X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Electricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesos

5 min read
Electricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesosElectricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesos

Narito ang ilang tips para makatipid sa konsumo ng kuryente sa inyong bahay.

Team Kramer electricity bill umabot ng P79,000 sa una nilang paglipat dito. Ito ang ibinahagi nina Cheska at Doug Kramer sa kanilang latest vlog.

Team Kramer house

Maliban sa kanilang mga nakakatuwa at very relatable na family stories, isa sa hinangaan at sinubaybayan ng mga followers at fans ng Team Kramer ay ang pagtatapos ng kanilang dream house noong nakaraang taon. Ito ay may laking 550-square-meters, may apat na palapag at may fantastic view ng Quezon City, The Fort, Makati at Laguna de Bay.

Team Kramer electricity bill

Image from Team Kramer

Ayon nga kay Doug Kramer, maliban sa ito ay napakalaking bahay, functional din umano ito. Dahil ito ay may mga impressive functions tulad ng elevator, home theater, play area at outdoor swimming pool. Mayroon din itong tree house, garden, vegetable grocery area at study area. Lahat umano na puwedeng gustuhin ng kanilang mga anak na puntahan ay nasa loob na ng kanilang bahay. Isang paraan na naisip nila ng kaniyang asawang si Cheska Garcia upang mas magkaroon ng maraming oras ang kanilang mga anak at pamilya na magkakasama.

“More than just a very nice house, its functional also. Its conducive for learning and for play. We love staying home, spending time as a family so we wanted it not just be our dream house but the dream house also of the children.”

Ito ang pagbabahagi nila Doug at Cheska Kramer sa isang panayam sa theAsianparent Philippines tungkol sa noon ay ginagawa pa nilang bahay.

Pero kung ang kanilang fans at followers ay nagulat sa napakagandang features ng Team Kramer house, mas nakakagulat umano ang Team Kramer electricity bill sa unang buwan na lumipat sila rito.

Dahil ang kanilang electricity bill umabot ng tumataginting na P79,000!

Team Kramer electricity bill umabot ng P79,000

Sa kanilang latest vlog ay ito ang ibinahagi ng Team Kramer na nagsilbing learning lesson rin sa kanilang pamilya.

“One of our biggest surprises when we moved to our house was when we saw our first electric bill!”

Ito ang pagbungad ni Doug Kramer sa kanilang latest vlog.

“I was in the kitchen and then I opened the Meralco bill really, really slowly. And then, lo and behold, P79,000.

“I’m like, I think this was wrong. I think we made the house too big.”

Ito ang dagdag niya pang pagkukwento.

Pero ang Team Kramer electricity bill na ito ay unti-unti naman ng nabawasan sa pagdaan ng mga buwan. Ito ay dahil maliban sa paggamit ng energy saving appliances ay gumagamit na rin sila ng solar panels na nakakatulong na makatipid sila sa ginagamit na kuryente sa kanilang buong bahay. Kaya ang dating P79,000 ay nabawasan na ng halos P30,000 kada buwan.

“Here’s a fun fact, ever since we installed our panels, we save P30,000 on average every month!”

Ito ang pagbabahagi pa ng Team Kramer tungkol sa kanilang electricity bill.

Dagdag pa niya maliban sa sila ay nakatipid, sa ganitong paraan ay nakatulong rin sila sa kalikasan.

Paano makakatipid ng konsumo ng kuryente sa inyong bahay?

Maliban sa paggamit ng solar panels, ang pagtitipid sa konsumo ng kuryente sa inyong bahay ay magagawa rin sa pamamagitan ng mga simpleng paraan. Ilan nga sa mga ito ay ang sumusunod:

Patayin ang mga ilaw na hindi ginagamit.

Team Kramer electricity bill

Image from Freepik

Dahil sa bawat dalawang 100-watt na incandescent bulbs na nanatiling patay ng dagdag na dalawang oras sa isang araw ay paraan upang makatipid ng higit sa P700 sa isang taon. Mas mainam rin ang paggamit ng LED lights na mas hindi umiinit at nangangailangan ng malakas na kuryente.

Imbis na gumamit ng ilaw sa araw ay gumamit ng natural light.

Kung hindi naman kadiliman ang inyong bahay ay mas mabuting gumamit ng natural light sa araw. Maliban sa nakakatipid ito ng kuryente ay nababawasan rin nito ang init o alinsangan sa loob ng bahay.

Kung may kailangang gawin sa gabi ay mas mabuting gumamit ng table lamps, track lighting at under-counter lights kaysa sa mga ceiling lights.

Tanggalin sa saksak ang hindi ginagamit na mga appliances.

Team Kramer electricity bill
Partner Stories
Maya launches a powerful youth anthem with Shanti Dope
Maya launches a powerful youth anthem with Shanti Dope
Philippines qualifies for Lee Kum Kee's first-ever International Young Chef Chinese Culinary Challenge
Philippines qualifies for Lee Kum Kee's first-ever International Young Chef Chinese Culinary Challenge
Achieving 'ngiting pinatibay' for moms and kids
Achieving 'ngiting pinatibay' for moms and kids
NETFLIX | Trailer debut for Sparking Joy with Marie Kondo
NETFLIX | Trailer debut for Sparking Joy with Marie Kondo

Image from Freepik

Ang standby power ay responsable sa 10% ng average annual electricity bill ng isang bahay. Kaya mas mainam kung tatanggalin ang mga appliances na nakakasaksak ngunit hindi naman ginagamit upang makatipid.

Patayin ang air conditioner kung aalis ng bahay o sa tuwing malamig ang panahon.

Isa ang air conditioner sa mga appliances sa bahay na malakas na kumain ng kuryente. Kaya mas mainam na patayin ito sa mga oras na hindi naman kailangan upang makatipid.

Panatilihin na nasa ideal temperature lang ang iyong refrigerator at freezer.

Ang ideal temperature ng refrigerator ay 2°C and 3°C. Habang ang freezer naman ay -18°C. Hindi kailangang lakasan ng todo ang mga ito, dahil kahit nasa pinaka-mababang level ay gumagana o nag-fufunction parin naman ang ref at freezer.

Palitan na ang mga lumang appliances.

Maraming mga bagong appliances ngayon ang may mga energy saving functions. Kaya naman makakatulong kung papalitan na ang mga lumang appliances ng mga ito, Tulad ng desktop computer at old box TV. Pero kung walang budget pamalit ay mas mabuting limitahan o kaya naman patayin ang mga ito kung hindi naman ginagamit.

 

Source:

GMA News, PowerSmart

Basahin:

LOOK: 21 things we love about Team Kramer’s new home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Electricity bill ng Team Kramer umabot ng 79,000 pesos
Share:
  • LOOK: Kramer kids may sariling play place sa kanilang "dream house"

    LOOK: Kramer kids may sariling play place sa kanilang "dream house"

  • LOOK: 21 things we love about Team Kramer's new home

    LOOK: 21 things we love about Team Kramer's new home

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • LOOK: Kramer kids may sariling play place sa kanilang "dream house"

    LOOK: Kramer kids may sariling play place sa kanilang "dream house"

  • LOOK: 21 things we love about Team Kramer's new home

    LOOK: 21 things we love about Team Kramer's new home

  • Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

    Jennylyn Mercado nasorpresa sa biglaang panganganak: "Hindi kami ready!"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.