata ang kanilang dancing skills. At after every dance workshop nagkakaroon sila ng dance concert recital. Kung dati’y sa Metro Manila lang available ang kanilang mga summer dance workshops, ngayong taon nga na ito ay dinala na rin nila sa iba’t-ibang parte ng Luzon, Visayas, Mindanao ang kanilang workshops.
Ang kanilang mga dance concert series pagkatapos ng kanilang series of dance workshops ay gaganapin sa The Theatre at Solaire (Luzon) sa June 22, 23, 29, at 30. Para sa Visayas at Mindanao naman na dance concert ay gaganapin sa Waterfront Cebu City Hotel & Casino sa July 6.
Para sa karagdagang impormasyon: G-Force
Basahin: Kakaibang summer activities para sa inyong mga anak!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!