Para kay TAPfluencer Momi Berlin, ang sikreto ng pagiging hands on mom ay pagtanggap sa responsibilidad and at the same time, i-enjoy lang ang motherhood!
Meet TAPfluencer Momi Berlin
Mommy Berlin Maynigo is a 42-year-old supermom behind Momi Berlin’s blog. Unang natagpuan ni Momi Berlin ang kaniyang passion sa pagsusulat sa kaniyang online diary tungkol sa ‘children’s anecdotes’. Dito rin niya ibinabahagi ang mga naging karanasan at realization sa pagpasok sa parenthood journey. Hanggang sa ito ay lumago, nakilala at nakaabot sa mga brands!
TAPfluencer Spotlight: Momi Berlin loves personal narratives and…thrilling discoveries!
Ibinahagi ni Momi Berlin ang kaniyang mga interes sa buhay. Hilig niya ang pagsusulat ng personal narrative, thrilling discoveries at mommy tips (mga secret kung paano maging masaya!).
“Motherhood as she lives it is a gift not everyone can understand until she fully lives it.”
-Momi Berlin Maynigo
Kahit na ang isang supermom ay nakakaramdam din ng pagod. Ngunit dahil sa tulong ng kaniyang asawa at mga anak, nakakalimutan niya ang mga problema.
TAPfluencer Spotlight: Mommy Berlin loves personal narratives and…thrilling discoveries!
Nakakatulong din ang relaxing long shower para matanggal ang stress!
“Especially now that i can’t go out to meet friends, i feel drained and tired. To manage stress, I take long showers. I recently discovered, too, that I could lock myself inside the room and how chips and a drink. I always have sparkling grape juice.”
Sa usapang tantrums naman, isang technique ni Momi Berlin ang hayaan lang na umiyak ang kaniyang anak. Sa paraang ito, maaari nilang ma-realize kung bakit hindi lahat ng gusto nila ay masusunod. “They cry then let them cry as long as they don’t hurt themselves or others. We let them realize they don’t have an audience, thus, they stop.”
Para rin kay Momi Berlin, mahalaga ang quality time para sa kaniya. Isa itong paraan para mapanatili ang matibay na connection nilang pamilya. Hilig nila ang mag binge-watch ng Netflix movies!
“We are very spontaneous. Just recently, we discovered watching one Netflix movie before hitting the sack.”
TAPfluencer Spotlight: Mommy Berlin loves personal narratives and…thrilling discoveries!
Ibinahagi ni Momi Berlin kung gaano siya kasuwerte sa pagkakaroon ng masipag at hardworking na asawa. Dahil nga sa pandemic at limitado ang paglabas upang mamasyal o gumawa ng errands, hindi pa rin nila pinapayagang lumabas basta-basta ang kanilang anak.
“We are lucky husband is a very hardworking man. He provides food and the kids’ school expenses. Our four kids are into distance learning. We pay tuition by the month and they are months we fail to pay and we are thankful the school is very considerate.”
Kung may pagkaing ihahain si Mommy Berlin, ang gusto niya raw ay ang ‘laing’.
“Laing. Nasa pagpiga ng gata ang sarap ng laing. Parang pag-aalaga ng mga anak. Nilalaanan ng oras upang mapiga ng mabuti ang gata, mapatuyo ang dahon gagamitin sa laing.”
Para maging updated sa mommy journey ni Momi Berlin, bisitahin lang ang kaniyang Facebook at blog site!
BASAHIN:
TAPfluencer Spotlight: Mommy Practicality says “Motherhood is putting your kids first before yourself.”
TAPfluencer Spotlight: Mommy Kal says ‘getting those types of smiles and hugs make every struggle worth it.‘
TAP Influencer Feature: Paano nga ba i-balance ni Nanay Isha ang kanyang time sa family at work bilang mom influencer?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!