Sa pagpasok ng buwan ng April, kasabay nito ang kasalukuyang paglaban ng buong bansa sa COVID-19. Dahil dito, nakataas pa rin sa buong Luzon ang Enhanced Community Quarantine. Suspindido ang mga mga public transportation at ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng mga tao sa kanilang bahay. Pero maaari pa rin namang mag-grocery o bumili ng mga basic necessities. Ngayong Holy Week 2020, mahalagang alamin ang mga Adjusted supermarket schedule!
Supermarket schedule Holy Week 2020
Ilan sa mga mall sa Luzon ang naglabas ng anunsyo tungkol sa kanilang supermarket schedule ngayong Holy Week 2020. Ang iba sa kanila ay magsasara muna ang mga grocery store ngunit magbubukas ulit sa April 12, Easter Sunday.
Narito ang mga supermarket schedule ngayong Holy Week 2020:
1. Robinsons Supermarket
Ngayong Maundy Thursday – Good Friday (April 9-10), magsasara muna panandalian ang lahat ng Robinsons Supermarket branches.
2. SM Supermarket
Magsasara muna rin pansamantala ngayong Maundy Thursday (April 9) ang SM Markets. Para malaman ang mga open na selected SM Markets branch ngayong Good Friday, click here.
Supermarket schedule Holy week 2020 | Image from SM Supermarket Facebook
3. Puregold
Sa darating na Maundy Thursday (April 9) ilang mga Puregold branch ang nakabukas. Samantalang sa Good Friday (April 10) ay pansamantalang isasarado muna ang lahat ng Puregold stores.
Narito ang mga ilang Puregold branch na open ngayong April 9:
PUREGOLD PRICE CLUB – ALANG- ALANG | 8:00 am – 6:00 pm
PUREGOLD JR – ANGELES | 8:00 am – 5:00 pm
ANGELES PUREGOLD | 8:00 am – 5:00 pm
PUREGOLD EXTRA – APALIT | 8:00 am – 5:00 pm
PUREGOLD JR – BALIBAGO | 8:00 am – 5:00 pm
PRICE CLUB – BATO PUREGOLD | 9:00 am – 6:00 pm
PUREGOLD PRICE CLUB – BORONGAN | 8:00 am – 6:00 pm
PUREGOLD PRICE CLUB – BULAON | 8:00 am – 5:00 pm
CAFE FERNANDINO PUREGOLD JR | 8:00 am – 5:00 pm
PUREGOLD JR – CALANIPAWAN | 8:00 am – 6:00 pm
PUREGOLD MINIMART – CALIBUTBUT | 8:00 am – 5:00 pm
CANDABA PUREGOLD PRICE CLUB | 6:00 am – 1:00 pm
PUREGOLD PRICE CLUB – CARIGARA | 8:00 am – 6:00 pm
PUREGOLD PRICE CLUB – CENTRAL TOWN ANGELES | 8:00 am – 5:00 pm
Maaari lang i-click ang facebook page ng Puregold sa baba upang malaman ang iba pang stores:
https://www.facebook.com/notes/puregold/all-puregold-stores-will-be-closed-on-april-10-2020-only-the-following-stores-wi/10157697040726311/
4. S&R Membership Shopping
Magsasara muna ang S&R ngayong Maundy Thursday at Good Friday (April 9-10). Ngunit balik serbisyo naman pagdating ng Black Saturday at Easter Sunday (April 11-12).
5. Shopwise
Sarado din ang mga Shopwise stores ngayong Maundy Thursday at Good Friday (April 9-10). Pero muling magbubukas ngayong Black Saturday at Easter Sunday (April 11-12).
https://www.facebook.com/ShopwiseSupercenters/photos/pcb.3103183153045387/3103178053045897/?type=3&theater
6. Landers
Ngayong April 8 (Wednesday) ay mananatiling nakabukas ang Landers. Ngunit pagdating ng Maundy Thursday at Good Friday ay pansamantala munang magsasara ito at balik serbisyo din pagdating ng Black Saturday at Easter Sunday.
Supermarket schedule Holy week | Image from Landers Facebook
7. The Metro Stores
Samantala, mananatiling nakabukas pa rin ang The Metro Stores ngunit piling branches lamang. Pagdating ng Friday naman, ay magsasarado ang lahat ng The Metro Stores branch at balik serbisyo sa April 11-12 (Saturday and Sunday)
https://www.facebook.com/TheMetroStores/posts/10158285844164777
8. Rustan’s Supermarket
Sarado ang Rustan’s Supermarket ngayong Maundy Thursday at Good Friday.
https://www.facebook.com/rustansfresh/photos/a.745224008837442/3450596404966842/?type=3&theater
9. Greenhills Mall
Gaya ng iba, sarado rin ang Greenhills Unimart ngayong Maundy Thursday at Good Friday.
https://www.facebook.com/greenhillsofficial/photos/a.119274904790/10158273766434791/?type=3&theater
10. All Day Supermarket
Patuloy pa rin namang maghahatid ng serbisyo ang All Day Supermarket. Bukas ang kanilang store mula 8 AM hanggang 5 PM.
https://www.facebook.com/AllDaySupermarketPH/photos/a.1553939941574027/2270544099913604/?type=3&theater
Panatilihin ang proper hygiene at mag-ingat sa tuwing lalabas para mag-grocery. Sa ganitong panahon, kailangan na maging maagap tayo upang makaiwas sa COVID-19. Magsuot din ng facemask at magdala parati ng alcohol. Pag-uwi naman, maligo agad at labahan ang mga sinuot na damit. Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang patuloy na pagkalat ng virus.
BASAHIN: LIST: Mga online grocery na mayroong same-day delivery
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!