Natural na sa isang bata ang hindi sumunod sa utos lalo na kung sunod-sunod ito. Ngunit ibang usapan na kung napapadalas ito at napapansin mong wala na sa lugar ang pagiging tamad na anak nito. Mismong pag-aaral o personal na pangangailangan nito ay napapabayaan na.
8 parenting mistakes na nagreresulta sa tamad na anak
Paano nga ba hindi maging tamad ang iyong anak na puro paglalaro ang nasa isip?
1. Ginagawa mo ang task para sa anak mo kapag nahihirapan na siya
Hindi mo kailangang gawin ang task ng iyong anak kapag nahihirapan sila
Parte ng paglaki ang mahirapan sa isang gawain. Katulad na lamang ng iyong anak. Kung nahihirapan sila sa isang chore, ‘wag maging malambot ang iyong puso at hahayaan mo na lang silang maglaro ng cellphone imbes na chore ang harapin. Maaari mo rin naman silang tulungan pero dapat ay may guidance ng kanilang gagawin.
Katulad na lamang kapag tapos na silang maglaro ng kanilang toys. Turuan sila na pagkatapos maglaro, dapat ay ibalik rin sa lagayan o tamang pwesto ang mga gamit na nilaro nila.
Kung nahihirapan bakit hindi mo sila i-cheer up?
2. Hindi pagpapaintindi ng salitang ‘responsibilidad’
Masyado pang mabigat ang salitang ‘responsibilidad’ sa isang bata. Sa ganitong pagkakataon, hindi mo naman kailangang ibigay ang mismong definition nito. Maaari mong simpleng ipaintindi mo ito katulad kapag tapos niyang kumain, dapat nitong hugasan ang pinagkainan niya o kaya naman pagkagising sa umaga at dapat ligpitin ang higaan.
Habang lumalaki ito, natututunan na niya kung ano ang responsibilidad o mga dapat niyang sanaying gawin habang tumatanda.
3. Unlimited ang pagbibigay ng gadgets
Sa panahon natin ngayon, hindi na talaga maiiwasan ang paggamit ng gadgets ng mga bata. Halos lahat na ng bahay ay may cellphone na kadalasang ginagamit bilang entertainment. Maaaring gumamit ng cellphone ang iyong anak ngunit limitado lamang. Ipalaro sa kanya ito kapag free time lang.
‘Wag na ‘wag ipapagamit ito kapag kumakain o oras ng pag-aaral. Mapapataas kasi nito ang tyansa na mahumaling ng todo ang anak mo sa mga gadget dahilan para mas unahin ito kesa sa ibang mas importanteng bagay.
Higit sa lahat, turuan siya na huwag sabay-sabay ang pag-gamit ng gadget. Hindi puwedeng gumagamit ng cellphone habang nanonood ng TV. Maging ehemplo din para sa kaniya at iwasan rin na gawin ito.
4. Pagiging malambot at marupok
Mahalaga sa pagdidisiplina ang consistency lalo na kung kailangang mabago ang ugali ng iyong anak. Kung sila ay iiyak kapag pinagalitan mo o hindi nasunod ang kanilang gusto, ‘wag maging malambot at ibigay ang kanilang hinihingi. Ipaintindi sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit mo sila dinidisiplina at hindi lahat ng kanilang gusto ay kailangang masunod.
5. Hinahayaan ang bata na walang physical activity
Makakatulong sa iyong anak na hindi lumaking tamad kung ito ay sasanayin mo sa mga pisikal na gawain. I-encourage siya na mag enroll sa mga sports sa school o sa inyong lugar. Makakatulong ito sa kanyang katawan para maging fit at magugol niya sa exercise ang kanyang free time imbes na sa gadgets.
6. Hindi tinuturuan ang bata ng gawaing bahay
Simulang bigyan ng parte ang iyong anak sa mga gawaing bahay. Katulad na lamang ng pagdidilig ng maliliit na halaman, pagliligpit ng kanyang laruan o kaya naman pag-aayos ng kanyang hinigaang kama. Ipaliwanag rin sa kanya ang kahalagahan ng kanyang ginagawa. Katulad ng makakatulong ito sa kanyang paglaki para masanay sa mga responsibilidad.
7. Kakulangan ng guidance
Parte na ng learning process ang adjustment, failure, disappointment at confusion. Normal ito lalo na sa mga batang natututo pa lamang. Ngunit magiging madali lang ang lahat kung may proper guidance sila na manggagaling sa’yo.
Gabayan sila sa lahat para naman ganahan rin sila sa mga chores na ibibigay mo. Mararamdaman nilang may suporta silang natatanggap at ang simleng ngiti mo ang magbibigay sa kanila ng lakas ng loob.
8. Hindi magandang ehemplo
Habang lumalaki ang iyong anak, kayo ang tinitignan nilang example. Lahat ng gawain o behavior niyo ay nag-re-reflect rin sa kanila. Iniisip ng iyong mga anak na tama lang ang lahat ng inyong ginagawa kaya ginagaya nila ito.
Kaya naman maging isang example para sa iyong mga anak.
BASAHIN:
Masama ba akong ina? 10 signs that you are a toxic mom