Paano nga ba tamang paggamit ng social media lalo na ang pagbabahagi ng mga bagay patungkol sa inyong mga anak?
Hindi talaga maiiwasan ngayon ang paggamit ng social media at magbahagi ng ating mga personal na buhay. Pero bilang mga magulang mahalaga rin na malaman kung ano mga dapat at pwedeng i-post patungkol sa ating personal na buhay lalo na patungkol sa ating mga anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga bagay na hindi dapat i-post patungkol sa iyong anak.
- Paano nga ba ang pagpapalaki sa mga bata sa panahon ng social media.
Marami nang mga balita ang naglabasan patungkol sa mga nangyayaring scam at krimen sa social media na sangkot at biktima ang mga bata. Paano nga ba ang tamang paggamit ng social media lalo na para sa ating mga magulang? Sa isinagawa naming Facebook live sa theAsianparent Philippines in partnership sa National Council for Children’s Television tinalakay ng mga guest speaker na mga magulang kung paano ang kanilang rules pagdating sa pagbabahagi ng kanilang buhay sa social media.
Tamang paggamit ng social media para sa mga bata. | Larawan mula sa iStock
Paano nga ba ang pagpalaki sa mga bata sa panahon ng digital world at social media?
Sa ginawang Facebook inimbitahan ng theAsianparent Philippines sina Mommy Omni at Daddy Bryce ng #TheClingyFam, Mommy Ley (@mommyplannerley) , at Mommy Louise (@mommypracticality). Kung saan nagbahagi sila ng kanilang tips at karanasan sa pagpapalaki nila sa kanilang mga anak sa panahon ng social media.
Sina Mommy Omni at Daddy Bryce ay mga mga anak na 8-taong gulang at 2 taong gulang. Si Mommy Ley naman ay mayroong 3 anak, isang 11 years old, 4 years old at 2 years old. Habang si Mommy Louise naman ay mayroon nang teenager na anak, at mayroon ding siyang anak na 10 years old at 4 years old.
Ayon kina Mommy Omni at Daddy Byrce, “By the rules set by social media regulators atlas 18 years old to have their accounts.” Kaya naman umano sabi ni Daddy Bryce, “Ito talaga iyong pinaka-valid na reason na pwedeng sabihin eh.” Kung bakit hindi sila pwedeng magkaroon ng social media account. Pero pinapayagan naman umano nila na magkaroon ng messenger ang kanilang anak pero mino-monitor nila ito.
Samantalang si Mommy Ley naman, ginawan ng Facebook ang kaniyang eldest son noong 2009. Siya umano ang nagma-manage ng account na ito. Saka may purpose naman umano ang paggawa niya rito. Isa kasing single mom si Mommy Ley nang matagal na panahon kaya naman kung gusto umanong mag-reach out ng tatay ng kaniyang mga anak ay maaari niyang ma-reach out ito. Pero sinisigurado niya siya ang nagmo-monitor nito.
Habang si Mommy Louise naman, isa lang sa kaniyang mga anak ang present umano sa social media, ito ang kaniyang panganay na 17 years old na. Halos same umano ng dahil parehas silang single mom sa kanilang panganay kaya naman nag-set up siya ng sarili nitong Facebook account noon.
“Because I used to be a single mom to Andrei before that time I set up he’s own facebook account pero ako nagma-manage. I handed him he’s password when he turn, siguro mga highschool siguro mga grade 7 but ako pa rin ang may hawak at nagmamanage.”
Larawan mula sa iStock
Habang si Mommy Candice naman ang aming head of content sa theAsianparent Philippines, nagbahagi rin ng kaniyang karanasan at rules sa paggamit ng social media ng kaniyang dalawang anak.
“For my kids naman, they aslo don’t have their own social media accounts. But my eldest simula nang magkaroon ng Facebook messenger for kids. ‘Yun ang meron siya. Kasi I allowed him na rin because hindi sila nagkikita ng mga classmates niya so parang. ‘Pag zoom naman kasi pag-class hindi kayo puwedeng magtsismisan ng mga kaklaro. So, parang nagke-crave din siya sa ng ganung interaction. Kaya I allowed him to have his account in messenger kids.”
Marami talaga ang kailangan i-consider ngayon sa pagpo-post at pag-allow ng mga magulang sa social media. Hindi namang umano masama ang paggamit ng mga social media moms and dads. Ang mahalaga ay namo-monitor natin ang ating mga anak sa paggamit nito at tinuturuan sila sa tamang paggamit ng social media.
BASAHIN:
Sobrang paggamit ng social media, nakakasama raw sa mga kabataan
10 Social media safety, security, & privacy tips for parents
Negatibong epekto ng social media: Sanhi nga ba ng kalungkutan?
5 bagay hindi dapat i-post tungkol sa iyong anak sa social media?
1. Huwag i-post basta-basta ang mga larawan ng inyong anak.
Hindi talaga maiiwasan nating mga magulang na mag-post ng cute na larawan o picture ng ating mga anak. Pero dapat ding mag-ingat tayo sa pag-post ng kanilang mga larawan. Maaari rin kasi itong magamit sa child pornography o identity teft.
2. Kung maaari huwag din i-post ang tunay na pangalan ng inyong anak, lalo na kung public figure kayo at maraming followers.
Bilang mga magulang mag-ingat din sa pag-post ng tunay na pangalan ng inyong mga anak. Ayon nga kay Mommy Candice, baka minsan paglabas niyo ng inyong anak at may tumawag sa kaniya’y sumama siya. Mas maganda umano na nickname lamang ang iyong ibahagi.
3. Huwag ibahagi kung saang eskuwelahan nag-aaral ang iyong anak.
Hindi rin dapat basta-basta ibinabahagi kung saan nag-aaral ang iyong anak. Maaari kasi itong maging dahilan upang matagpuan siya ng mga masasamang loob. Safety rin ito para sa inyong mga anak.
4. Maging maingat din sa pagpa-post ng mga video ng inyong anak.
Katulad sa pagpo-post ng mga larawan ng ating mga anak dapat ay maingat din tayo sa pag-post ng mga video na kasama sila o video nila. Maaari rin kasi itong magamit sa child pornography na laganap ngayon sa internet at identity teft.
Larawan mula sa iStock
5. Huwag din i-post ang mga bagay patungkol sa iyong anak ng wala siyang pahintulot.
Mommy at Daddy tandaan huwag-huwag mag-post ng mga bagay patungkol sa inyong anak sa social media kung wala silang pahintulot. Dapat lagi niyo silang kukuhanan ng pahintulot kung gusto ba nilang i-post ang picture, video, o status na patungkol sa kanila.
Bilang mga magulang kailangan nating respetuhin ang ating mga anak. Hindi porket magulang tayo’y tayo ang kokontrol sa kanila. Kailangan mag-set ng respect sa pagitan ng mga magulang at mga anak. Hindi lamang tayo’y mga magulang ang dapat na nirerespeto kundi pati na rin ang ating mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!