Alamin kung ano ang toxic shock syndrome na naging dahilan upang maputulan ng daliri sa paa at magkaroon ng malalang sakit ang isang babae matapos ang magpa-pedicure.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Dahilan ng impeksyon dahil sa pag-pedicure
- Tungkol sa toxic shock syndrome
- Sintomas ng toxic shock syndrom at paano ito malulunasan.
Image from Kandis Saville – Parsons Instagram account
Dahil sa maliit na sugat dulot ng pagpapa-pedicure, babae nagkaroon ng malalang sakit
Ang araw sana ng pagre-relax ng isang ina mula sa Alberta, Canada na si Kandis Saville-Parsons ay hindi niya akalaing magiging ugat pala ng pagkakaroon niya ng isang malalang sakit.
Ayon sa kuwento ni Parsons na itinampok sa Women’s Health Magazine, July 24, 2018 ng siya ay mag-punta sa salon upang magpa-pedicure. Sa pagpapa-pedicure ay nagtamo siya ng sugat sa isa sa kaniyang mga daliri sa paa. Dahil siya ay mayroong type 1 diabetes inasahan na ni Parsons na matagal na gagaling ang sugat na iyon. Pero hindi niya inakala na ito pala’y lalala na muntik ng maging banta sa buhay niya.
Image from Kandis Saville – Parsons Instagram account
Ilang oras palang matapos masugatan ay napansin na ni Parsons ang pamamaga sa sugat sa kaniyang daliri sa paa. Nang siya’y magising kinaumagahan ay dumoble na ang laki nito na nagtulak sa kaniya at kaniyang asawa na magpunta agad sa ospital.
Bilang isang dating nurse, alam ni Parsons na na-infect ang sugat niya. Nang makarating nga sa ospital ay agad siyang niresetahan ng antibiotics at IV therapy. Dahil sa hindi naman seryoso ang kaniyang kalagayan, siya ay pinauwi. Ngunit siya ay hinabilinan na sa oras na lumala pa ang kaniyang sugat o kapag nangitim na ito ay agad siyang bumalik sa ospital.
Nasugatan at na-infect niyang daliri sa paa kinailangan ding putulin
Image from Kandis Saville – Parsons Instagram account
Kinagabihan ay nangyari nga ang sinasabi ng duktor kay Parsons, nangitim ang sugat niya. Siya ay nilagnat ng napakataas na sinabayan pa ng pangangatog ng kaniyang katawan. Kasama ang kaniyang asawa ay bumalik siya sa ospital. Doon niya nalaman na ang impeksyon ay umabot na sa kaniyang mga buto. Para hindi na kumalat pa ito ang magagawang paraan lang ay putulin ang infected niyang daliri.
Noon nga, dalawang araw matapos ang kaniyang pagpape-pedicure, naputulan ng darili sa paa si Parsons. Siya’y ni-resetahan ng dagdag na antibiotics at pinauwi para maka-recover. Ang buong pag-aakala niya ay dito na natatapos ang epekto ng naging sugat niya sa paa dahil sa pagpapa-pedicure.
Ilang linggo ang makalipas, nakaramdam ng pagbabago sa katawan niya si Parsons. Namamaga ang kaniyang katawan at napakasakit ng kaniyang likod. Hindi siya makaihi. Kung pilitin niya man ay kokonti lang ang lumalabas at ito ay nangingitim na kulay coke pa.
Unti-unti rin siyang nakaranas ng kidney failure
Bumalik ulit siya sa ospital at nagpatingin. Doon niya nalaman siya ay nakakaranas na pala ng acute tubular necrosis o ATN. Ito ang isa sa mga dahilan ng kidney failure sa ating katawan. Pero ayon sa kaniyang dpktor, ito umano’y hindi dahil sa kaniyang diabetes. Mayroong ibang dahilan na hindi pa nila nalalaman. Pero isa lang ang alam ni Parsons sa mga oras na iyon kinakailangan niya ng kidney transplant para maisaayos ang kaniyang kondisyon.
“This crazy spike in my creatinine is not from my T1 diabetes, which most people automatically assume. And I don’t blame you for thinking that. I hate diabetes and I was in denial for years. But what is happening to me is unknown and actually really scary. I am no longer making urine and the little drips I do make look like cola. And I don’t understand why I keep having to suffer but I know my lesson is to just trust and have faith. I will be needing a transplant soon.”
Ito ang pahayag ni Parsons sa kaniyang Instagram account.
Naging isang malaking misteryo para sa mga doktor kung ano ang sakit na nararanasan ni Parsons. Maliban sa patuloy na lumalala ang kondisyon ng kidneys niya ay hindi talaga siya makaihi. Kaya naman siya ay isinailalim sa physical exam. Doon nakita na may rashes at sugat na pala siya sa kaniyang katawan. Nagbabalat narin ang likod ng kaniyang tenga at ang loob ng kaniyang pusod. Ang mga sintomas na ito ang naging susi nila para matukoy na ang kaniyang kondisyon. Siya ay na-diagnose na may Toxic Shock Syndrome o TSS. Isang sakit na kaniyang nakuha dahil parin sa sugat na natamo niya noong siya ay magpa-pedicure.
Ano ang Toxic Shock Syndrome o TSS?
Ayon sa WebMD, ang Toxic Shock Syndrome o TSS ay isang kondisyon na kung saan nagre-release ng toxics ang katawan dulot ng labis na pagdami ng bacteria na kung tawagin ay staphylococcus aureus o staph. Ito ay madalas na umaapekto sa mga babaeng gumagamit ng super-absorbent na tampons.
Paliwanag ng mga eksperto ang staph bacteria ay naninirahan ng normal o present sa labas ng vagina ng mga babae. Nagiging mapanganib ito sa oras na ito ay dumami o pumasok sa loob ng ating katawan. Tulad ng tampons na maaring magdulot ng microscopic tears sa vaginal walls. Lalo na ang mga superabsorbent tampons na nagtutuyo sa vagina at nagpapataas ng tiyansa ng tearing o sugat sa loob nito.
BASAHIN:
Babae, muntik nang maputulan ng daliri dahil sa impeksyon mula sa manicure
Una ng naging usap-usapan ang toxic shock syndrome noong 1970s to 1980s. Ito’y ng matapos masawi ang ilang mga babae dahil sa sakit na dulot ng isang brand ng tampons. Mula noon ay natigil ang pagtitinda ng tampons na iyon.
Ngunit maliban sa tampons sinasabi rin ng mga eksperto na maiuugnay ang sakit sa paggamit ng menstrual sponges, diaphragms, at cervical caps. Dahil sa ito’y dulot ng isang bacteria na nauuwi sa impeksyon, mataas ang tiyansa ng mga babaeng bagong panganak na makaranas ng sakit na ito. Maaari ring maranasan ng mga lalaki na na-expose sa staph bacteria kapag sila ay nasugatan o gumagamit ng prosthetic device.
Sintomas ng toxic shock syndrome
Ang mga sintomas ng sakit na ito ay ang sumusunod:
- Biglaang mataas na lagnat.
- Low blood pressure.
- Pagsusuka o matubig na dumi.
- Rashes sa katawan na katulad ng sunburn. Madalas makikita ito sa iyong mga palad o talampakan.
- Pananakit ng kasu-kasuan.
- Namumulang mata, bibig at lalamunan.
- Pananakit ng ulo.
Kung gumagamit ng tampons, menstrual sponge, diaphragm, o cervical cap at nakaranas ng nabanggit na sintomas ay magpatingin agad sa duktor. Ganoon rin kung ikaw may sugat o nag-rerecover mula sa isang surgery. Dahil ang sakit na ito ay nakamamatay. Nangyayari ito sa pamamagitan ng hypotensive shock na kung saan tumitigil sa pag-function ang puso at baga ng isang tao.
Paano ito natutukoy at nalulunasan?
Makukumpirma kung ang isang tao’y nakararanas ng toxic shock syndrome sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Blood test at urine test.
- Pagkuha ng swab mula sa vagina, cervix o lalamunan.
- CT scan, lumbar puncture, o chest X-ray upang makita ang epekto ng sakit sa mga organs sa katawan.
Para malunasan ang toxic shock syndrome, kinakailangan ng antibiotic treatment. Ganoon din ang mga gamot para maibalik sa normal ang mababang blood pressure. Kinakailangan rin ng fluid therapy para maibalik ang nawalang tubig sa katawan at iba pang supportive care kung kinakailangan.
Sa kaso ni Parsons, nakuha niya ang sakit dahil sa sugat sa kaniyang daliri sa paa dulot ng pagpe-pedicure. Ang straph bacteria nag-release ng toxics sa kaniyang bloodstream. Dahilan upang ito’y kumalat sa kaniyang body organs at magdulot ng seryosong damage partikular na sa kaniyang kidneys. Kaya naman upang tuluyang malunasan ang kaniyang kondisyon, si Parsons ay sumasailalim sa dialysis.
Mayroon din siyang mahalagang bagay na natutunan sa kaniyang karanasan. Ito’y ang huwag isawalang-bahala ang anumang nararamdaman sa katawan at agad na magpatingin sa doktor. Upang maagapan ang anumang kundisyon at hindi na ito lumala pa.
Si Parsons hanggang ngayon ay patuloy na lumalaban sa kaniyang sakit. Ginagawa niya ito para sa kaniyang 5 taong gulang na anak at mahal niyang pamilya.
Image from Kandis Saville – Parsons Instagram account
Source:
Photo: