TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ang mga dapat mong malaman tungkol sa syringe feeding

4 min read
Ang mga dapat mong malaman tungkol sa syringe feeding

Nais subukan na bigyan ng gatas si baby gamit ang syringe? Narito ang mga kailangan mong malaman kung may planong i-syringe feeding si baby.

Mommy, nasubukan mo na ba ang syringe feeding o nais mo itong subukan kay baby? Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa syringe feeding sa newborn.

Ano nga ba ang dapat ihanda at tandaan dito?

Syringe feeding sa newborn: Mga dapat mong malaman

Dinadaan sa syringe feeding ang isang baby dahil sa iba’t-ibang dahilan. Nariyan ay kapag ang isang sanggol ay hirap ipasuso sa ina. Karamihan ng mga baby ay dumadaan talaga sa ganitong phase. Lalo na kung ang sanggol ay ipinanganak ng maaga o yung lumabas agad bago ang nakatakdang petsa kung kailan sila lalabas. Kadalasan ring dinadaan sa syringe feeding ang newborn kapag ito ay may medical issue at hirap makasuso sa ina.

Isa pang dahilan rito ay kapag binigyan ng gamot o drugs ang ina noong ito ay ipinanganak dahilan para maging antukin ang bata.

syringe-feeding

Syringe feeding sa newborn: Mga dapat mong malaman | Image from Unsplash

Minsan, hindi lang ito problema ng sanggol. May pagkakataon rin na idinadaan sa syringe feeding ang newborn kapag ang ina nito ay may sakit o hindi kayang magpasuso pagkatapos manganak.

Alam nating lahat na ang gatas ng ina ay ang the best na gatas para sa mga sanggol.

Dahil ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t-ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil dito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang paglaki.

Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.

Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.

Dahil dito, ang syringe feeding sa newborn ang isa sa mga solusyon para makainom pa rin ng gatas ang isang sanggol.

syringe-feeding

Syringe feeding sa newborn: Mga dapat mong malaman | Image from Freepik

Paano simulan ang syringe feeding sa newborn?

Ang unang gatas ng ina ay madaling ilagay lamang sa syringe na gagamitin kay baby. Madali lamang ang paggamit nito. Una, ilagay ang gatas ng ina sa loob ng syringe. Pagkatapos ilagay, ipasok dahan-dahan sa bibig ng bata ang tip at papaglabasan ng gatas. Saka dahan-dahang palabasin ang gatas mula sa syringe para hindi mabigla ang sanggol.

Step by step:

  • Ihanda ang gatas sa maliit isang baso o bowl.
  • Kunin ang syringe at hatakin pataas ang plunger para masipsip nito ang gatas at mapunta sa loob ng syringe. Siguraduhin lang na malinis ang syringe para safe si baby.
  • Humanap ng maganda at komportableng posisyon para kay baby. Siguraduhin lang na ito ay medyo naka-upright position at hindi masyadong nakahiga.
  • Kunin ang syringe na may lamang gatas. Dahan-dahang ipasok ang tips sa bibig ni baby at saka dahan-dahang palabasin ang gatas na nasa syringe.
syringe-feeding

Syringe feeding sa newborn: Mga dapat mong malaman | Image from Freepik

Kung hindi ito gumana at nahihirapan sa pagpapa inom ng gatas gamit ang syringe, ‘wag mahihiyang humingi ng tulong sa iyong doctor o consultant. Sa pagkakataong ito, dito kana makakahingi ng payo at mabibigyan ng proper guidelines kung ano ang dapat tandaan sa pagpapainom ng gatas kay baby gamit ang syringe.

Ikaw mommy? Natry mo na rin bang magpa-syringe feeding sa newborn?

 

Source:

St. Vincent’s Private Hospital

BASAHIN:

Tips kung paano babalik sa breastfeeding pagkatapos ng bottle feeding

WATCH: Solenn Heussaff nagbahagi ng kaniyang breastfeeding journey says “Every mom is different.”

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Partner Stories
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners
City of Dreams Manila Highlights Delightful Treats for Every Kind of Dad
City of Dreams Manila Highlights Delightful Treats for Every Kind of Dad
Get the right diapers for your little one - and save money doing so!
Get the right diapers for your little one - and save money doing so!
Try this to help your little one get his daily required DHA intake, and help support his brain development!
Try this to help your little one get his daily required DHA intake, and help support his brain development!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tamang pagpapasuso
  • /
  • Ang mga dapat mong malaman tungkol sa syringe feeding
Share:
  • Ang Kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding para sa Unang 6 na Buwan

    Ang Kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding para sa Unang 6 na Buwan

  • Ano ang Colostrum? Colostrum sa Gatas ng Ina at mga Benepisyo Nito para sa Iyong Sanggol

    Ano ang Colostrum? Colostrum sa Gatas ng Ina at mga Benepisyo Nito para sa Iyong Sanggol

  • Gaano Katagal Dapat Magpasuso Bago Magpalit sa Formula?

    Gaano Katagal Dapat Magpasuso Bago Magpalit sa Formula?

  • Ang Kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding para sa Unang 6 na Buwan

    Ang Kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding para sa Unang 6 na Buwan

  • Ano ang Colostrum? Colostrum sa Gatas ng Ina at mga Benepisyo Nito para sa Iyong Sanggol

    Ano ang Colostrum? Colostrum sa Gatas ng Ina at mga Benepisyo Nito para sa Iyong Sanggol

  • Gaano Katagal Dapat Magpasuso Bago Magpalit sa Formula?

    Gaano Katagal Dapat Magpasuso Bago Magpalit sa Formula?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko