X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

3-Buwang gulang na sanggol, tinangkang ibenta sa halagang 30,000!

3 min read
3-Buwang gulang na sanggol, tinangkang ibenta sa halagang 30,000!

Dalawang babae ang nahuli ng NBI dahil umano sa trafficking sa bata. Kakasuhan din daw ang ina ng bata, ngunit siya ay hindi pa nadadakip ng mga pulis

Isa sa pinaka-kinakatakutan ng mga magulang ang makidnap ang kanilang anak. Sino nga ba namang magulang ang gugustuhin na mawalay sa kanilang anak? At dahil isa ang Pilipinas sa mga bansa kung saan talamak ang trafficking sa bata, importanteng pangalagaan natin ang kaligtasan ng ating mga anak.

Heto ang isang ulat tungkol sa nangyaring kaso ng human trafficking, kung saan naaresto ang dalawang babae dahil sa pagbebenta at pagbili ng isang 3-buwang gulang na sanggol.

Kakasuhan sila ng paglabag sa batas laban sa trafficking sa bata

Dalawang babae ang inarest kamakailan lang dahil di umano sa trafficking sa bata. Ang nagbenta ng sanggol ay si April Rose Ramirez, at ang buyer naman ay si Catherine Lagustan. Nadakip silang dalawa sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport noong Set. 10.

Ayon sa NBI, lumipad daw mula Cagayan de Oro City si Ramirez upang ihatid ang sanggol kapalit ng P30,000. Ngunit tumanggi raw si Lagustan nang makitang may cleft palate ang sanggol.

Kakasuhan silang dalawa ng child trafficking, isang violation sa Republic Act No. 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Plano rin nilang kasuhan ang ina ng bata na si Shiela Marie Mandawe, ngunit hindi pa ito nadadakip.

Nahuli sila dahil sa pag-iyak ng sanggol

3-Buwang gulang na sanggol, tinangkang ibenta sa halagang 30,000!

Source: dreamstime

Nahuli daw silang dalawa dahil sa walang-tahan na pag-iyak ng sanggol. Dahil dito, lumapit ang isa pang babae, si Rose Antiquina na nagsabing papatahanin daw niya ang bata.

Nagpunta naman ang dalawang babae sa check-in counter ng isang airline para asikasuhin ang return flight ni Ramirez. Matapos nito, inabot na ang bayad kay Ramirez, at binalikan ang sanggol.

Lumapit sa airport police si Lagustan at Antiquina upang humingi ng tulong dahil natagalan daw bumalik si Ramirez. Yun pala, nasalisihan nila si Ramirez na humingi din ng tulong sa airport police upang hanapin ang dalawa na nawawala pagbalik niya.

Dito na naghinala ang airport police at kasalukuyang iniimbestigahan para sa kasong child trafficking.

Ang sanggol naman ay i-tinurnover sa DSWD.

Child trafficking: Malaking problema sa bansa

Isa sa pinakamalaking problema sa bansa ang child trafficking, at human trafficking. Isa rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng human trafficking sa buong mundo. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang human trafficking, at hindi ito simpleng problema.

Pero may magagawa tayo upang labanan at sugpuin ito. Heto ang ilang mga puwedeng gawin:

  • Huwag matakot mag-report o magsumbong kung sa tingin mo ay mayroong nagaganap na human o child trafficking.
  • Mag-volunteer sa mga grupo na nilalabanan ang child trafficking.
  • Magpakalat ng kaalaman at impormasyon tungkol sa human trafficking.
  • Tumulong sa mga paaralan at mga initiative na sumusuporta sa edukasyon. Isa sa pinakamalaking dahilan ng human trafficking ang kawalan ng edukasyon at ang kahirapan.
  • Bantayang maigi ang iyong mga anak, at huwag silang hayaan na magpunta sa kung saan-saan na mag-isa lang.

 

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: GMA News

Basahin: Batang na-kidnap, natagpuang namamalimos sa daan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 3-Buwang gulang na sanggol, tinangkang ibenta sa halagang 30,000!
Share:
  • Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

    Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

  • Australian sentenced to life imprisonment for rape and human trafficking in Cagayan de Oro

    Australian sentenced to life imprisonment for rape and human trafficking in Cagayan de Oro

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

    Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP

  • Australian sentenced to life imprisonment for rape and human trafficking in Cagayan de Oro

    Australian sentenced to life imprisonment for rape and human trafficking in Cagayan de Oro

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.