Tignan ang napaka-cute na reaction ni baby Talitha Sotto pagkatapos pagalitan ng kanyang mommy na si Pauleen Luna-Sotto.
Reaction ni baby Talitha Sotto nang pagalitan ng kanyang mommy
Sa isang Instagram post ni Pauleen Luna-Sotto, ipinakita nito ang reaction ng kanyang 2-year old na anak na si Talitha Sotto pagkatapos nitong mapagsabihan. Ang kwento nito, pinagalitan niya si Tali at pinapatigil na magsulat sa salamin. Ngunit isang naughty smile ang tanging pinakita ni Tali!
Ang kanyang nanny ay hindi rin mapigilan ang pagtawa dahil sa sobrang cute nito!
www.instagram.com/p/B8DoHZopx1d/
Noong November 6, 2017, ipinanganak ni Pauleen Luna-Sotto ang kanyang unang baby kay Vic Sotto na si Talitha Sotto. Sa ngayon, 2 years old na siya at kasalukuyang nagbibigay saya sa pamilya Sotto.
Matatandaang unang nagkakilala ang dalawa sa longest running show na Eat Bulaga sa GMA 7 kung saan pareho silang host. Noong 2011 naman umugong ang rumor na ang dalawa ay nagde-date. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa. At taong 2013, dito na inamin ni Vic Sotto ang kanilang relasyon sa publiko.
Pagkatapos ng 4 na taon na kanilang pagde-date, noong January 30, 2016 nga ay tuluyan na silang kinasal sa St. James The Great Parish Church sa Alabang.
Mga dapat tandaan kung paano disiplinahin si baby
1. Disiplinahin sila nang maayos at may pagmamahal.
Kung pagsasabihan mo ang isang bata, ‘wag mo itong sisigawan o pagbubuhatan ng kamay. Tignan ito sa mga mata at pangaralan nang marahan. I-explain mo sa kanya ang mali at dapat ‘wag na itong gagawin sa susunod. Pagkatapos mo siyang disiplinahin, siguraduhin lang na hindi siya magdadamdam sa’yo. Yakapin ito at sabihing mahal mo siya.
2. Unawain ang iyong anak.
Karaniwang nagiging hindi tama ang kilos ng isang bata dahil na rin sa hindi ito natuturuan ng tamang gawi ng kanyang mga magulang. Intindihin natin na ang mga bata ay hindi pa marunong kontrolin ang kanilang mga emosyon kaya nakakagawa sila ng mga hindi kanais-nais na bagay. Kaya ang kailangang gawin ng mga magulang ay intindihin at tulungan sila gamit ang kanilang pagmamahal at gabay.
3. Magbigay ng mga rules.
Minsan sa isang pamilya, hindi talaga maiiwasan na hindi kayang pagalitan o disiplinahin ng isang magulang ang kanyang anak. Kaya minsan, lumalaki ang isang bata na hindi sumusunod sa kanyang magulang dahil na rin nasanay ito. Sa ganitong pagkakataon, marapat lang na magbigay ng house rules na dapat sundin ng mga anak. Sa ganitong paraan, matututo silang sumunod sa utos at maging responsableng bata.
4. ‘Wag pagbuhatan ng kamay ang bata.
Kung ikukumpara ang dating henerasyon sa ngayon, marami ang makakarelate sa usaping ‘pamamalo ng hanger ni nanay’ Marami rin ang nagsasabi na dahil dito, lumaki silang disiplinado. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang ganitong klase ng pagdidisiplina ay maaaring makaapekto sa isip at personalidad ng isang bata. Sa kaso ng mga dating henerasyon, makikitang sumusunod sila sa isang utos hindi dahil gusto nilang sumunod dito pero dahil sila ay pinangungunahan ng takot sa posibleng parusa. Ipinapakita rin sa pag-aaral na karamihan sa kanila ay lumalaking may isyu sa depression, paggamit ng droga, at pagtatanim ng matinding galit bilang matanda.
Basahin ang iba pang tips dito: Paano disiplinahin ang iyong anak: 8 Mga bagay na dapat tandaan
SOURCE: Rappler
BASAHIN: Kaarawan ni Baby Tali, ipinagdiwang ni Pauleen Luna at Vic Sotto , WATCH: Anak ni Vic at Pauleen, nagpakitang gilas sa pag-identify ng flash cards , Pauleen Luna, hindi nababahala na hindi pa nakakapagsalita si 18-month old Baby Tali