TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Ama, naghukay ng libingan para sa anak na may malubhang karamdaman

3 min read
Ama, naghukay ng libingan para sa anak na may malubhang karamdaman

2 buwan pa lang nang ma-diagnose ng sakit na thalassemia si Zhang Xin Lei. At ngayon, dahil sa kawalan ng pera, posibleng mamatay ang bata sa sakit.

Isang ama sa China ang nagviral matapos niyang maghukay ng libingan para sa anak niyang may sakit na thalassemia. Bakit nga ba niya ito ginawa, at nagagamot pa ba ang sakit na ito?

Thalassemia: Ano nga ba ang sakit na ito?

Ang batang si Zhang Xin Lei ay 2 taong gulang pa lamang nang ma-diagnose ng sakit na thalassemia. Ito ay isang sakit sa dugo kung saan “nasisira” ang mga red blood cells ng isang tao. Dahil dito, nagkukulang ang dugo at nagkakaroon ng anemia ang mga may ganitong sakit.

Sa kaso ni Zhang Xin Lei, 2 buwang gulang pa lang siya nang malaman na mayroon siyang ganitong karamdaman. Ginawa naman ng mga magulang ni Zhang ang lahat ng kanilang makakaya upang magamot ang karamdaman ng anak, ngunit sadyang mahal ang treatment para dito.

Mahigit 140,000 Yuan o 1 milyong Piso na raw ang kanilang nagagastos para sa pagpapagamot ng anak. Nangutang na raw sila sa lahat ng puwede nilang pagkautangan, at dumulog sa lahat ng puwede nilang puntahan, ngunit sadyang mahirap makalikom ng pera.

Dahil sa kakulangan sa pera, mukhang hindi na nila maipagpapatuloy ang pagpapagamot sa anak.

Nang mabuntis ulit ang magulang ni Zhang ay umasa silang baka magamit ang cord blood o dugo sa pusod ng sanggol upang magamot si Zhang. Ngunit napakamahal daw pala ng ganitong treatment, at lalo nilang hindi ito kayang pagkagastusan.

Dinadala ng ama si Zhang sa libingan upang maging komportable dito ang bata

Kaya’t minabuti na lang ng ama ni Zhang na ihanda na ang bata sa posibleng mangyari. Naghukay na siya ng libingan para sa kanyang anak, para daw masanay na ang bata dito.

Araw-araw ay dinadala niya ang anak sa hukay, at naglalaro daw sila dito. Umaasa siya na kung mangyari man ang di inaasahan, ay magiging mapayapa ang kaniyang anak sa huling hantungan.

Matapos mag-viral ang kwento ni Zhang ay dumami ang mga tumulong sa bata. Dahil dito humingi na rin ng tulong ang pamilya sa pamamagitan ng isang crowdfunding website.

Umaasa ang pamilya na matutulungan sila, at mapapabuti ang kalagayan ng kanilang anak. Maaaring mapanood dito ang video ni Zhang.

Ano ang thalassemia?

Ang thalassemia ay isang sakit kung saan may mutations, o kakaiba ang nabubuong red blood cells sa katawan. Dahil dito, kinukulang ang dugo na dumadaloy sa katawan, at nagkakaroon ng anemia ang mga may ganitong karamdaman.

Madalas ay napapansin ito kapag nasa 1-2 buwang gulang na ang isang sanggol, dahil magkakaroon sila ng matinding anemia. Kinakailangan na salinan ng bagong dugo ang mga taong may ganitong karamdaman upang maging normal ang lebel ng kanilang dugo.

Sa kasalukuyan, iisa lang ang paraan upang magamot ang thalassemia. Ito ay sa pamamagitan ng isang bone marrow transplant kung saan ililipat ang donor na marrow sa buto ng taong may ganitong kondisyon. Ito ay upang maging normal ang blood cells na binubuo ng kanilang katawan.

Ngunit napakamahal ng ganitong klaseng operasyon, at minsan matagal bago makahanap ng donor. Kaya’t nahihirapan ang mga magulang ng batang may thalassemia na ipagamot ang kanilang mga anak.

 

Basahin: Bata namatay sa sakit na nanggaling sa dumi ng daga

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ama, naghukay ng libingan para sa anak na may malubhang karamdaman
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko