Isang video ang umantig sa puso ng marami kung saan makikita ang isang ama na tumatawid sa mga bubong habang bitbit ang kanyang anak upang mailigtas ito sa baha na dulot ng bagyong Kristine. Ang naturang video ay ini-upload ni JR Vicencio sa GMA News at kuha ito sa Barangay Pantay Matanda, Tanauan City, Batangas.
AI generated image mula sa Freepik
Video ng isang tatay na sinagupa bagyong Kristine para sa anak, viral!
Makikita sa video kung paano dahan-dahang naglalakad ang ama sa madulas na bubong patungo sa isang bahay na may ikalawang palapag. Ayon sa uploader, napuno na ng tubig ang kanilang unang palapag kaya kinailangan ng ama na tiyakin ang kaligtasan ng kanyang mga anak. Maraming lugar sa bansa ang sinalanta ng bagyong Kristine, kabilang ang rehiyon ng Bicol, na nagdulot ng malawakang pinsala sa mga bahay, sasakyan, at imprastraktura.
View this post on Instagram
Anong dapat gawin kapag may baha dulot ng bagyo?
Kapag may bagyo tulad ng bagyong Kristine na nagdudulot ng pagbaha, mahalagang malaman ang tamang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng pamilya. Narito ang ilang tips na makakatulong:
- Bantayan ang mga balita at alerto
Laging manood o makinig ng balita para sa mga ulat tungkol sa lagay ng panahon. Mahalaga ring sundin ang mga abiso mula sa lokal na pamahalaan tungkol sa paglikas.
- Maghanda ng emergency kit
Siguraduhing may laman ang kit ng tubig, pagkain, flashlight, baterya, at first aid supplies. Ito ay makakatulong sakaling mawalan ng kuryente o hindi makalabas ng bahay.
- Itago sa matataas na lugar ang mahahalagang bagay
Ilagay sa mga matataas na bahagi ng bahay ang mga importanteng dokumento, gadgets, at iba pang mahahalagang gamit upang hindi ito abutin ng baha.
AI generated image mula sa Freepik
- Iwasan ang paglusong sa baha
Ang tubig-baha ay maaaring kontaminado at puno ng mga panganib gaya ng kuryente at matutulis na bagay. Hangga’t maaari, manatili sa loob ng bahay o sa ligtas na lugar.
- Siguraduhin ang kaligtasan ng pamilya kapag kinakailangang lumikas
Magplano ng evacuation route at makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa ligtas na paglikas. Ugaliing dalhin ang mga bata sa mas mataas na lugar katulad ng ginawa ng amang naka-video sa Tanauan.
Sa gitna ng mga hamon ng panahon, ang pagiging handa at maagap ay susi sa kaligtasan ng bawat pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!