Tips sa pagtuturo ng DepEd modules sa iyong mga anak ba ang hanap mo? Tulad ng inang tampok sa artikulong ito malamang makaka-relate ka sa mga nararanasan niyang mga ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Karanasan ng isang ina sa pagtuturo sa kaniyang mga anak
- Pinagdadaanan ng isang ina sa paggabay sa mga sa DepEd module
- Tips sa pagtuturo ng DepEd module
School photo created by freepik – www.freepik.com
Open letter ng isang inang netizen sa DepEd
Isang inang netizen ang hindi na napigilang ilabas ang kaniyang sentimyento tungkol sa modular learning na ipinatutupad ngayon ng DepEd. Ayon sa inang netizen na si Donnalyn Agravante, 32-anyos, sana naisip naman ng DepEd ang magiging impact ng learning set-up na ito sa mga inang hindi lang nag-iisa ang anak na tulad niya. Dahil ayon kay Agravante, nakakaiyak at napakahirap nito para sa kanila.
“Dear DepEd,
Sana bago niyo naisip lahat ng ito eh naisaalang-alang ninyo man lang din ang mga nanay na hindi iisa ang anak ano? Bukod sa module ninyong hindi naman iisang activity per subject ang pinapagawa per week, eh may bukod pang homeroom guidance, activity sheets, task sheets, at ang summative test isama mo pa pagtuturo nga ng cursive writing pahirapan na, jusmiyo marimar. Eh ‘yung pagtuturo pa nang pagsulat sa kinder, whooohhh!!!
NAKAKAPAIYAK”
Ito ang bungad na sentimyento ni Agravante sa kaniyang Facebook account.
Ang mag-comply sa modular set-up ay sobrang nakakastress!
Ayon kay Agravante, apat ang kaniyang mga anak. Isang nasa pre-school, kinder, grade 2 at grade 3. Kaya naman sobrang nakaka-stress sa kaniya na sabay-sabay na maka-comply sa requirements nila sa school. Hindi naman umano sa nagrereklamo pero sobrang nakaka-stress ang set-up na ito para sa kaniya. Lalo na’t ibang-iba nga umano ang attitude ng isang bata kapag nasa bahay at nasa eskuwelahan ito.
“Ang mag-comply sa modular set-up na ito ay sobrang nakakastress!!!SOBRA!!! Bakit ko in-enroll ang anak ko? Kasi ayaw kong mapag-iwanan pero grabe naman. Hindi ako mareklamo at iresponsableng nanay, competent nga ako eh pero malapit na ata akong sumuko. Baka kung mahinahina ang kapit ay nabuang na ako (hindi ito exaggeration, totoo ito, nakakabuang!!!)”
Ito ang pahayag pa ni Agravante mula sa kaniyang Facebook post.
Dagdag pa ni Agravante, hindi masisisi ng DepEd ang ibang magulang na sumasagot ng mga exercises at test sa modules ng anak nila. Kaysa mapalo o mabulyawahan ang kanilang mga anak ito na lamang ang pinakamainam na gawin. Ito lang din ang nakikita nilang paraan upang maipasa ang kanilang modules sa tamang oras. Hindi nga rin umano ma-imagine ni Agravante ang hirap nito para sa mga nanay pang nagtratrabaho. Dahil siya nga na full-time nanay sa bahay ay hirap na hirap na.
Sa amin ngang panayam kay Agravante sinabi niyang, ito ang nag-udyok sa kaniya na tawagin na ang pansin ng DepEd ukol sa totoong nangyayari sa learning set-up sa ngayon.
Image from Donnalyn Agravante’s Facebook account
BASAHIN:
Teachers to parents: ‘Wag po niyong sagutan ang modules para sa anak ninyo.
Parents’ Guide: Tips sa pag-intindi at pagturo ng learning modules sa mga bata
Hindi lahat ng magulang ay may pinag-aralan at may oras na turuan ang kanilang anak.
Pag-aalala pa ni Agravante, paano naman umano ang mga magulang na hindi naman ganoon kataas ang pinag-aralan? Ang learning set-up daw na ito’y nakakadagdag sa stress na iniisip nila sa loob ng bahay.
“Ang set-up nilang ito ay perfectly fitted lamang sa isang full time mom na iisa ang anak. Sana ma-realize nila na hindi naman pare-pareho ang educational attainment ng mga magulang at hindi lahat ay able magturo. At hindi lahat ng magulang ay nasa bahay lamang karamihan ay nagta-trabaho.”
Ito ang hirit pa ni Agravante ng amin siyang makapanayam. Ayon pa sa kaniya, gustuhin man niyang humingi ng tulong sa kaniyang mister ay wala itong oras. Dahil busy ito sa pagtratrabaho bilang frontliner sa isang ospital.
Hindi kami nanay lang, napapagod din po kami!
Samantala, sa kaniya naman Facebook post ay ginamit ni Agravante na halimbawa ang kapitbahay nilang halos lahat ay nilalapitan na makahingi lang ng tulong kung paano maituturo ang laman ng mga DepEd modules sa anak niya. Habang ang pinsan niya umano’y sinabing baka bigla na lang itong mawala dahil sa pinagsamang stress sa bahay at sa kung paano maituturo ng maayos ang nakasaad sa DepEd modules sa anak niya.
“Grabe ang pressure! Hindi kami nanay lang, napapagod din po kami!”
Ito ang pahayag pa ni Agravante sa kaniyang Facebook post.
Dagdag pa niya, gustuhin man niyang maturuan ng maayos o higit pa sa kaniyang makakaya ang kaniyang mga anak, hindi siya nagpakadalubhasa sa larangan ng pagtuturo. Isang dahilan kung bakit hindi umano dapat masyadong taasan ng DepEd ang expectations nila sa mga magulang na tulad niya. Paliwanag pa niya, hindi porket nagrereklamo siya’y hindi na siya nagtiya-tiyaga sa pagtuturo sa anak niya. Hindi niya nakikita ang sakripisyo ng mga guro. Pero sana tulad ng mga guro’y makita rin ng DepEd ang sakripisyo na ginagawa ng mga magulang upang huwag lang mahuli sa pag-aaral sa ngayon ang mga anak nila.
Mensahe para sa mga iba pang mga ina at kaniyang mga anak
Payo niya naman sa mga mommies na tulad niya, huwag sumuko para sa anak nila. Pero dapat hindi rin nila pinapabayaan ang kanilang sarili.
“Laban lang mga momshies para sa mga anak naten. ‘Yun naman tayong mga nanay eh kahit gaano kahirap titiisin, tiyatiyagain. Pero ‘wag na ‘wag mong kakalimutang alagaan ang sarili mo.”
Para naman sa kaniyang mga anak ay humihingi ng tawad si Agravante kung madalas ay nagiging mainitin ang ulo niya. Epekto lang umano ito ng frustration sa learning set-up sa ngayon.
“Mga anak, pagpapasyensahan niyo kung madalas mainit ang ulo nina nanay habang nagtuturo. Wala naman ibang gusto si nanay kundi matuto kayo. Makakaraos din tayo at matapos din ito at babalik sa dati.”
Sa ngayon, ayon kay Agravante, matapos mag-viral ang kaniyang post ay nagpaabot ng tulong ang mga adviser ng anak niya sa kaniya. Binigyan pa nga umano siya ng mga ito ng grace period para matulungan ang kaniyang mga anak sa pagsagot ng kanilang mga activity. Gumaan din umano ang kaniyang pakiramdam dahil nailabas niya ang kaniyang saloobin bilang isang ina.
Malamang marami sa inyo ang aayon sa sinabi ni Agravante. Lalo na ang may hindi lang iisang anak ang nag-aaral sa ngayon. Pero paano nga ba mapapadali ang pagtuturo ng learning sa modules sa higit sa isang bata? Narito ang ilang tips sa pagtuturo ng DepEd modules sa iyong mga anak na makakatulong sa ‘yo.
School photo created by fwstudio – www.freepik.com
Tips sa pagtuturo ng DepEd modules sa iyong mga anak
Para mapadali ang iyong pagtuturo ng DepEd modules sa iyong anak ay narito ang apat na paraan o tips na maaari mong subukang gawin.
- Pakiusapan ang iyong nakatatandang anak na turuan ang nakababata niyang kapatid. Sa ganitong paraan ay mas nagkakaroon sila ng quality time. Hindi lang ang iyong nakababatang anak ang nakakapag-aral dahil sa ganitong paraan ay nare-refresh din ang napag-aralan ng nakakatanda mong anak.
- Maliban sa iyong nakakatandang anak ay makakatulong din ang ibang miyembro ng pamilya sa pagtuturo sa iyong anak. Tulad ng iyong asawa, kaniyang tiyo o tiya. Huwag lang mahiyang hingin ang tulong nila.
- Gumawa ng schedule sa bawat lesson ng iyong mga anak sa isang araw. Itapat ang pagtuturo sa iyong isang anak sa oras na gumagawa ng independent lesson ang kaniyang nakakababatang kapatid.
- Para sa mga preschooler makakatulong na panatilihin silang well-entertained gamit ang videos o games na hahasa pa rin sa isip nila. Tulad ng educational videos o TV shows. O kaya naman puzzles, games, coloring books at blocks na mai-enjoy nilang laruin. Ito’y para maka-concentrate ka sa pagtuturo sa iyong ibang anak. Habang sinisigurado natututo rin ang mga nakababata.
Source: