Dito sa The Asian Parent, layunin namin na bigyan ng impormasyon ang mga magulang tungkol sa pagbubuntis, pagpapalaki ng anak, relasyon, at mga balita na tungkol sa mga bata at pamilya. Ngayong bagong taon, balikan natin ang mga most-read top stories in 2018 mula sa TAP.
10 top stories in 2018
Ang number one sa top stories in 2018 ay tungkol sa mga early signs ng pagbubuntis. Importanteng malaman kung anu-ano ang mga maagang palatandaan ng pagbubuntis lalong lalo na sa mga mag-asawa na gustong magsimula ng pamilya.
Isa sa kadalasang tanong sa aming The Asian Parent app ay kung ano ang mga maagang sintomas ng pagbubuntis. Dito sa artikulo na ito, nagbibigay ng impormasyon kung anu-ano ang mga ito.
Narito ang ilang mabisang gamot sa singaw na hindi lang natural, ngunit siguradong makakatulong maibsan ang masakit at nakakairitang singaw sa bibig.
May mga ilang bagay na dapat iwasan o ipinagbabawal sa mga buntis, ayon sa mga doktor at medical specialists. Sinasagot ng artikulong ito kung anu-ano nga ba ang mga ito.
Isa sa mga viral news na naging bahagi ng top stories in 2018 ng TAP ay ang istorya ng isang babae na nabulag sa isang mata dahil sa kakalaro ng mobile games. Bukod sa news story, may ilang tips din kaming binigay upang maiwasan itong mangyari sa ating mga anak.
Hindi inaakala ng mga magulang ng 6-buwang gulang na baby na ang natural na sweetener at remedy sa ubo ay nakamamatay pala sa mga sanggol. Hindi biro ang infant botulism kaya’t importanteng malaman ang panganib na nadudulot nito.
Sa susunod na mayroong magkasakit sa pamilya, subukan itong mga mabisang home remedies para sa ubo, na hindi nangangailangan ng medisinang galing sa botika.
Nais man namin na mag-report lamang ng masasayang mga istorya, hindi maiiiwasang magbalita rin kami ng mga news items na mapupulutan ng impormasyon ng mga magulang. Katulad na lang ng hindi inaasahang pagkamatay ng isang 10-buwang gulang na sanggol na pumanaw dahil sa maling posisyon ng pagpapatulog sa kaniya.
Photo by Julie Johnson on Unsplash
Ingatan ang sarili para maalagaang mabuti si baby. Narito ang mga bawal sa bagong panganak para lubusang makabawi ng lakas at kalusugan si Mommy.
Nag-aalala o nalilito ka ba sa unang linggo ng iyong pagbubuntis? Heto ang guide sa senyales ng pagbubuntis 1 week hanggang 3 weeks!
Narito ang tatlong karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga magulang sa pag-aalaga ng foreskin ng penis ni baby. Alamin kung paano ang proper care at paraan ng paglinis nito.
Basahin: Top 113 baby boy names for 2019
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!