Kung ikaw ay updated sa social media, malaki ang tiyansa na nabalitaan mo na rin ang ilang sanggol na ipinanganak na sobrang laki o oversized sa iba’t-ibang panig ng mundo. Habang natutuwa tayo sa kanilang pagiging cute at hindi normal sa tamang timbang ng baby, hindi ito dapat ipagsawalang-bahala. Ang mga sanggol na ipinanganak na overweight ay may potensyal na lumaking may problema sa timbang at iba pa. Ating alamin kung ano ang tamang timbang ng baby.
Ang pagiging malaki at overweight ng baby ay hindi sign ng good health
Kadalasan, ang mga bagong panganak na sanggol ay kinokonsiderang overweight o sobrang bigat kapag tumimbang sila ng 10 lbs o higit pa pagkapanganak. Iniisip ng ibang mga magulang na mas mainam ang pagkakaroon ng malaking sanggol. Ito ay dahil nangangahulugan ito sa kanila na malusog at well-developed ang kanilang anak.
Subalit, hindi ito laging nangangahulugan ng ganoon. Katulad ng mga sanggol na ipinanganak na sobrang liit, mayroon ding mga problema na maaring magkaroon ang mga overweight na baby. Sa mismong pagkapanganak sa kanila, maari silang magkaroon ng shoulder dystocia.
Ang shoulder dystocia ay nangyayari kapag masyadong malapad ang mga balikat ni baby para magkasya sa pelvic bone ng kanyang ina. Dahil dyan, maaaring mabali ang mga buto sa balikat ng baby. At dumanas ang ina ng matinding trauma at pagkapunit bilang resulta.
Kaya’t bigyang pansin ang normal na timbang ng sanggol.
Tamang timbang ng bagong panganak na sanggol. | Image source: Twitter
Kalusugan ng nanay
Bagaman may mga overweight na sanggol na normal naman ang vital signs pagkapanganak. Ang mga obese na sanggol naman ay may mataas na tiyansa na magkaroon ng obesity at cancer sa kalaunan. Maaari rin silang magkaroon ng problema sa kanilang development habang sila ay lumalaki.
Ang Gestational diabetes o ang pagkakaroon ng sakit na diabetes habang nagdadalang-tao ang ina ay isa rin sa mga pangunahing sanhi ng pagiging overweight na sanggol at hindi pagkakaroon ng tamang timbang ng baby. Ang mataas na blood sugar level ng ina ang mas lalong nakakapagpalaki sa kanyang baby. Ito ay dahil sugar ang isa sa mga pinakamahalagang bahagi sa development ng isang fetus.
Lumilitaw ang problema ng mga overweight baby kapag naipanganak na ang mga ito. Bumababa ang kanilang blood sugar pagkapanganak. Dahil nasanay ang kanilang katawan sa sobrang taas ng sugar na nakukuha nila mula sa sinapupunan ng kanilang ina. Nangangailangan sila ng mahigpit na pagbabantay upang ma-monitor ang lebel ng kanilang blood sugar.
Tamang timbang ng bagong panganak na sanggol. | Image from Unsplash
Kailangan din ng mga ina na kumain ng mga masustansyang pagkain at mag-ehersisyo kahit na sila ay nagdadalang-tao. Ito ay dahil ang estado ng kanilang kalusugan ay direktang nakakaapekto sa kalusugan ng kanilang mga sanggol sa sinapupunan. Ang tumataas na insidente ng obesity ay isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga ipinapanganak na overweight baby sa buong mundo.
Ano ang dapat gawin ng mga nanay para mapanatili ang tamang timbang ng baby?
Paano mapapanatili ang normal na timbang ng sanggol?
Bagaman may ilang kaso ng panganganak ng overweight baby na hindi naiiwasan, may mga hakbang na dapat gawin ang mga ina. Upang masiguro na malusog at nasa tamang timbang ng baby kapag ipapanganak ito. Anuman ang maging laki o timbang nito.
Upang mapanatili ang tamang timbang ng baby, maaari lamang na tandaan ang mga sumusunnod.
1. Kumain ng masustansyang pagkain
Sa mga buntis, ang kalusugan ng inyong baby ay nakadepende sa nutrisyon na maibibigay ng inyong katawan.
Tamang timbang ng bagong panganak na sanggol. | Image from Freepik
2. Mag-ehersisyo!
Importante ang pag-eehersisyo kahit na ikaw ay buntis. Maaari kang kumonsulta sa iyong doctor upang matulungan ka sa uri ng ehersisyo na dapat mong gawin nang sa gayon ay mapanatili mo ang hubog ng iyong katawan. Nakasalalay ang kalusugan ni baby sa kalusugan mo. Kaya samantalahin ang oportunidad na ito upang magkaroon ng positibong pagbabago sa iyong kalusugan.
3. Magpahinga.
Mahalaga ang pahinga dahil ito ang paraan ng iyong katawan para makapagpalakas. Ang pagkakaroon ng sapat na pahinga ay nakatutulong din sa paglaki at pagdevelop ng iyong baby. Kaya dapat siguraduhing makakuha ng 8 oras na tulog kada araw.
4. Mag-isip ng positibo.
Ang estado ng iyong pag-iisip ay kasing halaga rin ng estado ng iyong pisikal na kalusugan kaya para maiwasan ang mga problema gaya ng postpartum depression. Pangalagaan ang iyong mental health.
5. Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.
Kung ikaw ay naninigarilyo o umiinom ng alak, iwasan mo ito ngayong nagbubuntis ka dahil maraming masamang epekto ang naidudulot nito sa iyong baby na nasa tiyan. Gamitin mo ang iyong pagbubuntis bilang motivation o inspirasyon para layuan na ang ganitong bisyo at baguhin na ang iyong buhay sa mas mabuti.
If you want to read the english version of this article, click here.
Source:
dailymail.co.uk, livescience.com
BASAHIN:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!